Add parallel Print Page Options

Kaya't patayin ninyo ang mga sangkap ng inyong katawan na nasa lupa: ang pakikiapid, kahalayan, kapusukan, masamang pagnanasa, at kasakiman na katumbas na rin ng pagsamba sa mga diyus-diyosan. Dahil sa mga ito, ang poot ng Diyos ay dumarating sa mga suwail na anak.[a] Ganitong mga landas ang tinatahak ninyo noon, nang kayo'y namumuhay pa sa mga ito.

Read full chapter

Footnotes

  1. Colosas 3:6 Sa ibang mga kasulatan walang mga suwail na anak.