Add parallel Print Page Options

Katakotakot na kahihinatnan kung sumuway.

15 Nguni't mangyayari, na kung (A)hindi mo didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios, na isasagawa ang lahat ng kaniyang mga utos at ang kaniyang palatuntunan na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na ang lahat ng sumpang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo.

16 Susumpain ka (B)sa bayan, at susumpain ka sa parang.

17 Susumpain ang iyong buslo at ang iyong palayok.

18 Susumpain ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, ang karagdagan ng iyong bakahan at ang mga anak ng iyong kawan.

19 Susumpain ka sa iyong pagpasok, at susumpain ka sa iyong paglabas.

20 Ibubugso ng Panginoon sa iyo (C)ang sumpa, ang kalituhan, at (D)ang saway, sa lahat ng pagpapatungan ng iyong kamay na iyong gagawin, hanggang sa ikaw ay mabuwal, at hanggang sa ikaw ay malipol na madali; dahil sa kasamaan ng iyong mga gawa, na sa gayo'y pinabayaan mo ako.

21 (E)Ikakapit sa iyo ng Panginoon ang salot hanggang sa maubos ka sa lupa, na iyong pinapasok upang ariin.

22 (F)Sasalutin ka ng Panginoon ng sakit na tuyo, at ng lagnat, at ng pamamaga, at ng nagaapoy na init, at ng tabak, at ng (G)salot ng hangin, at ng sakit sa pagani; at kanilang hahabulin ka hanggang sa ikaw ay malipol.

23 (H)At ang iyong langit na nasa itaas ng iyong ulo, ay magiging tanso, at ang lupa na nasa ilalim mo ay magiging bakal.

24 Ang ipauulan ng Panginoon sa iyong lupa ay abo at alabok; mula sa langit ay bababa sa iyo, hanggang sa ikaw ay magiba.

25 Pasasaktan ka (I)ng Panginoon sa harap ng iyong mga kaaway; ikaw ay lalabas sa isang daan laban sa kanila, at tatakas sa pitong daan sa harap nila: at (J)ikaw ay papagpaparoo't parituhin sa lahat ng mga kaharian sa lupa.

26 At ang (K)iyong bangkay ay magiging pagkain sa lahat ng mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa; at walang taong bubugaw sa kanila.

27 Sasalutin ka ng Panginoon ng (L)bukol sa Egipto, at ng mga (M)grano, at ng kati, at ng galis, na hindi mapagagaling.

28 Sasaktan ka ng Panginoon ng (N)pagkaulol, at ng pagkabulag, at ng (O)pagkagulat ng puso;

29 At (P)ikaw ay magaapuhap sa katanghaliang tapat na gaya ng bulag na nagaapuhap sa kadiliman, at hindi ka giginhawa sa iyong mga lakad: at ikaw ay mapipighati at sasamsaman kailan man, at walang taong magliligtas sa iyo.

30 (Q)Ikaw ay magaasawa, at ibang lalake ang sisiping sa kaniya: (R)ikaw ay magtatayo ng isang bahay, at hindi mo tatahanan: ikaw ay maguubasan, at hindi mo mapapakinabangan ang bunga niyaon.

31 Ang iyong baka ay papatayin sa harap ng iyong mga mata, at hindi mo makakain yaon; ang iyong asno ay aagawin sa harap ng iyong mukha, at hindi na masasauli sa iyo: ang iyong tupa ay mabibigay sa iyong mga kaaway, at walang magliligtas sa iyo.

32 Ang iyong mga anak na lalake at babae ay magbibigay sa ibang bayan; at ang iyong mga mata ay titingin, at (S)mangangalay ng paghihintay sa kanila sa buong araw: at ang iyong kamay ay walang magagawa.

33 Ang bunga ng iyong lupa, at lahat ng iyong gawa ay kakanin ng bansang di mo nakikilala; at ikaw ay mapipighati at magigipit na palagi:

34 Na anopa't (T)ikaw ay mauulol dahil sa makikita ng paningin ng iyong mga mata.

35 (U)Sasaktan ka ng Panginoon sa mga tuhod at sa mga hita, ng isang masamang bukol na hindi mo mapagagaling, mula sa talampakan ng iyong paa hanggang sa bao ng iyong ulo.

36 (V)Dadalhin ka ng Panginoon, at ang iyong haring ilalagay mo sa iyo, sa isang bansang hindi mo nakilala, ninyo ng iyong mga magulang (W)at doo'y maglilingkod ka sa ibang mga dios, na kahoy at bato.

37 (X)At ikaw ay magiging isang kamanghaan, isang kawikaan, at isang (Y)kabiruan sa lahat ng bayang pagdadalhan sa iyo ng Panginoon.

38 (Z)Kukuha ka ng maraming binhi sa bukid, at kaunti ang iyong titipunin; sapagka't uubusin (AA)ng balang.

39 Ikaw ay maguubasan at iyong aalagaan, nguni't ni hindi ka iinom ng alak, ni mamimitas ng ubas; sapagka't kakanin yaon ng uod.

40 Magkakaroon ka ng mga puno ng olibo sa lahat ng iyong mga hangganan, nguni't hindi ka magpapahid ng langis; sapagka't ang iyong olibo ay malalagasan ng buko.

41 Ikaw ay magkakaanak ng mga lalake at mga babae, nguni't sila'y hindi magiging iyo; sapagka't (AB)sila'y yayaon sa pagkabihag.

42 Lahat ng iyong puno ng kahoy at bunga ng iyong lupa ay aariin ng balang.

43 Ang taga ibang lupa na nasa gitna mo ay tataas ng higit at higit sa iyo, at ikaw ay pababa ng pababa ng pababa.

44 Siya'y magpapahiram sa iyo, at ikaw ay hindi makapagpapahiram sa kaniya: (AC)siya'y magiging ulo, at ikaw ay magiging buntot.

45 At lahat ng mga sumpang ito ay darating sa iyo at hahabulin ka, at aabutan ka, hanggang sa magiba ka; sapagka't hindi mo dininig ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang tuparin ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga palatuntunan na kaniyang iniutos sa iyo:

Read full chapter