Colosas 4:12-14
Magandang Balita Biblia
12 Kinukumusta(A) rin kayo ng kasamahan ninyong si Epafras, na lingkod ni Cristo Jesus. Lagi niyang idinadalangin nang buong taimtim na kayo'y maging matatag, ganap, at lubos na panatag sa kalooban ng Diyos. 13 Saksi ako sa pagsisikap niya para sa inyo at sa mga nasa Laodicea at Hierapolis. 14 Nangungumusta(B) rin sa inyo si Demas at ang minamahal nating manggagamot na si Lucas.
Read full chapter
Colosas 4:12-14
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
12 Binabati (A) kayo ni Epafras, na kasamahan ninyo, at alipin ni Cristo Jesus. Palagi siyang nagsisikap na kayo'y ipanalangin upang kayo'y makatayo bilang nasa hustong gulang at lubos na panatag sa buong kalooban ng Diyos. 13 Ako mismo'y makapagpapatunay na matindi ang pagmamalasakit niya para sa inyo, gayundin sa mga nasa Laodicea, at sa Hierapolis. 14 Binabati (B) kayo ng minamahal nating manggagamot na si Lucas, at gayundin ni Demas.
Read full chapter
Colosas 4:12-14
Ang Biblia (1978)
12 Binabati kayo ni Epafras, (A)na isa sa inyo, na lingkod ni Cristo Jesus, na siyang laging nagsisikap dahil sa inyo sa kaniyang pananalangin, upang kayo'y magsitatag na mga sakdal at lubos na tiwasay sa lahat na kalooban ng Dios.
13 Sapagka't siya'y binibigyan kong patotoo na siya'y totoong nagpapagal sa inyo, at sa nangasa (B)Laodicea, at sa nangasa Hierapolis.
14 Binabati kayo ni (C)Lucas, ang minamahal na manggagamot, at ni (D)Demas.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
