Font Size
Deuteronomio 18:18-20
Ang Biblia (1978)
Deuteronomio 18:18-20
Ang Biblia (1978)
18 Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; (A)at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at (B)kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.
19 (C)At mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa aking pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya.
Ang bulaang propeta.
20 (D)Nguni't ang propeta (E)na magsasalita ng salitang may pagpapalalo sa aking pangalan, na hindi ko iniutos sa kaniyang salitain (F)o magsasalita sa pangalan ng ibang mga dios, ay papatayin nga ang propetang yaon.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978