Colosas 4:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Maging(A) matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi nananampalataya at samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon. 6 Sikapin(B) ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa lahat ng tao.
Pangwakas na Pagbati
7 Si(C)(D) Tiquico ang magbabalita sa inyo tungkol sa kalagayan ko rito. Siya ay minamahal naming kapatid, tapat na lingkod at kamanggagawa sa Panginoon.
Read full chapter
Colosas 4:5-7
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
5 Makitungo (A) kayo nang may katalinuhan sa mga tagalabas, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon. 6 Maging maingat kayo palagi sa inyong pananalita na para bang may timplang asin, upang inyong malaman ang nararapat na pagsagot sa bawat tao.
Mga Pagbati at Basbas
7 Si Tiquico (B) ang magbabalita sa inyo ng lahat ng tungkol sa akin. Siya'y isang minamahal na kapatid, tapat na lingkod, at kapwa manggagawa sa Panginoon.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
