Add parallel Print Page Options

14 Ang mga bansang inyong sasakupin ay sumusunod sa mga manghuhula at mga naniniwala sa mga agimat. Subalit ang mga ito ay ipinagbabawal sa inyo ng Diyos ninyong si Yahweh.

Ang Diyos ay Magpapadala ng Propeta

15 “Mula(A) sa inyo, si Yahweh na inyong Diyos ay pipili para sa inyo ng isang propetang[a] katulad ko. Dapat kayong makinig sa kanya.[b] 16 Ito ang kasagutan sa hiling ninyo kay Yahweh nang kayo'y nagkakatipon sa Sinai.[c] Ang sabi ninyo, ‘Huwag mo nang iparinig pang muli sa amin ang tinig ni Yahweh ni ipakita ang kakila-kilabot na apoy na ito sapagkat tiyak na mamamatay kami.’

Read full chapter

Footnotes

  1. Deuteronomio 18:15 isang propetang: o kaya'y mga propetang .
  2. Deuteronomio 18:15 kanya: o kaya'y kanila .
  3. Deuteronomio 18:16 Sinai: o kaya'y Horeb .