Add parallel Print Page Options

Ang Panaginip ni Nebucadnezar

Noong pangalawang taon ng paghahari ni Nebucadnezar, nagkaroon siya ng mga panaginip na bumabagabag sa kanya, kaya hindi siya makatulog. Ipinatawag niya ang kanyang mga salamangkero, engkantador, mangkukulam, at mga astrologo[a] para ipaliwanag nila ang kanyang mga panaginip. Sinabi niya sa kanila, “Nanaginip ako at binabagabag ako nito, kaya ipinatawag ko kayo dahil gusto kong malaman kung ano ang kahulugan ng panaginip na iyon.”

Sumagot ang mga astrologo sa hari sa wikang Aramico,[b] “Mahal na Hari, sabihin nʼyo po sa amin na inyong mga lingkod ang inyong panaginip at ipapaliwanag namin sa inyo ang kahulugan nito.”

Sinabi ng hari sa kanila, “Ito ang aking napagpasyahan: Kung hindi ninyo mahulaan ang aking panaginip at ang kahulugan nito, pagpuputol-putulin ko ang katawan ninyo at ipapawasak ang inyong mga bahay. Kung mahuhulaan ninyo ang aking panaginip at maipaliwanag ang kahulugan nito, gagantimpalaan ko kayo at bibigyan pa ng malaking karangalan. Sige, hulaan na ninyo at ipaliwanag ang kahulugan nito.”

Muli silang sumagot sa hari, “Mahal na Hari, sabihin nʼyo po sa amin ang inyong panaginip at ipapaliwanag namin sa inyo ang kahulugan nito.”

Sinabi ng hari, “Alam kong pinahahaba lang ninyo ang oras dahil alam ninyong gagawin ko ang sinabi ko sa inyo, na kung hindi ninyo mahulaan at maipaliwanag ang aking panaginip, paparusahan ko kayo katulad ng sinabi ko. Nagkasundo kayong magsinungaling sa akin sa pag-aakalang magbabago pa ang aking isip sa paglipas ng oras. Hulaan na ninyo kung ano ang aking panaginip para maniwala ako na marunong talaga kayong magpaliwanag ng kahulugan nito.”

10 Sumagot sila sa hari, “Walang tao sa buong mundo ang makagagawa ng iniuutos ninyo. At wala ring hari, gaano man ang kanyang kapangyarihan, na mag-uutos ng ganyan sa kanyang mga engkantador, mangkukulam, o mga astrologo. 11 Napakahirap ng inyong hinihingi, Mahal na Hari. Ang mga dios lang ang makakagawa niyan, pero hindi sila naninirahan kasama ng mga tao.”

12 Dahil sa sagot nilang ito, galit na galit ang hari. At nag-utos siyang patayin ang lahat ng marurunong[c] na mga tao sa Babilonia. 13 Nang inilabas na ang utos ng hari na patayin ang mga marurunong, hinanap si Daniel at ang kanyang mga kasama para patayin din.

14-15 Kaya nakipag-usap si Daniel kay Arioc na kapitan ng mga tagapagbantay ng hari na siyang inutusan na patayin ang mga marurunong sa Babilonia. Maingat na nagtanong si Daniel sa kanya kung ano ang dahilan ng napakabigat na utos ng hari. Kaya sinabi sa kanya ni Arioc ang nangyari.

16 Pagkatapos, pumunta si Daniel sa hari at hiniling niya na bigyan siya ng panahong maipaliwanag ang kahulugan ng panaginip nito. 17 Pumayag naman ang hari, kaya umuwi si Daniel at ibinalita sa kanyang mga kasamahang sina Hanania, Mishael at Azaria ang tungkol sa nangyari. 18 Hiniling niya sa mga ito na manalangin para kaawaan sila ng Dios sa langit[d] at para malaman nila ang kahulugan ng panaginip ng hari, upang hindi sila patayin kasama ng iba pang marurunong na tao sa Babilonia. 19 Nang gabing iyon, ipinahayag ng Dios kay Daniel ang panaginip ng hari at ang kahulugan nito sa pamamagitan ng pangitain. At pinuri ni Daniel ang Dios sa langit. 20 Sinabi niya,

    “Purihin ang Dios magpakailanman.
    Siya ay matalino at makapangyarihan.
21 Siya ang nagbabago ng panahon.
    Siya ang nagpapasya kung sino ang maghahari at siya rin ang nag-aalis sa kanila sa trono.
    Siya ang nagbibigay ng karunungan sa marurunong.
22 Ipinapaliwanag niya ang mahihiwagang bagay na mahirap intindihin.
    Nasa kanya ang liwanag, at nalalaman niya ang anumang nasa kadiliman.
23 O Dios ng aking mga ninuno, pinupuri ko kayo at pinapasalamatan.
    Kayo ang nagbigay sa akin ng karunungan at kakayahan.
    At ibinigay nʼyo sa amin ang aming kahilingan sa inyo na ipahayag sa amin ang panaginip ng hari.”

Ipinaliwanag ni Daniel ang Panaginip ng Hari

24 Pagkatapos, bumalik si Daniel kay Arioc na inutusan ng hari para patayin ang mga marurunong na tao sa Babilonia. Sinabi ni Daniel sa kanya, “Huwag mo muna silang patayin; dalhin mo muna ako sa hari at ipapaliwanag ko ang kanyang panaginip.”

25 Kaya dali-daling dinala ni Arioc si Daniel sa hari. Sinabi ni Arioc, “Mahal na Hari, may nakita po akong bihag mula sa Juda na makapagpapaliwanag ng inyong panaginip.” 26 Tinanong ng hari si Daniel na tinatawag ding Belteshazar, “Talaga bang mahuhulaan mo ang aking panaginip at maipapaliwanag ang kahulugan nito?” 27 Sumagot si Daniel, “Mahal na Hari, wala pong sinumang marunong katulad ng mga mangkukulam, engkantador, o manghuhula ang makakapagpaliwanag ng inyong panaginip. 28 Pero may Dios sa langit na naghahayag ng mga mahiwagang bagay. At inihayag niya sa inyo sa panaginip ang mangyayari sa hinaharap. Ngayon, sasabihin ko po sa inyo ang mga pangitaing nakita ninyo sa inyong panaginip.

29 “Habang natutulog po kayo, Mahal na Hari, nanaginip kayo tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap. Ipinapaalam ito sa inyo ng Dios na tagapagpahayag ng mga mahiwagang bagay. 30 At inihayag sa akin ng Dios ang inyong panaginip hindi dahil mas matalino ako kaysa sa iba kundi para maipaliwanag ko sa inyo at maintindihan nʼyo ang gumugulo sa inyong isipan.

31 Ito po ang inyong panaginip: May nakita kayong malaking rebulto na nakakasilaw na nakatayo sa inyong harapan at nakakatakot tingnan. 32 Ang ulo nito ay purong ginto, ang mga bisig at dibdib ay pilak, ang tiyan at hita ay tanso. 33 Ang kanyang mga binti ay bakal at ang kanyang mga paa naman ay bakal at luwad.[e] 34 At habang tinitingnan nʼyo po ang rebulto, may batong natipak na hindi kagagawan ng tao. Tumama ito sa mga paang bakal at luwad ng rebulto, at nawasak ang kanyang mga paa. 35 Agad namang nadurog ang buong rebulto na gawa sa bakal, luwad, tanso, pilak at ginto. At parang naging ipa sa giikan na ipinadpad ng hangin kung saan-saan. Pero ang batong bumagsak sa paa ng rebulto ay naging malaking bundok at pumuno sa buong mundo.

36 “Iyan po ang panaginip nʼyo, at ito naman ang kahulugan: 37 Mahal na Hari, kayo ang hari ng mga hari. Ginawa kayong hari ng Dios sa langit[f] at binigyan ng kapangyarihan, kalakasan, at karangalan. 38 Ipinasakop niya sa inyo ang mga tao, mga hayop at mga ibon sa lahat ng dako. Kayo ang sumisimbolo sa gintong ulo ng rebulto.

39 “Ang susunod sa inyong kaharian ay mas mahina kaysa sa inyo. Pagkatapos, ang ikatlong kaharian ay sumisimbolo ng tansong bahagi ng rebulto, at ang kahariang ito ay maghahari sa buong mundo. 40 At ang ikaapat na kaharian ay kasintatag ng bakal. Kung paanong ang bakal ay dumudurog, ang kahariang ito ay dudurog din ng ibang mga kaharian. 41 Ang mga paa na yari sa bakal at luwad ay nangangahulugan ng mahahating kaharian. Pero mananatili itong malakas, dahil ikaw mismo ang nakakita na may halo itong bakal. 42 Ang mga daliring bakal at luwad na mga paa ay nangangahulugan na may bahagi ang kaharian na matibay at may bahaging mahina. 43 Ang pagsasama ng bakal at luwad ay nangangahulugang magkakaisa ang mga pinuno ng mga kahariang ito sa pamamagitan ng pag-aasawa ng magkaibang lahi. Pero hindi rin magtatagal ang kanilang pagkakaisa, katulad ng bakal at luwad na hindi maaaring paghaluin.

44 “Sa panahon ng mga haring ito, ang Dios sa langit ay magtatayo ng isang kaharian na hindi babagsak kailanman. Hindi ito matatalo ng alinmang kaharian, kundi wawasakin pa niya ang lahat ng kaharian at mananatili ito magpakailanman. 45 Katulad ito ng iyong nakitang tipak na bato mula sa bundok (na hindi kagagawan ng tao) na dumurog sa rebultong yari sa bakal, tanso, luwad, pilak at ginto.

“Mahal na Hari, ipinahayag po ng makapangyarihang Dios sa inyo kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. Iyon ang panaginip nʼyo at ang kahulugan nito. Totoo po ang lahat ng sinabi ko.”

46 Nagpatirapa si Haring Nebucadnezar upang parangalan si Daniel. Pagkatapos, nag-utos siyang maghandog at magsunog ng insenso kay Daniel. 47 Sinabi niya kay Daniel, “Dahil sa ipinahayag mo ang panaginip ko at ang kahulugan nito, totoo na ang iyong Dios ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng dios. Siya ang dapat kilalaning Panginoon ng mga hari. At siya lamang ang nakakapagpahayag ng mga hiwaga.”

48 Pagkatapos, binigyan ng hari si Daniel ng maraming magagandang regalo. Ginawa siyang tagapamahala ng buong lalawigan ng Babilonia at pinuno ng lahat ng marurunong doon. 49 Hiniling ni Daniel sa hari na italaga sina Shadrac, Meshac, at Abednego bilang katulong niya sa pamamahala ng lalawigan. Pumayag naman ang hari. At namalagi si Daniel sa palasyo ng hari.

Footnotes

  1. 2:2 astrologo: sa literal, Caldeo.
  2. 2:4 Wikang Aramico ang ginamit mula sa talatang ito hanggang sa katapusan ng kabanata 7.
  3. 2:12 marurunong: Mga taong katulad ng nabanggit sa talata 2.
  4. 2:18 Dios sa langit: o, Dios na nasa langit; o, Dios na lumikha ng langit; o, Dios na higit sa lahat.
  5. 2:33 luwad: sa Ingles, “clay.”
  6. 2:37 Tingnan ang footnote sa talatang 18.

Ang nakalimutang panaginip ng hari at ang kaniyang bala.

At (A)nang ikalawang taon ng paghahari ni Nabucodonosor ay nanaginip si Nabucodonosor ng mga panaginip; at ang kaniyang espiritu ay nabagabag, at siya'y napukaw sa pagkakatulog.

Nang magkagayo'y (B)ipinatawag ng hari ang mga mahiko, at ang mga enkantador, at ang mga manghuhula, at ang mga (C)Caldeo, upang saysayin sa hari ang kaniyang mga panaginip. Sa gayo'y nagsipasok sila at sila'y nagsiharap sa hari.

At sinabi ng hari sa kanila, Ako'y nanaginip ng isang panaginip, at ang aking Espiritu ay nabagabag upang maalaman ang panaginip.

Nang magkagayo'y nagsalita ang mga Caldeo sa hari sa wikang Siria, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man: saysayin mo sa iyong mga lingkod ang panaginip, at aming ipaliliwanag ang kahulugan.

Ang hari ay sumagot, at nagsabi sa mga Caldeo, Ang bagay ay nawala sa akin: kung di ninyo ipaliliwanag sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y (D)pagpuputolputulin, at ang inyong mga bahay ay gagawing dumihan.

Nguni't (E)kung inyong ipaliwanag ang panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y magsisitanggap sa akin ng mga kaloob at mga kagantihan at dakilang karangalan: kaya't ipaliwanag ninyo sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon.

Sila'y nagsisagot na ikalawa, at nangagsabi, Saysayin ng hari sa kaniyang mga lingkod ang panaginip, at aming ipaliliwanag ang kahulugan.

Ang hari ay sumagot, at nagsabi. Tunay na talastas ko na ibig ninyong magdahilan, sapagka't inyong nalalaman na nawala sa akin ang bagay.

Nguni't kung di ninyo ipaliwanag sa akin ang panaginip, iisang kautusan lamang mayroon sa inyo; sapagka't kayo'y nangaghanda ng pagbubulaan at mga hamak na salita sa harap ko, hanggang sa ang panahon ay magbago: kaya't saysayin ninyo sa akin ang panaginip, at malalaman ko na inyong maipaliliwanag sa akin ang kahulugan niyaon.

10 Ang mga Caldeo ay nagsisagot sa harap ng hari, at nangagsabi, Walang tao sa ibabaw ng lupa na makapagpapaaninaw ng bagay ng hari, palibhasa'y walang hari, panginoon, o pinuno man, na nagtanong ng ganyang bagay sa kanino mang mahiko, enkantador, o Caldeo.

11 At isang mahirap na bagay ang inuusisa ng hari, at walang ibang makapagpapaaninaw sa harap ng hari, (F)liban ang mga dios, na ang tahanan ay hindi kasama ng tao.

12 Dahil sa bagay na ito ang hari ay nagalit at totoong nagalab sa galit, at nagutos na lipulin ang lahat (G)na pantas na tao sa Babilonia.

13 Sa gayo'y itinanyag ang pasiya, at ang mga pantas na tao ay papatayin; at hinanap nila si Daniel at ang kaniyang mga kasama upang patayin.

Si Daniel ay humingi ng panahon; nagkaroon ng panaginip.

14 Nang magkagayo'y nagbalik ng sagot si Daniel na may payo at kabaitan kay Arioch na punong kawal ng bantay ng hari, na lumabas upang patayin ang mga pantas na tao sa Babilonia;

15 Siya'y sumagot, at nagsabi kay Arioch na punong kawal ng hari, Bakit ang pasiya ay totoong madalian mula sa hari? Nang magkagayo'y ipinatalastas ni Arioch ang bagay kay Daniel.

16 At si Daniel ay pumasok, at humiling sa hari na takdaan siya ng panahon, at kaniyang ipaaaninaw sa hari ang kahulugan.

17 Nang magkagayo'y naparoon si Daniel sa kaniyang bahay, at ipinaalam ang bagay kay (H)Ananias, kay Misael, at kay Azarias, na kaniyang mga kasama:

18 Upang sila'y magsipagnais ng kaawaan sa Dios ng langit tungkol sa lihim na ito; upang si Daniel at ang kaniyang mga kasama ay hindi mangamatay na kasama ng ibang mga pantas na tao sa Babilonia.

19 Nang magkagayo'y nahayag ang lihim kay Daniel sa isang pangitain sa gabi. Nang magkagayo'y pinuri ni Daniel ang Dios sa langit.

20 Si Daniel ay sumagot, at nagsabi, (I)Purihin ang pangalan ng Dios magpakailan man: sapagka't ang karunungan at kapangyarihan ay kaniya.

21 At kaniyang binabago (J)ang mga panahon at mga kapanahunan; (K)siya'y nagaalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari; siya'y nagbibigay ng karunungan sa marunong at ng (L)kaalaman sa makakaalam ng unawa;

22 Siya'y naghahayag ng malalim at lihim na mga bagay; kaniyang nalalaman kung ano ang nasa kadiliman, at (M)ang liwanag ay tumatahang kasama niya.

23 Pinasasalamatan kita, at pinupuri kita, Oh ikaw na (N)Dios ng aking mga magulang, na siyang nagbigay sa akin ng karunungan at lakas, at nagpatalastas ngayon sa akin ng ninais namin sa iyo; sapagka't iyong ipinaalam sa amin ang bagay ng hari.

24 Kaya't pinasok ni Daniel si Arioch na siyang inihalal ng hari na lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia; siya'y naparoon, at nagsabi sa kaniya ng ganito, Huwag mong lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia; dalhin mo ako sa harap ng hari, at aking ipaaaninaw sa hari ang kahulugan.

Ipinahayag ni Daniel ang panaginip ng hari.

25 Nang magkagayo'y dinalang madali ni Arioch si Daniel sa harap ng hari, at nagsabing ganito sa kaniya, Ako'y nakasumpong ng isang lalake sa mga anak ng nangabihag sa Juda, na magpapaaninaw sa hari ng kahulugan.

26 Ang hari ay sumagot, at nagsabi kay Daniel, (O)na ang pangalan ay Beltsasar, Maipaaaninaw mo baga sa akin ang panaginip na aking nakita, at ang kahulugan niyaon?

27 Si Daniel ay sumagot sa harap ng hari, at nagsabi, Ang lihim na itinatanong ng hari ay hindi maipaaaninaw sa hari kahit ng mga pantas na tao, ng mga enkantador, ng mga mahiko man, o ng mga manghuhula man.

28 Nguni't may (P)isang Dios sa langit na naghahayag ng mga lihim, at siyang nagpapaaninaw sa haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa mga huling araw. Ang iyong panaginip, at ang pangitain ng iyong ulo sa iyong higaan ay ang mga ito:

29 Tungkol sa iyo, Oh hari, ang iyong mga pagiisip ay dumating sa iyo sa iyong higaan, kung ano ang mangyayari sa panahong darating; at siya na naghahayag ng mga lihim ay ipinaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari.

30 Nguni't (Q)tungkol sa akin ang lihim na ito ay hindi nahayag sa akin ng dahil sa anomang karunungan na tinamo kong higit kay sa sinomang may buhay, kundi upang maipaaninaw sa hari ang kahulugan at upang iyong maalaman ang mga pagiisip ng iyong puso.

31 Ikaw, Oh hari, nakakita, at narito, ang isang malaking larawan. Ang larawang ito na makapangyarihan, at ang kaniyang kakinangan ay mainam, ay tumayo sa harap mo; at ang anyo niyao'y kakilakilabot.

32 Tungkol sa larawang ito, ang kaniyang ulo ay dalisay na ginto, ang kaniyang dibdib at ang kaniyang mga bisig ay pilak, ang kaniyang tiyan at ang kaniyang mga hita ay tanso,

33 Ang kaniyang mga binti ay bakal, ang kaniyang mga paa'y isang bahagi ay bakal, at isang bahagi ay putik na luto.

34 Iyong tinitingnan hanggang sa may natibag na isang bato, (R)hindi ng mga kamay, na tumama sa larawan sa kaniyang mga paang bakal at putik na luto, at mga yao'y binasag.

35 Nang magkagayo'y ang bakal, ang putik na luto, ang tanso, ang pilak, at ang ginto ay nagkaputolputol na magkakasama, at naging parang dayami sa mga giikan sa tagaraw; at tinangay ng hangin na (S)walang dakong kasumpungan sa mga yaon: at ang bato na tumama sa larawan ay naging malaking bundok, at pinuno ang buong lupa.

Binigyan niya ng kahulugan ang panaginip ng hari.

36 Ito ang panaginip; at aming sasaysayin ang kahulugan niyaon sa harap ng hari.

37 Ikaw, Oh hari, (T)ay hari ng mga hari, (U)na pinagbigyan ng Dios sa langit ng kaharian, ng kapangyarihan, at ng kalakasan, at ng kaluwalhatian;

38 At alin mang tinatahanan ng mga anak ng mga tao, ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid ay ibinigay sa iyong kamay, at pinapagpuno ka sa kanilang lahat: (V)ikaw ang ulo na ginto.

39 At pagkatapos mo ay babangon ang (W)ibang kaharian na mababa sa iyo; at ang (X)ibang ikatlong kaharian na tanso na magpupuno sa buong lupa.

40 At ang ikaapat na kaharian ay (Y)magiging matibay na parang bakal, palibhasa'y ang bakal ay nakadudurog at nakapagpapasuko ng lahat na bagay; at kung paanong dinidikdik ng bakal ang lahat ng ito, siya'y magkakaputolputol at madidikdik.

41 At yamang iyong nakita na ang mga paa at mga daliri, ang isang bahagi ay putik na luto ng magpapalyok, at ang isang bahagi ay bakal, ay magiging kahariang hati; nguni't magkakaroon yaon ng kalakasan ng bakal, yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahalo sa putik na luto.

42 At kung paanong ang mga daliri ng paa ay bakal ang isang bahagi at ang isang bahagi ay putik, magkakagayon ang kaharian na ang isang bahagi ay matibay, at isang bahagi ay marupok.

43 At yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahaluan ng putik na luto, sila'y magkakahalo ng lahi ng mga tao; nguni't hindi sila magkakalakipan, gaya ng bakal na hindi lumalakip sa putik.

44 At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng (Z)isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao'y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao'y lalagi magpakailan man.

45 Yamang (AA)iyong nakita na ang isang bato ay natibag sa bundok, hindi ng mga kamay, at pumutol ng mga bakal, ng tanso, ng putik, ng pilak, at ng ginto; ipinaalam ng dakilang Dios sa hari kung ano ang mangyayari sa haharapin: at ang panaginip ay tunay at ang pagkapaaninaw niyao'y tapat.

Si Daniel ay itinaas ng hari.

46 Nang magkagayo'y ang haring Nabucodonosor ay (AB)nagpatirapa, at sumamba kay Daniel, (AC)at nagutos na sila'y maghandog ng alay at ng may masarap na amoy sa kaniya.

47 Ang hari ay sumagot kay Daniel, at nagsabi, Sa katotohanan ang inyong Dios ay (AD)Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga hari, at tagapaghayag ng mga lihim, yamang ikaw ay nakapaghayag ng lihim na ito.

48 Nang magkagayo'y pinadakila ng hari si Daniel, at binigyan siya ng maraming dakilang kaloob, at pinapagpuno siya sa buong (AE)lalawigan ng Babilonia, (AF)at pinapaging pangulo ng mga tagapamahala sa lahat (AG)na pantas sa Babilonia.

49 At si Daniel ay humiling sa hari, (AH)at kaniyang inihalal, si (AI)Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia; nguni't si Daniel ay (AJ)nasa pintuang-daan ng hari.

Nebuchadnezzar’s Dream

Now in the second year of Nebuchadnezzar’s reign, Nebuchadnezzar had dreams; (A)and his spirit was so troubled that (B)his sleep left him. (C)Then the king gave the command to call the magicians, the astrologers, the sorcerers, and the Chaldeans to tell the king his dreams. So they came and stood before the king. And the king said to them, “I have had a dream, and my spirit is anxious to [a]know the dream.”

Then the Chaldeans spoke to the king in Aramaic, (D)“O[b] king, live forever! Tell your servants the dream, and we will give the interpretation.”

The king answered and said to the Chaldeans, “My [c]decision is firm: if you do not make known the dream to me, and its interpretation, you shall be (E)cut in pieces, and your houses shall be made an ash heap. (F)However, if you tell the dream and its interpretation, you shall receive from me gifts, rewards, and great honor. Therefore tell me the dream and its interpretation.”

They answered again and said, “Let the king tell his servants the dream, and we will give its interpretation.”

The king answered and said, “I know for certain that you would gain time, because you see that my decision is firm: if you do not make known the dream to me, there is only one decree for you! For you have agreed to speak lying and corrupt words before me till the [d]time has changed. Therefore tell me the dream, and I shall know that you can [e]give me its interpretation.”

10 The Chaldeans answered the king, and said, “There is not a man on earth who can tell the king’s matter; therefore no king, lord, or ruler has ever asked such things of any magician, astrologer, or Chaldean. 11 It is a [f]difficult thing that the king requests, and there is no other who can tell it to the king (G)except the gods, whose dwelling is not with flesh.”

12 For this reason the king was angry and very furious, and gave the command to destroy all the wise men of Babylon. 13 So the decree went out, and they began killing the wise men; and they sought (H)Daniel and his companions, to kill them.

God Reveals Nebuchadnezzar’s Dream

14 Then with counsel and wisdom Daniel answered Arioch, the captain of the king’s guard, who had gone out to kill the wise men of Babylon; 15 he answered and said to Arioch the king’s captain, “Why is the decree from the king so [g]urgent?” Then Arioch made the decision known to Daniel.

16 So Daniel went in and asked the king to give him time, that he might tell the king the interpretation. 17 Then Daniel went to his house, and made the decision known to Hananiah, Mishael, and Azariah, his companions, 18 (I)that they might seek mercies from the God of heaven concerning this secret, so that Daniel and his companions might not perish with the rest of the wise men of Babylon. 19 Then the secret was revealed to Daniel (J)in a night vision. So Daniel blessed the God of heaven.

20 Daniel answered and said:

(K)“Blessed be the name of God forever and ever,
(L)For wisdom and might are His.
21 And He changes (M)the times and the seasons;
(N)He removes kings and raises up kings;
(O)He gives wisdom to the wise
And knowledge to those who have understanding.
22 (P)He reveals deep and secret things;
(Q)He knows what is in the darkness,
And (R)light dwells with Him.

23 “I thank You and praise You,
O God of my fathers;
You have given me wisdom and might,
And have now made known to me what we (S)asked of You,
For You have made known to us the king’s [h]demand.”

Daniel Explains the Dream

24 Therefore Daniel went to Arioch, whom the king had appointed to destroy the wise men of Babylon. He went and said thus to him: “Do not destroy the wise men of Babylon; take me before the king, and I will tell the king the interpretation.”

25 Then Arioch quickly brought Daniel before the king, and said thus to him, “I have found a man of the [i]captives of Judah, who will make known to the king the interpretation.”

26 The king answered and said to Daniel, whose name was Belteshazzar, “Are you able to make known to me the dream which I have seen, and its interpretation?”

27 Daniel answered in the presence of the king, and said, “The secret which the king has demanded, the wise men, the astrologers, the magicians, and the soothsayers cannot declare to the king. 28 (T)But there is a God in heaven who reveals secrets, and He has made known to King Nebuchadnezzar (U)what will be in the latter days. Your dream, and the visions of your head upon your bed, were these: 29 As for you, O king, thoughts came to your mind while on your bed, about what would come to pass after this; (V)and He who reveals secrets has made known to you what will be. 30 (W)But as for me, this secret has not been revealed to me because I have more wisdom than anyone living, but for our sakes who make known the interpretation to the king, (X)and that you may [j]know the thoughts of your heart.

31 “You, O king, were watching; and behold, a great image! This great image, whose splendor was excellent, stood before you; and its form was awesome. 32 (Y)This image’s head was of fine gold, its chest and arms of silver, its belly and [k]thighs of bronze, 33 its legs of iron, its feet partly of iron and partly of [l]clay. 34 You watched while a stone was cut out (Z)without hands, which struck the image on its feet of iron and clay, and broke them in pieces. 35 (AA)Then the iron, the clay, the bronze, the silver, and the gold were crushed together, and became (AB)like chaff from the summer threshing floors; the wind carried them away so that (AC)no trace of them was found. And the stone that struck the image (AD)became a great mountain (AE)and filled the whole earth.

36 “This is the dream. Now we will tell the interpretation of it before the king. 37 (AF)You, O king, are a king of kings. (AG)For the God of heaven has given you a kingdom, power, strength, and glory; 38 (AH)and wherever the children of men dwell, or the beasts of the field and the birds of the heaven, He has given them into your hand, and has made you ruler over them all—(AI)you are this head of gold. 39 But after you shall arise (AJ)another kingdom (AK)inferior to yours; then another, a third kingdom of bronze, which shall rule over all the earth. 40 And (AL)the fourth kingdom shall be as strong as iron, inasmuch as iron breaks in pieces and shatters everything; and like iron that crushes, that kingdom will break in pieces and crush all the others. 41 Whereas you saw the feet and toes, partly of potter’s clay and partly of iron, the kingdom shall be divided; yet the strength of the iron shall be in it, just as you saw the iron mixed with ceramic clay. 42 And as the toes of the feet were partly of iron and partly of clay, (AM)so the kingdom shall be partly strong and partly [m]fragile. 43 As you saw iron mixed with ceramic clay, they will mingle with the seed of men; but they will not adhere to one another, just as iron does not mix with clay. 44 And in the days of these kings (AN)the God of heaven will set up a kingdom (AO)which shall never be destroyed; and the kingdom shall not be left to other people; (AP)it shall [n]break in pieces and [o]consume all these kingdoms, and it shall stand forever. 45 (AQ)Inasmuch as you saw that the stone was cut out of the mountain without hands, and that it broke in pieces the iron, the bronze, the clay, the silver, and the gold—the great God has made known to the king what will come to pass after this. The dream is certain, and its interpretation is sure.”

Daniel and His Friends Promoted

46 (AR)Then King Nebuchadnezzar fell on his face, prostrate before Daniel, and commanded that they should present an offering (AS)and incense to him. 47 The king answered Daniel, and said, “Truly (AT)your God is the God of (AU)gods, the Lord of kings, and a revealer of secrets, since you could reveal this secret.” 48 (AV)Then the king promoted Daniel (AW)and gave him many great gifts; and he made him ruler over the whole province of Babylon, and (AX)chief administrator over all the wise men of Babylon. 49 Also Daniel petitioned the king, (AY)and he set Shadrach, Meshach, and Abed-Nego over the affairs of the province of Babylon; but Daniel (AZ)sat in [p]the gate of the king.

Footnotes

  1. Daniel 2:3 Or understand
  2. Daniel 2:4 The original language of Daniel 2:4b through 7:28 is Aramaic.
  3. Daniel 2:5 The command
  4. Daniel 2:9 Situation
  5. Daniel 2:9 Or declare to me
  6. Daniel 2:11 Or rare
  7. Daniel 2:15 Or harsh
  8. Daniel 2:23 Lit. word
  9. Daniel 2:25 Lit. sons of the captivity
  10. Daniel 2:30 Understand
  11. Daniel 2:32 Or sides
  12. Daniel 2:33 Or baked clay, also vv. 34, 35, 42
  13. Daniel 2:42 Or brittle
  14. Daniel 2:44 Or crush
  15. Daniel 2:44 Lit. put an end to
  16. Daniel 2:49 The king’s court

And in the second year of the reign of Nebuchadnezzar, dreamed hath Nebuchadnezzar dreams, and his spirit doth move itself, and his sleep hath been against him;

and the king saith to call for scribes, and for enchanters, and for sorcerers, and for Chaldeans, to declare to the king his dreams. And they come in and stand before the king;

and the king saith to them, `A dream I have dreamed, and moved is my spirit to know the dream.'

And the Chaldeans speak to the king [in] Aramaean, `O king, to the ages live, tell the dream to thy servants, and the interpretation we do shew.'

The king hath answered and said to the Chaldeans, `The thing from me is gone; if ye do not cause me to know the dream and its interpretation, pieces ye are made, and your houses are made dunghills;

and if the dream and its interpretation ye do shew, gifts, and fee, and great glory ye receive from before me, therefore the dream and its interpretation shew ye me.'

They have answered a second time, and are saying, `Let the king tell the dream to his servants, and the interpretation we do shew.

The king hath answered and said, `Of a truth I know that time ye are gaining, because that ye have seen that the thing is gone from me,

[so] that, if the dream ye do not cause me to know -- one is your sentence, seeing a word lying and corrupt ye have prepared to speak before me, till that the time is changed, therefore the dream tell ye to me, then do I know that its interpretation ye do shew me.'

10 The Chaldeans have answered before the king, and are saying, `There is not a man on the earth who is able to shew the king's matter; therefore, no king, chief, and ruler, hath asked such a thing as this of any scribe, and enchanter, and Chaldean;

11 and the thing that the king is asking [is] precious, and others are there not that do shew it before the king, save the gods, whose dwelling is not with flesh.'

12 Therefore the king hath been angry and very wroth, and hath said to destroy all the wise men of Babylon;

13 And the sentence hath gone forth, and the wise men are being slain, and they have sought Daniel and his companions to be slain.

14 Then Daniel hath replied [with] counsel and discretion to Arioch chief of the executioners of the king, who hath gone forth to slay the wise men of Babylon.

15 He hath answered and said to Arioch the king's captain, `Wherefore [is] the sentence so urgent from before the king?' Then Arioch hath made the thing known to Daniel,

16 and Daniel hath gone up, and sought of the king that he would give him time to shew the interpretation to the king.

17 Then Daniel to his house hath gone, and to Hananiah, Mishael, and Azariah, his companions, he hath made the thing known,

18 and to seek mercies from before the God of the heavens concerning this secret, that they destroy not Daniel and his companions with the rest of the wise men of Babylon.

19 Then to Daniel, in a vision of the night, the secret hath been revealed. Then hath Daniel blessed the God of the heavens.

20 Daniel hath answered and said, `Let the name of God be blessed from age even unto age, for wisdom and might -- for they are His.

21 And He is changing times and seasons, He is causing kings to pass away, and He is raising up kings; He is giving wisdom to the wise, and knowledge to those possessing understanding.

22 He is revealing deep and hidden things; He hath known what [is] in darkness, and light with Him hath dwelt.

23 Thee, O God of my fathers, I am thanking and praising, for wisdom and might Thou hast given to me; and now, Thou hast caused me to know that which we have sought from Thee, for the king's matter Thou hast caused us to know.'

24 Therefore Daniel hath gone up unto Arioch, whom the king hath appointed to destroy the wise men of Babylon; he hath gone, and thus hath said to him, `The wise men of Babylon thou dost not destroy, bring me up before the king, and the interpretation to the king I do shew.'

25 Then Arioch in haste hath brought up Daniel before the king, and thus hath said to him -- `I have found a man of the sons of the Removed of Judah, who the interpretation to the king doth make known.'

26 The king hath answered and said to Daniel, whose name [is] Belteshazzar, `Art thou able to cause me to know the dream that I have seen, and its interpretation?'

27 Daniel hath answered before the king and said, `The secret that the king is asking, the wise men, the enchanters, the scribes, the soothsayers, are not able to shew to the king;

28 but there is a God in the heavens, a revealer of secrets, and He hath made known to king Nebuchadnezzar that which [is] to be in the latter end of the days. `Thy dream and the visions of thy head on thy bed are these:

29 Thou, O king, thy thoughts on thy bed have come up [concerning] that which [is] to be after this, and the Revealer of secrets hath caused thee to know that which [is] to be.

30 As to me -- not for [any] wisdom that is in me above any living hath this secret been revealed to me; but for the intent that the interpretation to the king they make known, and the thoughts of thy heart thou dost know.

31 `Thou, O king, wast looking, and lo, a certain great image. This image [is] mighty, and its brightness excellent; it is standing over-against thee, and its appearance [is] terrible.

32 This image! its head [is] of good gold, its breasts and its arms of silver, its belly and its thighs of brass;

33 its legs of iron, its feet, part of them of iron, and part of them of clay.

34 Thou wast looking till that a stone hath been cut out without hands, and it hath smitten the image on its feet, that [are] of iron and of clay, and it hath broken them small;

35 then broken small together have been the iron, the clay, the brass, the silver, and the gold, and they have been as chaff from the summer threshing-floor, and carried them away hath the wind, and no place hath been found for them: and the stone that smote the image hath become a great mountain, and hath filled all the land.

36 This [is] the dream, and its interpretation we do tell before the king.

37 `Thou, O king, art a king of kings, for the God of the heavens a kingdom, strength, and might, and glory, hath given to thee;

38 and whithersoever sons of men are dwelling, the beast of the field, and the fowl of the heavens, He hath given into thy hand, and hath caused thee to rule over them all; thou [art] this head of gold.

39 And after thee doth rise up another kingdom lower than those, and another third kingdom of brass, that doth rule overall the earth.

40 And the fourth kingdom is strong as iron, because that iron is breaking small, and making feeble, all [things], even as iron that is breaking all these, it beateth small and breaketh.

41 As to that which thou hast seen: the feet and toes, part of them potter's clay, and part of them iron, the kingdom is divided: and some of the standing of the iron [is] to be in it, because that thou hast seen the iron mixed with miry clay.

42 As to the toes of the feet, part of them iron, and part of them clay: some part of the kingdom is strong, and some part of it is brittle.

43 Because thou hast seen iron mixed with miry clay, they are mixing themselves with the seed of men: and they are not adhering one with another, even as iron is not mixed with clay.

44 `And in the days of these kings raise up doth the God of the heavens a kingdom that is not destroyed -- to the age, and its kingdom to another people is not left: it beateth small and endeth all these kingdoms, and it standeth to the age.

45 Because that thou hast seen that out of the mountain cut hath been a stone without hands, and it hath beaten small the iron, the brass, the clay, the silver, and the gold; the great God hath made known to the king that which [is] to be after this; and the dream [is] true, and its interpretation stedfast.

46 Then hath king Nebuchadnezzar fallen on his face, and to Daniel he hath done obeisance, and present, and sweet things, he hath said to pour out to him.

47 The king hath answered Daniel and said, `Of a truth [it is] that your God is a God of gods, and a Lord of kings, and a revealer of secrets, since thou hast been able to reveal this secret.'

48 Then the king hath made Daniel great, and many great gifts he hath given to him, and hath caused him to rule over all the province of Babylon, and chief of the perfects over all the wise men of Babylon.

49 And Daniel hath sought from the king, and he hath appointed over the work of the province of Babylon, Shadrach, Meshach, and Abed-Nego, and Daniel [is] in the gate of the king.