Add parallel Print Page Options

25 Ay iyo ngang sasalapiin, at iyong itatali ang salapi sa iyong kamay at paroroon ka sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios:

26 At iyong gugulin ang salapi sa anomang nasain mo sa mga baka, o sa mga tupa, o sa alak, o sa matapang na inumin, o sa anomang nasain ng iyong kaluluwa: at (A)iyong kakanin doon sa harap ng Panginoon mong Dios, at ikaw ay magagalak, ikaw at ang iyong sangbahayan;

27 At ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay (B)huwag mong pababayaan: (C)sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama mo.

Read full chapter