Deuteronomio 10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Ikalawang Pagsulat sa Kautusan(A)
10 “Noon ay sinabi sa akin ni Yahweh, ‘Magtapyas ka ng dalawang bato, tulad noong una, at gumawa ka ng kabang yari sa kahoy. Pagkatapos, umakyat ka sa bundok. 2 Isusulat ko sa dalawang tapyas ng bato ang nakasulat sa unang dalawang tapyas na binasag mo. Pagkatapos, itago mo sa kaban.’
3 “Kaya gumawa ako ng kabang yari sa punong akasya, tumapyas ng dalawang batong katulad noong una at ako'y umakyat sa bundok. 4 Isinulat nga ni Yahweh ang sampung utos sa dalawang tapyas ng bato. Ang sampung utos na ito ang sinabi niya sa inyo mula sa naglalagablab na apoy samantalang kayo'y nagkakatipon sa paanan ng bundok. Ang dalawang tapyas ng bato ay ibinigay sa akin ni Yahweh. 5 Ako'y nagbalik mula sa bundok at inilagay ko sa kaban ang dalawang tapyas ng bato tulad ng utos sa akin ni Yahweh.”
(6 Ang(B) mga Israelita'y naglakbay mula sa Jaacan hanggang Mosera. Doon namatay at inilibing si Aaron. Ang anak niyang si Eleazar ang pumalit sa kanya bilang pari. 7 Mula roo'y nagtuloy sila sa Gudgoda, at sa Jotbata, isang lugar na may maraming batis. 8 Noon(C) pinili ni Yahweh ang mga Levita upang magbuhat ng Kaban ng Tipan, tumulong sa paglilingkod sa kanya, at magbasbas sa kanyang pangalan tulad ng ginagawa nila ngayon. 9 Dahil dito, walang kaparte ang mga Levita sa lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos. Si Yahweh ang bahagi nila, tulad ng pangako niya.)
10 “Tulad(D) noong una, apatnapung araw at gabi akong nanatili sa bundok at pinakinggan naman ako ni Yahweh. Dahil dito, hindi na niya itinuloy ang balak na pagpuksa sa inyo. 11 Sinabi niya sa akin na pangunahan kayo sa paglalakbay at pagsakop sa lupaing ipinangako ko sa inyong mga ninuno.
Ang Diwa ng Kautusan ni Yahweh
12 “Bayang Israel, ano nga ba ang nais ni Yahweh mula sa inyo? Ang gusto lang naman niya'y igalang ninyo siya, sundin ang kanyang mga utos, ibigin siya, paglingkuran ng buong puso't kaluluwa, 13 at tuparin ang kanyang mga bilin at tuntunin. Ito rin naman ay para sa inyong kabutihan. 14 Ang pinakamataas na langit, ang daigdig at ang lahat ng narito ay kay Yahweh. 15 Ngunit sa laki ng pag-ibig niya sa inyong mga ninuno, kayong lahi nila ay pinili niya sa gitna ng maraming bansa. 16 Kaya nga, maging masunurin kayo at huwag maging matigas ang inyong ulo. 17 Sapagkat(E) si Yahweh na inyong Diyos ay Diyos ng mga diyos, Panginoon ng mga panginoon, makapangyarihan at kakila-kilabot, walang itinatangi, at hindi nasusuhulan. 18 Binibigyan(F) niya ng katarungan ang mga ulila at balo; minamahal niya ang mga dayuhan at binibigyan ng pagkain at damit. 19 Ibigin ninyo ang mga dayuhan sapagkat kayo ma'y naging dayuhan din sa Egipto. 20 Magkaroon kayo ng takot kay Yahweh. Siya lang ang inyong sambahin; huwag kayong hihiwalay sa kanya, at sa pangalan lamang niya kayo manunumpa. 21 Siya lamang ang dapat ninyong purihin, siya ang inyong Diyos, ang gumawa ng marami at kakila-kilabot na mga bagay na inyong nasaksihan. 22 Pitumpu(G) lamang ang inyong mga ninuno nang pumunta sila sa Egipto ngunit ngayo'y pinarami kayo ng Diyos ninyong si Yahweh; sindami na kayo ng mga bituin sa langit.
Deuteronomio 10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Ikalawang Malalapad na Bato(A)
10 “Nang panahong sinabi sa akin ng Panginoon, ‘Gumawa ka ng dalawang malalapad na bato kagaya noong una, at umakyat ka sa bundok papunta sa akin. Gumawa ka rin ng kahon na yari sa kahoy. 2 Isusulat ko sa malalapad na bato ang mga salita na isinulat ko sa unang malalapad na bato na biniyak mo. At ilagay mo ito sa kahon.’
3 “Kaya gumawa ako ng kahon na yari sa akasya at ng dalawang malalapad na bato gaya noong una, at umakyat sa bundok dala ang dalawang malalapad na bato. 4 Isinulat ng Panginoon sa dalawang malalapad na batong ito ang isinulat niya noong una, ang Sampung Utos na ibinigay niya sa inyo nang nagsalita siya mula sa apoy noong araw na nagtipon kayo sa bundok. Nang maibigay na ito ng Panginoon sa akin, 5 bumaba ako sa bundok at inilagay ito sa kahong ginawa ko, ayon sa iniutos ng Panginoon, at hanggang ngayoʼy naroon pa ito.”
6 (Naglakbay ang mga Israelita mula sa balon ng mga taga-Jaakan[a] papunta sa Mosera. Doon namatay si Aaron at doon din inilibing. At si Eleazar na anak niya ang pumalit sa kanya bilang punong pari. 7 Mula roon, pumunta sila sa Gudgoda at sa Jotbata, isang lugar na may mga sapa. 8 Nang panahong iyon, pinili ng Panginoon ang lahi ni Levi para sila ang magbuhat ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon, para maglingkod sa kanyang presensya, at para magbasbas sa mga tao sa kanyang pangalan. At hanggang ngayoʼy ganito ang gawain nila. 9 Ito ang dahilan kung bakit walang bahagi o mana ang mga Levita sa lupain, hindi gaya ng ibang mga Israelita. Ang Panginoon ang bahagi nila ayon sa sinabi ng Panginoon na inyong Dios.)
10 Sinabi pa ni Moises, “Gaya ng ginawa ko noong una, nanatili ako sa bundok sa loob ng 40 araw at 40 gabi, at muli akong pinakinggan ng Panginoon at hindi niya kayo pinatay. 11 Sinabi niya sa akin, ‘Lumakad ka at pamunuan ang mga Israelita sa pagpasok at sa pag-angkin sa lupaing ipinangako kong ibibigay sa inyo at sa inyong mga ninuno.’
Igalang at Sundin ang Panginoon
12 “At ngayon, O mga mamamayan ng Israel, ang hinihingi lang ng Panginoon na inyong Dios sa inyo ay igalang ninyo siya, mamuhay ayon sa kanyang pamamaraan, mahalin siya, maglingkod sa kanya nang buong pusoʼt kaluluwa, 13 at sundin ang lahat ng mga utos at tuntunin niya na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito para sa ikabubuti ninyo.
14 “Sa Panginoon na inyong Dios ang kalangitan, kahit ang pinakamataas na langit, pati ang mundo at lahat ng narito. 15 Ngunit pinili ng Panginoon ang inyong mga ninuno para mahalin, at sa lahat ng bansa kayo na mula sa kanilang lahi ang pinili niya hanggang ngayon. 16 Kaya baguhin[b] ninyo ang mga puso ninyo at huwag nang patigasin ang mga ulo ninyo. 17 Sapagkat ang Panginoon na inyong Dios ay Dios ng mga dios at Panginoon ng mga panginoon. Makapangyarihan siya at kamangha-manghang Dios. Wala siyang pinapanigan at hindi siya tumatanggap ng suhol. 18 Ipinagtatanggol niya ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda. Minamahal niya ang mga dayuhan[c] at binibigyan sila ng pagkain at mga damit. 19 Kaya mahalin din ninyo ang mga dayuhan, dahil mga dayuhan din kayo noon sa Egipto. 20 Igalang ninyo ang Panginoon na inyong Dios at paglingkuran ninyo siya. Manatili kayo sa kanya at sumumpa kayo sa pangalan lang niya. 21 Purihin ninyo siya, dahil siya ang Dios ninyo na gumawa ng dakila at kamangha-manghang bagay na nakita ninyo. 22 Nang dumating ang inyong mga ninuno sa Egipto, 70 lang silang lahat, pero ngayon, pinadami na kayo ng Panginoon na inyong Dios na katulad ng mga bituin sa langit.
Deuteronomy 10
New International Version
Tablets Like the First Ones
10 At that time the Lord said to me, “Chisel out two stone tablets(A) like the first ones and come up to me on the mountain. Also make a wooden ark.[a] 2 I will write on the tablets the words that were on the first tablets, which you broke. Then you are to put them in the ark.”(B)
3 So I made the ark out of acacia wood(C) and chiseled(D) out two stone tablets like the first ones, and I went up on the mountain with the two tablets in my hands. 4 The Lord wrote on these tablets what he had written before, the Ten Commandments(E) he had proclaimed(F) to you on the mountain, out of the fire, on the day of the assembly.(G) And the Lord gave them to me. 5 Then I came back down the mountain(H) and put the tablets in the ark(I) I had made,(J) as the Lord commanded me, and they are there now.(K)
6 (The Israelites traveled from the wells of Bene Jaakan to Moserah.(L) There Aaron died(M) and was buried, and Eleazar(N) his son succeeded him as priest.(O) 7 From there they traveled to Gudgodah and on to Jotbathah, a land with streams of water.(P) 8 At that time the Lord set apart the tribe of Levi(Q) to carry the ark of the covenant(R) of the Lord, to stand before the Lord to minister(S) and to pronounce blessings(T) in his name, as they still do today.(U) 9 That is why the Levites have no share or inheritance among their fellow Israelites; the Lord is their inheritance,(V) as the Lord your God told them.)
10 Now I had stayed on the mountain forty days and forty nights, as I did the first time, and the Lord listened to me at this time also. It was not his will to destroy you.(W) 11 “Go,” the Lord said to me, “and lead the people on their way, so that they may enter and possess the land I swore to their ancestors to give them.”
Fear the Lord
12 And now, Israel, what does the Lord your God ask of you(X) but to fear(Y) the Lord your God, to walk(Z) in obedience to him, to love him,(AA) to serve the Lord(AB) your God with all your heart(AC) and with all your soul,(AD) 13 and to observe the Lord’s commands(AE) and decrees that I am giving you today for your own good?(AF)
14 To the Lord your God belong the heavens,(AG) even the highest heavens,(AH) the earth and everything in it.(AI) 15 Yet the Lord set his affection on your ancestors and loved(AJ) them, and he chose you,(AK) their descendants, above all the nations—as it is today.(AL) 16 Circumcise(AM) your hearts,(AN) therefore, and do not be stiff-necked(AO) any longer. 17 For the Lord your God is God of gods(AP) and Lord of lords,(AQ) the great God, mighty and awesome,(AR) who shows no partiality(AS) and accepts no bribes.(AT) 18 He defends the cause of the fatherless and the widow,(AU) and loves the foreigner residing among you, giving them food and clothing.(AV) 19 And you are to love(AW) those who are foreigners,(AX) for you yourselves were foreigners in Egypt.(AY) 20 Fear the Lord your God and serve him.(AZ) Hold fast(BA) to him and take your oaths in his name.(BB) 21 He is the one you praise;(BC) he is your God, who performed for you those great(BD) and awesome wonders(BE) you saw with your own eyes. 22 Your ancestors who went down into Egypt were seventy in all,(BF) and now the Lord your God has made you as numerous as the stars in the sky.(BG)
Footnotes
- Deuteronomy 10:1 That is, a chest
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.
