Add parallel Print Page Options

11 Ay mangyayari nga, na (A)ang dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Dios na patatahanan sa kaniyang pangalan ay doon ninyo dadalhin ang lahat na aking iniuutos sa inyo; ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga hain, ang inyong mga ikasangpung bahagi, at ang handog na itataas ng inyong kamay, at ang lahat ng inyong piling panata na inyong ipinananata sa Panginoon:

Read full chapter

14 (A)Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon sa isa sa iyong mga lipi ay doon mo ihahandog ang iyong mga handog na susunugin, at doon mo gagawin ang lahat na aking iniuutos sa iyo.

Read full chapter

18 (A)Kundi iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios, kakanin mo, at ng iyong anak na lalake at babae, at ng iyong aliping lalake at babae, at ng Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan: at kagagalakan mo sa harap ng Panginoon mong Dios, ang lahat ng kalagyan ng iyong kamay.

Read full chapter

21 Kung ang dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios na paglalagyan ng kaniyang pangalan ay totoong malayo sa iyo, ay papatay ka nga sa iyong bakahan at sa iyong kawan, na ibinigay sa iyo ng Panginoon, gaya ng iniutos ko sa iyo, at makakakain ka sa loob ng iyong mga pintuang-daan, ayon sa buong nasa mo.

Read full chapter

26 (A)Ang iyo lamang mga itinalagang bagay na tinatangkilik mo, at (B)ang iyong mga panata, ang iyong dadalhin, at yayaon ka sa dakong pipiliin ng Panginoon:

Read full chapter

23 At (A)iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios, sa dakong kaniyang pipiliin na patatahanan sa kaniyang pangalan, ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo, ng iyong alak at ng iyong langis, (B)at ang mga panganay sa iyong bakahan at sa iyong kawan; upang magaral kang matakot sa Panginoon mong Dios na palagi.

24 At kung ang daan ay totoong mahaba sa ganang iyo, na ano pa't hindi mo madadala, (C)sapagka't totoong malayo sa iyo ang dako, na pipiliin ng Panginoon mong Dios na paglalagyan ng kaniyang pangalan, pagka ikaw ay pagpapalain ng Panginoon mong Dios:

25 Ay iyo ngang sasalapiin, at iyong itatali ang salapi sa iyong kamay at paroroon ka sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios:

Read full chapter

20 (A)Iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios taontaon sa dakong pipiliin ng Panginoon, kakanin mo, at ng iyong mga sangbahayan.

Read full chapter

(A)At iyong ihahain ang paskua sa Panginoon mong Dios, ang sa kawan at sa bakahan, (B)sa dakong pipiliin ng Panginoon na patatahanan sa kaniyang pangalan.

Read full chapter

Paghatol sa mahihirap na bagay.

(A)Kung magkakaroon ng totoong mahirap na bagay sa iyo sa paghatol, na dugo't dugo, usap at usap, at bugbog at bugbog, na bagay na pagkakaalit sa loob ng iyong mga pintuang-daan, ikaw nga'y titindig at (B)sasampa sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios;

Read full chapter

At kung ang isang Levita ay umalis sa alinman sa iyong mga pintuang-daan ng buong Israel (A)na kaniyang pinakikipamayanan at pumaroon ng buong nasa ng kaniyang kaluluwa (B)sa dakong pipiliin ng Panginoon;

Read full chapter

11 Pagdating ng buong Israel upang (A)pakita sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong kaniyang pipiliin ay (B)iyong babasahin ang kautusang ito sa harap ng buong Israel sa kanilang pakinig.

Read full chapter