Font Size
Daniel 3:25-27
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Daniel 3:25-27
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
25 Huminto si Azarias at nanalangin nang malakas doon sa loob ng nagniningas na pugon,
26 “Napakadakila mo, Panginoon, Diyos ng aming mga ninuno.
Purihin nawa at parangalan ang iyong pangalan magpakailanman!
27 Makatarungan ka at tapat sa lahat ng ginagawa mo;
makatuwiran ang iyong landas;
walang kinikilingan ang mga hatol mo.