Deuteronomio 10
Magandang Balita Biblia
Ang Ikalawang Pagsulat sa Kautusan(A)
10 “Noon ay sinabi sa akin ni Yahweh, ‘Magtapyas ka ng dalawang bato, tulad noong una, at gumawa ka ng kabang yari sa kahoy. Pagkatapos, umakyat ka sa bundok. 2 Isusulat ko sa dalawang tapyas ng bato ang nakasulat sa unang dalawang tapyas na binasag mo. Pagkatapos, itago mo sa kaban.’
3 “Kaya gumawa ako ng kabang yari sa punong akasya, tumapyas ng dalawang batong katulad noong una at ako'y umakyat sa bundok. 4 Isinulat nga ni Yahweh ang sampung utos sa dalawang tapyas ng bato. Ang sampung utos na ito ang sinabi niya sa inyo mula sa naglalagablab na apoy samantalang kayo'y nagkakatipon sa paanan ng bundok. Ang dalawang tapyas ng bato ay ibinigay sa akin ni Yahweh. 5 Ako'y nagbalik mula sa bundok at inilagay ko sa kaban ang dalawang tapyas ng bato tulad ng utos sa akin ni Yahweh.”
(6 Ang(B) mga Israelita'y naglakbay mula sa Jaacan hanggang Mosera. Doon namatay at inilibing si Aaron. Ang anak niyang si Eleazar ang pumalit sa kanya bilang pari. 7 Mula roo'y nagtuloy sila sa Gudgoda, at sa Jotbata, isang lugar na may maraming batis. 8 Noon(C) pinili ni Yahweh ang mga Levita upang magbuhat ng Kaban ng Tipan, tumulong sa paglilingkod sa kanya, at magbasbas sa kanyang pangalan tulad ng ginagawa nila ngayon. 9 Dahil dito, walang kaparte ang mga Levita sa lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos. Si Yahweh ang bahagi nila, tulad ng pangako niya.)
10 “Tulad(D) noong una, apatnapung araw at gabi akong nanatili sa bundok at pinakinggan naman ako ni Yahweh. Dahil dito, hindi na niya itinuloy ang balak na pagpuksa sa inyo. 11 Sinabi niya sa akin na pangunahan kayo sa paglalakbay at pagsakop sa lupaing ipinangako ko sa inyong mga ninuno.
Ang Diwa ng Kautusan ni Yahweh
12 “Bayang Israel, ano nga ba ang nais ni Yahweh mula sa inyo? Ang gusto lang naman niya'y igalang ninyo siya, sundin ang kanyang mga utos, ibigin siya, paglingkuran ng buong puso't kaluluwa, 13 at tuparin ang kanyang mga bilin at tuntunin. Ito rin naman ay para sa inyong kabutihan. 14 Ang pinakamataas na langit, ang daigdig at ang lahat ng narito ay kay Yahweh. 15 Ngunit sa laki ng pag-ibig niya sa inyong mga ninuno, kayong lahi nila ay pinili niya sa gitna ng maraming bansa. 16 Kaya nga, maging masunurin kayo at huwag maging matigas ang inyong ulo. 17 Sapagkat(E) si Yahweh na inyong Diyos ay Diyos ng mga diyos, Panginoon ng mga panginoon, makapangyarihan at kakila-kilabot, walang itinatangi, at hindi nasusuhulan. 18 Binibigyan(F) niya ng katarungan ang mga ulila at balo; minamahal niya ang mga dayuhan at binibigyan ng pagkain at damit. 19 Ibigin ninyo ang mga dayuhan sapagkat kayo ma'y naging dayuhan din sa Egipto. 20 Magkaroon kayo ng takot kay Yahweh. Siya lang ang inyong sambahin; huwag kayong hihiwalay sa kanya, at sa pangalan lamang niya kayo manunumpa. 21 Siya lamang ang dapat ninyong purihin, siya ang inyong Diyos, ang gumawa ng marami at kakila-kilabot na mga bagay na inyong nasaksihan. 22 Pitumpu(G) lamang ang inyong mga ninuno nang pumunta sila sa Egipto ngunit ngayo'y pinarami kayo ng Diyos ninyong si Yahweh; sindami na kayo ng mga bituin sa langit.
Deuteronomio 10
Ang Biblia (1978)
Ang ikalawang pagtira ni Moises sa bundok.
10 Nang panahong yaon ay sinabi ng Panginoon sa akin, (A)Humugis ka ng dalawang tapyas na bato, na gaya ng una, at sampahin mo ako sa bundok, at (B)gumawa ka ng isang kaban na kahoy;
2 At aking isusulat sa mga tapyas ang mga salita na nasa unang mga tapyas na iyong binasag, (C)at iyong isisilid ang mga iyan sa kaban.
3 Sa gayo'y gumawa ako ng isang kaban na kahoy na (D)akasia, at ako'y (E)humugis ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una, at ako'y sumampa sa bundok na aking dala sa aking kamay ang dalawang tapyas.
4 At (F)kaniyang isinulat sa mga tapyas, ang ayon sa unang sulat, ang sangpung utos (G)na sinalita ng Panginoon sa inyo sa bundok mula sa gitna ng apoy nang kaarawan ng kapulungan: at ang mga yaon ay ibinigay sa akin ng Panginoon.
5 At ako'y pumihit at (H)bumaba mula sa bundok, (I)at aking isinilid ang mga tapyas sa kaban na aking ginawa, at (J)nangandoon, na gaya ng iniutos sa akin ng Panginoon.
6 (At ang mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa Beerot Bene-ja-acan hanggang (K)sa (L)Mosera: (M)doon namatay si Aaron, at doon siya inilibing; at si Eleazar na kaniyang anak ay nangasiwa sa katungkulang saserdote na kahalili niya.
7 (N)Mula roon ay naglakbay sila hanggang Gudgod; at mula sa Gudgod hanggang sa Jotbatha, na lupain ng mga batis ng tubig.
8 Nang panahong yaon ay (O)inihiwalay ng Panginoon ang lipi ni Levi, (P)upang magdala ng kaban ng tipan ng Panginoon, (Q)upang tumayo sa harap ng Panginoon na mangasiwa sa kaniya, at (R)upang magbasbas sa kaniyang pangalan hanggang sa araw na ito.
9 (S)Kaya't ang Levi ay walang bahagi ni mana sa kasamahan ng kaniyang mga kapatid; ang Panginoo'y siyang kaniyang mana, ayon sa sinalita ng Panginoon mong Dios sa kaniya.)
10 (T)At ako'y nalabi sa bundok, gaya ng una, na apat na pung araw at apat na pung gabi; at ako'y dininig din noon ng Panginoon; hindi ka lilipulin ng Panginoon.
11 (U)At sinabi ng Panginoon sa akin, Tumindig ka, lumakad ka na manguna sa bayan; at sila'y papasok at kanilang aariin ang lupain, na aking isinumpa sa kanilang mga magulang upang ibigay sa kanila.
Ipinapayo ang paggalang sa Panginoon.
12 At ngayon, Israel, (V)ano ang hinihingi sa iyo ng Panginoon mong Dios, kundi (W)matakot ka sa Panginoon mong Dios, (X)lumakad ka sa lahat ng kaniyang mga daan, at (Y)ibigin mo siya, at paglingkuran mo ang Panginoon mong Dios, ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo.
13 Na ganapin mo ang mga utos ng Panginoon, at ang kaniyang mga palatuntunan, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito (Z)sa iyong ikabubuti?
14 Narito, sa Panginoon mong Dios nauukol ang langit, at ang langit ng mga langit, ang lupa, sangpu ng lahat na nangariyan.
15 (AA)Ang Panginoon ay nagkaroon lamang ng hilig sa iyong mga magulang na ibigin sila, at kaniyang pinili ang kanilang binhi pagkamatay nila, sa makatuwid baga'y kayo, sa lahat ng mga bayan na gaya ng nakikita sa araw na ito.
16 Tuliin nga ninyo (AB)ang balat ng inyong puso, at (AC)huwag ninyong papagmatigasin ang inyong ulo.
17 Sapagka't ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios ng mga dios, at (AD)Panginoon ng mga panginoon, siyang dakilang Dios, siyang makapangyarihan at siyang kakilakilabot, (AE)na hindi nagtatangi ng tao ni tumatanggap ng suhol.
18 (AF)Kaniyang hinahatulan ng matuwid ang ulila at babaing bao, at iniibig ang taga ibang lupa, na binibigyan niya ng pagkain at kasuutan.
19 (AG)Ibigin nga ninyo ang taga ibang lupa: sapagka't kayo'y naging taga ibang lupa sa lupain ng Egipto.
20 (AH)Katatakutan mo ang Panginoon mong Dios; sa kaniya'y maglilingkod ka, at sa kaniya'y lalakip ka, at sa pamamagitan ng kaniyang pangalan susumpa ka.
21 (AI)Siya ang iyong kapurihan, at siya ang iyong Dios, na iginawa ka niya nitong mga dakila at kakilakilabot na mga bagay, na nakita ng iyong mga mata.
22 (AJ)Ang iyong mga magulang ay lumusong sa Egipto na may pitong pung tao; at ngayo'y ginawa ka ng Panginoon mong Dios na (AK)gaya ng mga bituin sa langit ang dami.
Deuteronomy 10
King James Version
10 At that time the Lord said unto me, Hew thee two tables of stone like unto the first, and come up unto me into the mount, and make thee an ark of wood.
2 And I will write on the tables the words that were in the first tables which thou brakest, and thou shalt put them in the ark.
3 And I made an ark of shittim wood, and hewed two tables of stone like unto the first, and went up into the mount, having the two tables in mine hand.
4 And he wrote on the tables, according to the first writing, the ten commandments, which the Lord spake unto you in the mount out of the midst of the fire in the day of the assembly: and the Lord gave them unto me.
5 And I turned myself and came down from the mount, and put the tables in the ark which I had made; and there they be, as the Lord commanded me.
6 And the children of Israel took their journey from Beeroth of the children of Jaakan to Mosera: there Aaron died, and there he was buried; and Eleazar his son ministered in the priest's office in his stead.
7 From thence they journeyed unto Gudgodah; and from Gudgodah to Jotbath, a land of rivers of waters.
8 At that time the Lord separated the tribe of Levi, to bear the ark of the covenant of the Lord, to stand before the Lord to minister unto him, and to bless in his name, unto this day.
9 Wherefore Levi hath no part nor inheritance with his brethren; the Lord is his inheritance, according as the Lord thy God promised him.
10 And I stayed in the mount, according to the first time, forty days and forty nights; and the Lord hearkened unto me at that time also, and the Lord would not destroy thee.
11 And the Lord said unto me, Arise, take thy journey before the people, that they may go in and possess the land, which I sware unto their fathers to give unto them.
12 And now, Israel, what doth the Lord thy God require of thee, but to fear the Lord thy God, to walk in all his ways, and to love him, and to serve the Lord thy God with all thy heart and with all thy soul,
13 To keep the commandments of the Lord, and his statutes, which I command thee this day for thy good?
14 Behold, the heaven and the heaven of heavens is the Lord's thy God, the earth also, with all that therein is.
15 Only the Lord had a delight in thy fathers to love them, and he chose their seed after them, even you above all people, as it is this day.
16 Circumcise therefore the foreskin of your heart, and be no more stiffnecked.
17 For the Lord your God is God of gods, and Lord of lords, a great God, a mighty, and a terrible, which regardeth not persons, nor taketh reward:
18 He doth execute the judgment of the fatherless and widow, and loveth the stranger, in giving him food and raiment.
19 Love ye therefore the stranger: for ye were strangers in the land of Egypt.
20 Thou shalt fear the Lord thy God; him shalt thou serve, and to him shalt thou cleave, and swear by his name.
21 He is thy praise, and he is thy God, that hath done for thee these great and terrible things, which thine eyes have seen.
22 Thy fathers went down into Egypt with threescore and ten persons; and now the Lord thy God hath made thee as the stars of heaven for multitude.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
