Add parallel Print Page Options

40 Ngunit kayo'y babalik sa ilang papuntang Dagat na Pula.’[a]

Ang Pagkatalo ng Israel sa Horma(A)

41 “Sinabi naman ninyo sa akin noon, ‘Nagkasala kami kay Yahweh. Pupunta na kami roon at makikipaglaban tulad ng iniutos niya sa amin.’ At kayong lahat ay dali-daling nagsakbat ng sandata sapagkat akala ninyo'y madali lamang ang paglusob sa kaburulan ng mga Amoreo.

42 “Ipinapigil kayo sa akin ni Yahweh sapagkat hindi niya kayo papatnubayan, at malulupig lamang kayo ng inyong sasalakayin.

Read full chapter

Footnotes

  1. Deuteronomio 1:40 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .
'Deuteronomio 1:40-42' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

40 (A)Nguni't tungkol sa inyo, ay bumalik kayo, at maglakbay kayo sa ilang sa daang patungo sa Dagat na Mapula.

Ang pagkatalo sa Horma.

41 Nang magkagayo'y sumagot kayo at sinabi ninyo sa akin, (B)Kami ay nagkasala laban sa Panginoon, kami ay sasampa at lalaban, ayon sa buong iniutos sa amin ng Panginoon naming Dios. At nagsipagsakbat bawa't isa sa inyo ng kanikaniyang sandata na pangdigma, at kayo'y nagmadaling sumampa sa bundok.

42 At sinabi sa akin ng Panginoon, Sabihin mo sa kanila, (C)Huwag kayong sumampa, ni lumaban; sapagka't ako'y wala sa inyo; baka kayo'y masugatan sa harap ng inyong mga kaaway.

Read full chapter