Colosas 4
Ang Salita ng Diyos
4 Mga amo, ibigay ninyo sa inyong mga alipin kung anoang makatarungan at kung ano ang nararapat, yamang nalalaman ninyo na kayo rin ay may isang Panginoon sa langit.
Karagdagang Tagubilin
2 Magpatuloy kayong may kasigasigan sa pananalangin. Magbantay kayong may pagpapasalamat.
3 Idalangin din naman ninyo kami na magkaroon ng pagkakataong mula sa Diyos na makapangaral at makapaghayag kami ng hiwagani Cristo. Ito ang dahilan kung bakit ako din naman ay nabilanggo. 4 Idalangin ninyo na kapag ako ay magsalita, ito ay maging ayon sa nararapat kong pagpapaliwanag. 5 Mamuhay kayong may karunungan sa kanila na mga nasa labas at samantalahinninyo ang panahon. 6 Ang inyong pananalita ay maging mapagbiyayang lagi namay lasang asin upang malaman ninyo kung ano ang dapat ninyong isagot sabawat isa.
Panghuling Pagbati
7 Ang minamahal na kapatid na si Tiquico ang magbabalita sa inyo ng patungkol sa aking kalagayan. Siya ay isang tapat na tagapaglingkod at kapwa alipin sa Panginoon.
8 Siya ay sinugo ko sa inyo upang malaman ang inyong kalagayan at palakasin ang inyong loob. 9 Kasama niya si Onesimo, na isang tapat at minamahal na kapatid at kasama rin ninyo. Ipaaalam nila sa inyo ang lahat ng nangyayari dito.
10 Binabati kayo ni Aristarco na kasama ko sa bilangguan. Binabati rin kayo ni Marcos na pinsan ni Bernabe. Patungkol sa kaniya ay tumanggap na kayo ng mga tagubilin. Kaya pagdating niya diyan sa inyo ay tanggapin ninyo siya. 11 Binabati rin kayo ni Jesus na tinatawag na Justo. Sila ay mga nasa pagtutuli at sila lamang ang mga kamanggagawa ko para sa paghahari ng Diyos at sila ay kaaliwan sa akin. 12 Binabati rin kayo ni Epafras na isa sa inyo. Siya ay isang alipin ni Cristo na laging nananalangin ng mataimtim para sa inyo upang kayo ay maging ganap at lubos sa lahat ng kalooban ng Diyos. 13 Saksi ako sa kasigasigan niya para sa inyo at sa mga taga-Laodicea at sa mga taga-Hierapolis. 14 Binabati rin kayo ni Lucas na minamahal na manggagamot at gayundin ni Demas. 15 Batiin ninyo ang mga kapatid na nasa Laodicea, gayundin si Nimfa at sa iglesyang nagtitipon sa kaniyang bahay.
16 Pagkabasa ng sulat na ito sa inyo, ipabasa rin ninyo sa iglesiya sa Laodicea upang mabasa rin ninyo ang sulat na galing sa mga taga-Laodicea.
17 Sabihin ninyo kay Arquipo: Tiyakin mong maganap ang gawain ng paglilingkod na tinanggap mo sa Panginoon.
18 Akong si Pablo ang sumusulat ng pagbating ito. Alalahanin ninyo ang aking mga tanikala. Ang biyaya ay sumainyo. Siya nawa!
Copyright © 1998 by Bibles International