Add parallel Print Page Options

12 Binabati (A) kayo ni Epafras, na kasamahan ninyo, at alipin ni Cristo Jesus. Palagi siyang nagsisikap na kayo'y ipanalangin upang kayo'y makatayo bilang nasa hustong gulang at lubos na panatag sa buong kalooban ng Diyos. 13 Ako mismo'y makapagpapatunay na matindi ang pagmamalasakit niya para sa inyo, gayundin sa mga nasa Laodicea, at sa Hierapolis. 14 Binabati (B) kayo ng minamahal nating manggagamot na si Lucas, at gayundin ni Demas.

Read full chapter