Add parallel Print Page Options
'Deuteronomio 21 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

21 Kung may masumpungang pinatay sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang ariin, na nabubulagta sa parang, at hindi maalaman kung sinong sumugat sa kaniya:

Ay lalabas nga ang iyong mga matanda at ang iyong mga hukom, at kanilang susukatin ang layo ng mga bayang nasa palibot ng pinatay:

At mangyayari, na ang mga matanda sa bayang yaon, na bayang malapit sa pinatay, ay kukuha ng isang dumalagang baka sa bakahan, na hindi pa nagagamit at hindi pa nakakapagpasan ng pamatok;

At ibababa ng mga matanda ang dumalagang baka sa isang libis na may agos ng tubig, na di pa nabubukid, ni nahahasikan, at babaliin ang leeg ng dumalagang baka doon sa libis:

At ang mga saserdote na mga anak ni Levi ay lalapit, sapagka't sila ang pinili ng Panginoon mong Dios na mangasiwa sa kaniya, at bumasbas sa pangalan ng Panginoon; at ayon sa kanilang salita ay pasisiyahan ang bawa't pagkakaalit at bawa't awayan:

At lahat ng mga matanda sa bayang yaon, na malapit sa pinatay, ay maghuhugas ng kanilang kamay sa ibabaw ng dumalagang baka na binali ang leeg sa libis:

At sila'y sasagot at sasabihin, Ang aming kamay ay hindi nagbubo ng dugong ito, ni nakita ng aming mga mata.

Patawarin mo, Oh Panginoon, ang iyong bayang Israel, na iyong tinubos, at huwag mong tikising matira sa gitna ng iyong bayang Israel, ang dugong walang sala. At ang dugo'y ipatatawad sa kanila.

Gayon mo aalisin ang dugong walang sala sa gitna mo, pagka iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon.

10 Pagka ikaw ay lalabas upang makipagbaka laban sa iyong mga kaaway, at ibibigay sila ng Panginoon mong Dios sa iyong mga kamay, at dadalhin mo silang bihag,

11 At makakakita ka sa mga bihag ng isang magandang babae, at magkaroon ka ng nasa sa kaniya, at iibigin mo siyang kuning asawa,

12 Ay iyo nga siyang dadalhin sa iyong bahay; at kaniyang aahitan ang kaniyang ulo, at gugupitin ang kaniyang mga kuko;

13 At kaniyang huhubarin ang suot na pagkabihag sa kaniya, at matitira sa iyong bahay, at iiyakan ang kaniyang ama at ang kaniyang ina na isang buong buwan: at pagkatapos noo'y sisiping ka sa kaniya, at ikaw ay magiging asawa niya, at siya'y magiging iyong asawa.

14 At mangyayari, na kung di mo kalugdan siya, ay iyo ngang pababayaan siyang yumaon kung saan niya ibig; nguni't huwag mo siyang ipagbibili ng salapi, huwag mo siyang aalipinin, sapagka't iyong pinangayupapa siya.

15 Kung ang isang lalake ay may dalawang asawa, na ang isa'y sinisinta, at ang isa'y kinapopootan, at kapuwa magkaanak sa kaniya, ang sinisinta at ang kinapopootan; at kung ang maging panganay ay sa kinapopootan:

16 Ay mangyayari nga sa araw na kaniyang pagmanahin ang kaniyang mga anak ng kaniyang tinatangkilik, ay hindi niya magagawang panganay ang anak ng sinisinta na higit kay sa anak ng kinapopootan, na siyang panganay;

17 Kundi kaniyang kikilalaning panganay, ang anak ng kinapopootan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng dalawang bahagi sa buong kaniyang tinatangkilik; sapagka't siya ang pasimula ng kaniyang lakas; ang karapatan nga ng pagkapanganay ay kaniya.

18 Kung ang isang lalake ay may matigas na loob at mapanghimagsik na anak, na ayaw makinig ng tinig ng kaniyang ama, o ng tinig ng kaniyang ina, at bagaman kanilang parusahan siya ay ayaw makinig sa kanila:

19 Ay hahawakan nga ng kaniyang ama at ng kaniyang ina at dadalhin sa mga matanda sa kaniyang bayan, at sa pintuang-bayan ng kaniyang pook;

20 At kanilang sasabihin sa mga matanda sa kaniyang bayan. Itong aming anak ay matigas na loob at mapanghimagsik, na ayaw niyang dinggin ang aming tinig; siya'y may masamang pamumuhay, at manglalasing.

21 At babatuhin siya ng mga bato, ng lahat ng mga lalake sa kaniyang bayan upang siya'y mamatay: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo; at maririnig ng buong Israel, at matatakot.

22 Kung ang isang lalake ay magkasala ng kasalanang marapat sa kamatayan, at siya'y patayin, at iyong ibitin siya sa isang punong kahoy;

23 Ay huwag maiiwan buong gabi ang kaniyang bangkay sa punong kahoy, kundi walang pagsalang siya'y iyong ililibing sa araw ding yaon; sapagka't ang bitin ay sinumpa ng Dios; upang huwag mong ihawa ang iyong lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, na ipinamana.

Ang Hindi pa Nakikilalang Mamamatay-Tao

21 “Kapag naroon na kayo sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios na aangkinin ninyo, at may nakita kayong bangkay ng tao at hindi ninyo alam kung sino ang pumatay dito, dapat sukatin ng mga tagapamahala sa inyo kung aling bayan sa palibot ang pinakamalapit kung saan natagpuan ang bangkay. Pagkatapos, kukuha ang mga tagapamahala ng bayang iyon ng dumalagang baka na hindi pa nakakapagtrabaho o nakakapag-araro. Dadalhin nila ito sa lambak na palaging dinadaluyan ng tubig, na ang lupa doon ay hindi pa naaararo o natataniman. At doon nila babaliin ang leeg ng dumalagang baka. Dapat ding pumunta roon ang mga pari na mula sa lahi ni Levi, dahil pinili sila ng Panginoon na inyong Dios na maglingkod at magbigay ng basbas sa pangalan ng Panginoon, at magdesisyon sa lahat ng kaso. Pagkatapos, ang lahat ng tagapamahala ng bayan sa pinakamalapit na lugar kung saan nakita ang bangkay ay maghuhugas ng kamay sa ibabaw ng dumalagang baka na binali ang leeg sa lambak. At sasabihin nila, ‘Hindi kami ang pumatay at hindi rin namin nakita kung sino ang pumatay. 8-9 O Panginoon, patawarin nʼyo po ang mga mamamayan ninyong Israelita na inyong iniligtas sa Egipto. Huwag ninyo kaming panagutin sa kamatayan ng inosenteng taong ito.’ Kung ganito ang gagawin ninyo hindi na kayo pananagutin ng Panginoon sa pagpatay, dahil makikita niya na matuwid kayo.

Ang Pag-aasawa ng Bihag na Babae

10 “Kung nakipaglaban kayo sa inyong mga kaaway at ibinigay sila sa inyo ng Panginoon na inyong Dios, at binihag ninyo sila, 11 at ang isa sa inyo ay nakakita ng magandang babae sa mga bihag at nagustuhan niya ito at gusto niya itong mapangasawa, 12 dadalhin niya ang babae sa kanyang bahay at kakalbuhin ang ulo niya, puputulin ang mga kuko, 13 at papalitan ang suot niyang damit nang binihag siya. Dapat magpaiwan ang babae sa bahay ninyo sa loob ng isang buwan habang nagluluksa siya para sa kanyang mga magulang. Pagkatapos nito, maaari na siyang maging asawa. 14 Pero kung sa bandang huli ay mawalan ang lalaki ng gana sa babae, dapat niya itong payagang pumunta saan man gustuhin ng babae. Hindi na siya dapat pang ipagbili o gawing alipin dahil siyaʼy ipinahiya niya.

Ang Karapatan ng mga Panganay

15 “Kung may isang lalaki na dalawa ang asawa, at mahal niya ang isa pero hindi ang isa, at may mga anak siya sa dalawa. At kung ang panganay niyang lalaki ay anak ng asawa niyang hindi niya mahal, 16 kapag hahatiin na niya ang kanyang ari-arian, kailangang ang parte na para sa panganay na anak ay huwag ibigay sa anak ng asawa niyang minamahal. Dapat niya itong ibigay sa panganay kahit na hindi niya mahal ang ina nito. 17 Kailangan niyang kilalanin na panganay niyang anak ang anak ng asawa niyang hindi minamahal. Ibibigay niya sa kanya nang doble ang bahagi ng ari-arian niya dahil siya ang naunang anak at may karapatan siyang tumanggap ng kanyang bahagi bilang panganay na anak.

Ang Hindi Matapat na Anak

18 “Kung ang isang tao ay may anak na lalaki na matigas ang ulo at suwail na ayaw makinig sa kanyang mga magulang kapag siyaʼy dinidisiplina, 19 dadalhin siya ng kanyang mga magulang sa mga tagapamahala doon sa pintuan ng bayan. 20 Sasabihin nila sa mga tagapamahala, ‘Matigas ang ulo nitong anak namin at rebelde siya; hindi siya sumusunod sa amin. Gastador siya at lasenggo.’ 21 Pagkatapos, dapat siyang batuhin ng lahat ng naninirahan sa bayan hanggang sa mamatay siya. Marinig ito ng lahat ng Israelita at matatakot sila. Sa pamamagitan nito, mawawala ang masasamang gawa sa inyong bansa.

Ang Iba pang mga Kautusan

22 “Kung ang isang tao ay pinarusahan ng kamatayan dahil sa isang krimen na ginawa niya, at ibinitin ang bangkay niya sa puno, 23 hindi dapat umabot hanggang umaga ang bangkay niya roon. Dapat ninyo itong ilibing sa araw ding iyon, dahil ang sinumang ibinitin sa puno ay isinumpa ng Dios. Kung hindi ninyo ito ililibing sa araw ding iyon, madudungisan nito ang lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios bilang mana ninyo.

21 Om i det land som HERREN, din Gud, vill giva dig till besittning en ihjälslagen människa påträffas liggande på marken, och man icke vet vem som har dödat honom,

så skola dina äldste och dina domare gå ut och mäta upp avståndet från platsen där den ihjälslagne påträffas till de städer som ligga där runt omkring.

Och de äldste i den stad som ligger närmast denna plats skola taga en kviga som icke har blivit begagnad till arbete, och som icke såsom dragare har gått under ok.

Och de äldste i staden skola föra kvigan ned till en dalgång som icke har varit plöjd eller besådd; och där i dalen skola de krossa nacken på kvigan.

Och prästerna, Levi söner, skola träda fram, ty dem har HERREN, din Gud, utvalt till att göra tjänst inför honom och till att välsigna i HERRENS namn, och såsom de bestämma skola alla tvister och alla misshandlingsmål behandlas.

Och alla de äldste i den staden, de som bo närmast platsen där den ihjälslagne påträffades, skola två sina händer över kvigan på vilken man hade krossat nacken i dalen;

och de skola betyga och säga: »Våra händer hava icke utgjutit detta blod, och våra ögon hava icke sett dådet.

Förlåt ditt folk Israel, som du har förlossat, HERRE, och låt icke oskyldigt blod komma över någon i ditt folk Israel.» Så bliver denna blodskuld dem förlåten.

Du skall skaffa bort ifrån dig skulden för det oskyldiga blodet, ty du skall göra vad rätt är i HERRENS ögon.

10 Om HERREN, din Gud, när du drager ut i krig mot dina fiender, giver dem i din hand, så att du tager fångar,

11 och du då bland fångarna får se någon skön kvinna som du fäster dig vid, och som du vill taga till hustru åt dig,

12 så skall du föra henne in i ditt hus, och hon skall raka sitt huvud och ansa sina naglar.

13 Och hon skall lägga av de kläder hon bar såsom fånge och skall bo i ditt hus och få begråta sin fader och sin moder en månads tid; därefter må du gå in till henne och äkta henne, så att hon bliver din hustru.

14 Och om du sedan icke mer finner behag i henne, så må du låta henne gå vart hon vill; du får icke sälja henne för penningar. Du får icke heller behandla henne såsom trälinna, då du nu har kränkt henne.

15 Om en man har två hustrur, en som han älskar och en som han försmår, och båda hava fött honom söner, såväl den han älskar som den han försmår, och hans förstfödde son till den försmådda,

16 så får mannen icke, när han åt sina söner utskiftar sin egendom såsom arv, giva förstfödslorätten åt sonen till den älskar, till förfång för sonen till den han försmår, då nu denne är den förstfödde,

17 utan han skall såsom sin förstfödde erkänna sonen till den försmådda och giva honom dubbel lott av allt vad han äger. Ty denne är förstlingen av hans kraft; honom tillhör förstfödslorätten.

18 Om någon har en vanartig och uppstudsig son, som icke lyssnar till sin faders och sin moders ord, och som, fastän de tukta honom, ändå icke hör på dem,

19 så skola hans fader och hans moder taga honom och föra honom ut till de äldste i staden, till stadens port.

20 Och de skola säga till de äldste i staden: »Denne vår son är vanartig och uppstudsig och vill icke lyssna till våra ord, utan är en frossare och drinkare.»

21 Då skall allt folket i staden stena honom till döds: du skall skaffa bort ifrån dig vad ont är. Och hela Israel skall höra det och frukta.

22 Om på någon vilar en sådan synd som förtjänar döden, och han så bliver dödad och du hänger upp honom på trä,

23 så skall den döda kroppen icke lämnas kvar på träet över natten, utan du skall begrava den på samma dag, ty en Guds förbannelse är den som har blivit upphängd; och du skall icke orena det land som HERREN, din Gud, vill giva dig till arvedel.