Add parallel Print Page Options

10 Binabati kayo ni Aristarco na kasama ko sa bilangguan. Binabati rin kayo ni Marcos na pinsan ni Bernabe. Patungkol sa kaniya ay tumanggap na kayo ng mga tagubilin. Kaya pagdating niya diyan sa inyo ay tanggapin ninyo siya. 11 Binabati rin kayo ni Jesus na tinatawag na Justo. Sila ay mga nasa pagtutuli at sila lamang ang mga kamanggagawa ko para sa paghahari ng Diyos at sila ay kaaliwan sa akin. 12 Binabati rin kayo ni Epafras na isa sa inyo. Siya ay isang alipin ni Cristo na laging nananalangin ng mataimtim para sa inyo upang kayo ay maging ganap at lubos sa lahat ng kalooban ng Diyos.

Read full chapter