Colosas 3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Bagong Buhay kay Cristo
3 Kaya't (A) yamang kayo'y muling binuhay na kasama ni Cristo, pakanasain ninyo ang mga bagay na nasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. 2 Pag-ukulan ninyo ng pansin ang mga bagay na makalangit at hindi ang mga bagay na makalupa, 3 sapagkat kayo'y namatay na, at ang buhay ninyo kay Cristo ay itinatago ng Diyos. 4 Kapag si Cristo na inyong[a] buhay ay nahayag na, kayo ay mahahayag ding kasama niya sa kaluwalhatian.
5 Kaya't patayin ninyo ang mga sangkap ng inyong katawan na nasa lupa: ang pakikiapid, kahalayan, kapusukan, masamang pagnanasa, at kasakiman na katumbas na rin ng pagsamba sa mga diyus-diyosan. 6 Dahil sa mga ito, ang poot ng Diyos ay dumarating sa mga suwail na anak.[b] 7 Ganitong mga landas ang tinatahak ninyo noon, nang kayo'y namumuhay pa sa mga ito. 8 Ngunit ngayon ay talikuran ninyo ang mga bagay tulad ng poot, galit, maruruming pag-iisip, paninirang-puri, at mahalay na pananalita mula sa inyong bibig. 9 Huwag (B) kayong magsinungaling sa isa't isa, yamang hinubad na ninyo ang lumang pagkatao kasama ang mga gawain nito, 10 at (C) kayo'y nagbihis na ng bagong pagkatao, na patuloy na ginagawang bago tungo sa kaalaman ayon sa larawan ng lumikha sa bagong pagkatao. 11 Dito'y wala nang pagkakaiba ang Griyego at Judio, tuli at di-tuli, barbaro, Scita, alipin, at malaya. Sa halip, si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat at nasa lahat!
12 Kaya't bilang (D) mga pinili ng Diyos, mga banal at minamahal, isuot ninyo sa inyong pagkatao ang pagkamahabagin, kabaitan, kababaang-loob, kaamuan, at tiyaga. 13 Magparaya kayo (E) sa isa't isa, at kung ang sinuman ay may sama ng loob sa kanino man, magpatawad kayo sa isa't isa. Magpatawad kayo kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon. 14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pag-ibig na siyang nagbubuklod sa lahat sa lubos na pagkakaisa. 15 At hayaan ninyong maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na siyang dahilan kaya't tinawag kayo sa isang katawan. At kayo'y maging mapagpasalamat. 16 Manirahan (F) nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo. Kalakip ang buong karunungan ay turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa sa pamamagitan ng mga salmo, ng mga himno at ng mga awiting espirituwal, habang umaawit kayo na may pasasalamat sa Diyos sa inyong mga puso. 17 At anuman ang inyong gagawin, sa salita man o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, kalakip ang pasasalamat sa Diyos Ama sa pamamagitan niya.
Mga Tagubilin sa mga Pamilyang Cristiano
18 Mga (G) babae, magpasakop kayo sa inyu-inyong asawa, na siya namang nararapat sa Panginoon. 19 Mga (H) lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa at huwag kayong maging malupit sa kanila. 20 Mga (I) anak, sumunod kayo sa inyong mga magulang sa lahat ng mga bagay, sapagkat ito'y kasiya-siya sa Panginoon. 21 Mga ama, (J) huwag ninyong itulak sa galit ang inyong mga anak upang hindi sila panghinaan ng loob. 22 Mga (K) alipin, sa lahat ng bagay ay sumunod kayo sa inyong mga panginoon dito sa lupa. Buong puso kayong maglingkod; hindi lamang kapag sila'y nakatingin. Gawin ninyo ito nang may takot sa Panginoon upang magbigay-kasiyahan sa tao. 23 Anuman ang inyong gagawin ay buong puso ninyong gawin, na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao; 24 yamang alam ninyo na tatanggap kayo mula sa Panginoon ng pamana bilang gantimpala. Sa Panginoong Jesu-Cristo kayo naglilingkod. 25 Sapagkat (L) ang gumagawa ng masama ay tatanggap ng kaukulang ganti sa kasamaang ginawa niya; pantay-pantay ang lahat sa bagay na ito.
Footnotes
- Colosas 3:4 Sa ibang mga manuskrito ating.
- Colosas 3:6 Sa ibang mga kasulatan walang mga suwail na anak.
Colossians 3
Amplified Bible
Put On the New Self
3 Therefore if you have been raised with Christ [to a new life, sharing in His resurrection from the dead], keep seeking the things that are above, where Christ is, seated at the right hand of God.(A) 2 Set your mind and keep focused habitually on the things above [the heavenly things], not on things that are on the earth [which have only temporal value]. 3 For you died [to this world], and your [new, real] life is hidden with Christ in God. 4 When Christ, who is our life, [a]appears, then you also will appear with Him in glory.
5 So put to death and deprive of power the evil longings of your earthly body [with its sensual, self-centered instincts] immorality, impurity, sinful passion, evil desire, and greed, which is [a kind of] idolatry [because it replaces your devotion to God]. 6 Because of these [sinful] things the [divine] wrath of God is coming [b]on the sons of disobedience [those who fail to listen and who routinely and obstinately disregard God’s precepts], 7 and in these [sinful things] you also once walked, when you were habitually living in them [without the knowledge of Christ]. 8 But now rid yourselves [completely] of all these things: anger, rage, malice, slander, and obscene (abusive, filthy, vulgar) language from your mouth. 9 Do not lie to one another, for you have stripped off the old self with its evil practices, 10 and have put on the new [spiritual] self who is being continually renewed in true knowledge in the image of Him who created the new self—(B) 11 a renewal in which there is no [distinction between] Greek and Jew, circumcised and uncircumcised, [nor between nations whether] [c]barbarian or [d]Scythian, [nor in status whether] slave or free, but Christ is all, and in all [so believers are equal in Christ, without distinction].
12 So, as God’s own chosen people, who are holy [set apart, sanctified for His purpose] and well-beloved [by God Himself], put on a heart of compassion, kindness, humility, gentleness, and patience [which has the power to endure whatever injustice or unpleasantness comes, with good temper]; 13 bearing graciously with one another, and willingly forgiving each other if one has a cause for complaint against another; just as the Lord has forgiven you, so should you forgive. 14 Beyond all these things put on and wrap yourselves in [unselfish] love, which is the perfect bond of unity [for everything is bound together in agreement when each one seeks the best for others]. 15 Let the peace of Christ [the inner calm of one who walks daily with Him] be the controlling factor in your hearts [deciding and settling questions that arise]. To this peace indeed you were called as members in one body [of believers]. And be thankful [to God always]. 16 Let the [spoken] word of Christ have its home within you [dwelling in your heart and mind—permeating every aspect of your being] as you teach [spiritual things] and admonish and train one another with all wisdom, singing psalms and hymns and spiritual songs with thankfulness in your hearts to God. 17 Whatever you do [no matter what it is] in word or deed, do everything in the name of the Lord Jesus [and in dependence on Him], giving thanks to God the Father through Him.
Family Relations
18 Wives, be [e]subject to your husbands [out of respect for their position as protector, and their accountability to God], as is proper and [f]fitting in the Lord. 19 Husbands, love your wives [with an affectionate, sympathetic, selfless love that always seeks the best for them] and do not be embittered or resentful toward them [because of the responsibilities of marriage]. 20 Children, obey your parents [as God’s representatives] in all things, for this [attitude of respect and obedience] is well-pleasing [g]to the Lord [and will bring you God’s promised blessings]. 21 Fathers, do not provoke or irritate or exasperate your children [with demands that are trivial or unreasonable or humiliating or abusive; nor by favoritism or indifference; treat them tenderly with lovingkindness], so they will not lose heart and become discouraged or unmotivated [with their spirits broken].
22 Servants, in everything obey those who are your masters on earth, not only with external service, as those who merely please people, but with sincerity of heart because of your fear of the Lord. 23 Whatever you do [whatever your task may be], work from the soul [that is, put in your very best effort], as [something done] for the Lord and not for men, 24 knowing [with all certainty] that it is from the Lord [not from men] that you will receive the inheritance which is your [greatest] reward. It is the Lord Christ whom you [actually] serve. 25 For he who does wrong will be punished for his wrongdoing, and [with God] there is no partiality [no special treatment based on a person’s position in life].
Footnotes
- Colossians 3:4 A reference to His second coming.
- Colossians 3:6 Two early mss do not contain this phrase.
- Colossians 3:11 A derogatory term used to describe uneducated, uncultured people who were not fluent in the Greek language.
- Colossians 3:11 The Scythians were savage equestrian herdsmen who were skilled archers and often worked as mercenaries and/or slave traders. The Scythian women were known to dress as warriors and fight alongside the men.
- Colossians 3:18 The wife is to submit voluntarily to her husband (not to men in general); not as inferior to him, nor in violation of her Christian ethics, but honoring her husband’s responsibilities and authority as head of the household.
- Colossians 3:18 I.e. not in conflict with Scripture.
- Colossians 3:20 Lit in, as “in the Lord’s presence.”
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Copyright © 2015 by The Lockman Foundation, La Habra, CA 90631. All rights reserved.