Add parallel Print Page Options

Pagbati

Si Pablo, na apostol ni Cristo-Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, at si Timoteo na ating kapatid,

Sa mga banal at tapat na mga kapatid kay Cristo na nasa Colosas: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama.

Pasasalamat para sa mga Taga-Colosas

Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sa aming pananalangin para sa inyo,

sapagkat nabalitaan namin ang inyong pananampalataya kay Cristo Jesus, at ang pag-ibig ninyo sa lahat ng mga banal,

dahil sa pag-asa na nakalaan para sa inyo sa langit, na inyong narinig noong una sa salita ng katotohanan, ang ebanghelyo,

na dumating sa inyo. Gayundin naman kung paanong ito ay namumunga at lumalago sa buong sanlibutan, ay gayundin naman sa inyo, mula nang araw na inyong marinig at maunawaan ang biyaya ng Diyos sa katotohanan.

Ito(A) ay inyong natutunan kay Epafras na aming minamahal na kapwa alipin. Siya ay isang tapat na lingkod ni Cristo alang-alang sa inyo,[a]

at siya rin namang sa amin ay nagpahayag ng inyong pag-ibig sa Espiritu.

Kaya't mula nang araw na aming marinig ito, hindi kami tumigil ng pananalangin para sa inyo at sa paghiling na kayo'y punuin ng kaalaman ng kanyang kalooban sa buong karunungan at pagkaunawang espirituwal,

10 upang kayo'y lumakad nang nararapat sa Panginoon, na lubos na nakakalugod sa kanya, namumunga sa bawat gawang mabuti, at lumalago sa pagkakilala sa Diyos.

11 Nawa'y palakasin kayo sa buong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kanyang kaluwalhatian, para sa lahat ng katatagan at pagtitiyaga na may galak;

12 na nagpapasalamat sa Ama, na ginawa niya tayong karapat-dapat na makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan.

13 Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak,

14 na(B) sa kanya ay mayroon tayong katubusan, na siyang kapatawaran ng mga kasalanan.[b]

Si Cristo ang Pangunahin sa Lahat ng Bagay

15 Siya ang larawan ng Diyos na hindi nakikita, ang panganay sa lahat ng mga nilalang;

16 sapagkat sa pamamagitan niya nilalang ang lahat ng mga bagay sa langit at sa lupa, ang mga bagay na nakikita at ang mga bagay na hindi nakikita, maging mga trono o mga pagka-panginoon, maging mga pinuno o mga may kapangyarihan—lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at para sa kanya.

17 Siya mismo ay una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nahahawakang sama-sama sa kanya.[c]

18 Siya(C) ang ulo ng katawan, ang iglesya; siya ang pasimula, ang panganay mula sa mga patay, upang siya ay maging pangunahin sa lahat ng mga bagay.

19 Sapagkat minagaling na ang buong kapuspusan ay manirahan sa kanya,

20 at(D) sa pamamagitan niya ay pagkasunduin ng Diyos sa kanyang sarili ang lahat ng mga bagay, sa lupa man o sa langit, na ginagawa ang kapayapaan sa pamamagitan ng dugo ng kanyang krus.

21 At kayo, na nang dati ay hiwalay at mga kaaway sa pag-iisip, sa pamamagitan ng masasamang gawa,

22 ay pinakipagkasundo niya ngayon sa kanyang katawang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo'y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya,

23 kung kayo'y nagpapatuloy na matatag at matibay sa pananampalataya, at hindi nakikilos sa pag-asa sa ebanghelyo na inyong narinig, na ipinangaral sa lahat ng mga nilalang sa silong ng langit. Akong si Pablo ay naging ministro ng ebanghelyong ito.

Pagmamalasakit ni Pablo sa Iglesya

24 Ngayo'y nagagalak ako sa aking mga pagtitiis alang-alang sa inyo, at sa aking laman ay pinupunan ko ang kakulangan sa mga paghihirap ni Cristo alang-alang sa kanyang katawan, na siyang iglesya.

25 Ako'y naging ministro nito, ayon sa katungkulang ipinagkatiwala ng Diyos sa akin para sa inyo, upang lubos na maipahayag ang salita ng Diyos,

26 ang hiwaga na nakatago sa lahat ng mga panahon at mga salinlahi, ngunit ngayo'y ipinahayag sa kanyang mga banal.

27 Sa kanila'y ninais ng Diyos na ipaalam kung gaano kalaki ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa gitna ng mga Hentil, na ito'y si Cristo na nasa inyo, na siyang pag-asa sa kaluwalhatian.

28 Siya ang aming ipinahahayag, na binabalaan ang bawat tao at tinuturuan ang bawat tao, sa buong karunungan, upang ang lahat ay maiharap naming sakdal kay Cristo.

29 Dahil dito'y nagpapagal din naman ako at nagsisikap ayon sa kanyang paggawa na gumagawa sa akin na may kapangyarihan.

Footnotes

  1. Colosas 1:7 Sa ibang mga kasulatan ay amin .
  2. Colosas 1:14 Sa ibang mga kasulatan ay may karugtong na sa pamamagitan ng kanyang dugo .
  3. Colosas 1:17 o sa pamamagitan niya .

Pagbati

Mula kay Pablo, apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, at kay Timoteo na ating kapatid, Sa mga banal at tapat na mga kapatid kay Cristo na nasa Colosas: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama.

Pasasalamat para sa mga Taga-Colosas

Nagpapasalamat kami sa Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sa tuwing kami ay nananalangin para sa inyo, sapagkat nabalitaan namin ang tungkol sa inyong pananampalataya kay Cristo Jesus, at ang inyong pag-ibig para sa lahat ng mga banal, dahil sa pag-asang nakalaan sa inyo sa langit. Nang nakaraang panahon ay narinig ninyo ang tungkol dito sa pamamagitan ng mensahe ng katotohanan, ang ebanghelyo, na dumating sa inyo. Kung paanong sa buong daigdig ay namumunga at lumalaganap ang ebanghelyong ito, ay gayundin naman sa inyo, mula nang araw na inyong narinig at naunawaan ang tunay na kahulugan ng biyaya ng Diyos. Natutuhan (A) ninyo ito kay Epafras, ang minamahal naming kapwa lingkod. Siya ay tapat na lingkod ni Cristo alang-alang sa inyo,[a] at siya ang nagpahayag sa amin tungkol sa inyong pag-ibig sa pamamagitan ng Espiritu.

Dahil dito, mula nang araw na mabalitaan namin ang tungkol sa inyo, ay walang tigil kaming nananalangin para sa inyo. Hinihiling namin sa Diyos na kayo'y mapuspos ng kaalaman tungkol sa kanyang kalooban sa lahat ng espirituwal na karunungan at pang-unawa. 10 Ang kayo'y magpatuloy sa pamumuhay nang karapat-dapat sa Panginoon, nagbibigay-kasiyahan sa kanya sa lahat ng bagay, namumunga sa lahat ng uri ng mabuting gawa, at lumalago sa pagkakilala sa Diyos. 11 Palakasin nawa kayo na taglay ang buong kapangyarihan, ayon sa kanyang maluwalhating kalakasan—upang kayo'y maging matatag at makaya ninyong tiisin ang lahat ng bagay, habang may galak 12 na nagpapasalamat sa Ama, na siyang nagbigay sa atin ng karapatang makibahagi sa pamana para sa mga banal na nasa liwanag. 13 Siya ang nagligtas sa atin mula sa kapangyarihan ng kadiliman at naglipat sa atin tungo sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. 14 (B) Sa kanya ay mayroon tayong katubusan, ang kapatawaran ng mga kasalanan.[b]

Si Cristo, Ang Pangunahin sa Lahat

15 Siya ang larawan ng Diyos na di-nakikita, ang pangunahin sa lahat ng mga nilikha; 16 sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa, ang mga bagay na nakikita at ang mga hindi nakikita, maging ang mga trono o mga pamamahala, o mga pamunuan o mga may kapangyarihan—lahat ng bagay ay nilikha sa pamamagitan niya at para sa kanya. 17 Siya mismo ay una sa lahat, at ang lahat ng mga bagay ay nananatiling sama-sama sa pamamagitan niya. 18 Siya (C) ang ulo ng katawan, ang iglesya. Siya ang pasimula, ang pangunahin sa mga binuhay mula sa kamatayan, upang sa lahat ng bagay ay siya ang maging kataas-taasan. 19 Sapagkat ikinalugod ng Diyos na ang kanyang buong kalikasan ay manirahan kay Cristo, 20 at (D) sa pamamagitan niya ay ipagkasundo sa kanyang sarili ang lahat ng bagay, nasa lupa man o sa langit, na sa pamamagitan ng kanyang dugo na dumanak sa krus ay nakamtan ang kapayapaan.

21 At kayo, dati'y napakalayo, mga sumasalungat sa kanya sa inyong pag-iisip at namumuhay sa masasamang gawa. 22 Ngayon ay ipinakipagkasundo niya kayo sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang katawang laman na namatay, upang sa paningin ng Diyos kayo'y maiharap na mga banal, hindi mapaparatangan ng anuman at walang dungis, 23 kung kayo nga'y nananatili sa pananampalataya, naninindigang mabuti, matatag at hindi natitinag sa pag-asang mula sa ebanghelyo. Ito'y inyong narinig at naipangaral na sa lahat ng tao sa silong ng langit; para sa ebanghelyong ito, akong si Pablo ay naging lingkod.

Paglilingkod ni Pablo sa Iglesya

24 Ikinagagalak ko ngayon ang aking mga pagdurusa para sa inyo, at sa pamamagitan ng aking katawan ay nadaragdagan ko ang anumang kakulangan sa mga paghihirap ni Cristo alang-alang sa kanyang katawan, ang iglesya. 25 Ako'y naging lingkod nito, ayon sa katungkulang ipinagkatiwala ng Diyos sa akin, upang maipahayag sa inyo nang lubusan ang salita ng Diyos. 26 Ito ang hiwaga na iningatang lihim sa napakahabang panahon at sa mga salinlahi, ngunit ngayo'y malinaw na inihayag sa kanyang mga banal. 27 Ninais ng Diyos na ipaunawa sa kanila ang napakaluwalhating kayamanan ng hiwagang ito sa gitna ng mga bansa, na ito'y si Cristo na nasa inyo, ang pag-asa tungo sa kaluwalhatian. 28 Siya ang aming ipinangangaral. Binabalaan namin at tinuturuan ang bawat isa nang buong karunungan, upang ang bawat tao ay maiharap naming nasa ganap na kalagayan kay Cristo. 29 Dahil dito'y nagpapakahirap ako, nagsisikap sa pamamagitan ng kanyang lakas na makapangyarihang kumikilos sa akin.

Footnotes

  1. Colosas 1:7 Sa ibang mga manuskrito amin.
  2. Colosas 1:14 Sa ibang mga manuskrito may karugtong na sa pamamagitan ng kanyang dugo.

Thankfulness for Spiritual Attainments

Paul, an apostle (special messenger, personally chosen representative) of Christ Jesus (the Messiah, the Anointed) by the will of God, and Timothy our brother,

To the [a]saints and faithful [b]believers in Christ [who are] at Colossae: Grace to you and peace [inner calm and spiritual well-being] from God our Father.

We give thanks to God, the Father of our Lord Jesus Christ, as we pray always for you, for we have heard of your faith in Christ Jesus [how you lean on Him with absolute confidence in His power, wisdom, and goodness], and of the [unselfish] [c]love which you have for all the saints (God’s people); because of the [confident] hope [of experiencing that] which is reserved and waiting for you in heaven. You previously heard of this hope in the message of truth, the gospel [regarding salvation] which has come to you. Indeed, just as in the whole world the gospel is constantly bearing fruit and spreading [by God’s power], just as it has been doing among you ever since the day you first heard of it and understood the grace of God in truth [becoming thoroughly and deeply acquainted with it]. You learned it from [our representative] Epaphras, our beloved fellow bond-servant, who is a faithful minister of Christ on our behalf and he also has told us of your love [well-grounded and nurtured] in the [Holy] Spirit.

For this reason, since the day we heard about it, we have not stopped praying for you, asking [specifically] that you may be filled with the knowledge of His will in all spiritual wisdom [with insight into His purposes], and in understanding [of spiritual things], 10 so that you will walk in a manner worthy of the Lord [displaying admirable character, moral courage, and personal integrity], to [fully] please Him in all things, bearing fruit in every good work and steadily growing in the knowledge of God [with deeper faith, clearer insight and fervent love for His precepts]; 11 [we pray that you may be] strengthened and invigorated with all power, according to His glorious might, to attain every kind of endurance and patience with joy; 12 giving thanks to the Father, who has qualified us to share in the inheritance of the saints (God’s people) in the Light.

The Incomparable Christ

13 For He has rescued us and has drawn us to Himself from the dominion of darkness, and has transferred us to the kingdom of His beloved Son, 14 in whom we have redemption [because of His sacrifice, resulting in] the forgiveness of our sins [and the cancellation of sins’ penalty].

15 He is the exact living image [the essential manifestation] of the unseen God [the visible representation of the invisible], the firstborn [the preeminent one, the sovereign, and the originator] of all creation. 16 For [d]by Him all things were created in heaven and on earth, [things] visible and invisible, whether thrones or dominions or rulers or authorities; all things were created and exist through Him [that is, by His activity] and for Him. 17 And He Himself existed and is before all things, and in Him all things hold together. [His is the controlling, cohesive force of the universe.](A) 18 He is also the head [the life-source and leader] of the body, the [e]church; and He is the beginning, [f]the firstborn from the dead, so that He Himself will occupy the first place [He will stand supreme and be preeminent] in everything.(B) 19 For it pleased the Father for all the fullness [of deity—the sum total of His essence, all His perfection, powers, and attributes] to dwell [permanently] in Him (the Son), 20 and through [the intervention of] the Son to reconcile all things to Himself, making peace [with believers] through the blood of His cross; through Him, [I say,] whether things on earth or things in heaven.

21 And although you were at one time estranged and alienated and hostile-minded [toward Him], participating in evil things, 22 yet Christ has now reconciled you [to God] in His [g]physical body through death, in order to present you before the Father holy and blameless and beyond reproach— 23 [and He will do this] if you continue in the faith, well-grounded and steadfast, and not shifting away from the [confident] hope [that is a result] of the gospel that you have heard, which was proclaimed [h]in all creation under heaven, and of which [gospel] I, Paul, was made a minister.

24 Now I rejoice in my sufferings on your behalf. And with my own body I [i]supplement whatever is lacking [on our part] of Christ’s afflictions, on behalf of His body, which is the church. 25 In this church I was made a minister according to the stewardship which God entrusted to me for your sake, so that I might make the word of God fully known [among you]— 26 that is, [j]the mystery which was hidden [from angels and mankind] for ages and generations, but has now been revealed to His saints (God’s people). 27 God [in His eternal plan] chose to make known to them how great for the Gentiles are the riches of the glory of this mystery, which is Christ in and among you, the hope and guarantee of [realizing the] glory. 28 We proclaim Him, warning and instructing everyone in all wisdom [that is, with comprehensive insight into the word and purposes of God], so that we may present every person complete in Christ [mature, fully trained, and perfect in Him—the Anointed]. 29 For this I labor [often to the point of exhaustion], striving with His power and energy, which so greatly works within me.

Footnotes

  1. Colossians 1:2 Every born-again believer (saint) has been reborn from above—spiritually transformed, renewed, made holy and set apart for God’s purpose.
  2. Colossians 1:2 Lit brethren.
  3. Colossians 1:4 The key to understanding this and other statements about love is to know that this love (the Greek word agape) is not so much a matter of emotion as it is of doing things for the benefit of another person, that is, having an unselfish concern for another and a willingness to seek the best for another.
  4. Colossians 1:16 Or in.
  5. Colossians 1:18 This refers to the entire body of born-again believers (whether past, present, or future), not a local congregation.
  6. Colossians 1:18 Christ is the first to be resurrected with an incorruptible, immortal body. Others who were raised had to die again.
  7. Colossians 1:22 Lit body of flesh.
  8. Colossians 1:23 Paul may be referring to the fact that the created world displays proof of the existence of an omnipotent, benevolent God (cf Rom 1:20), without whom there would be no possibility of salvation. Such a God is the foundation of the “good news.”
  9. Colossians 1:24 I.e. since the church is Christ’s body, figuratively speaking, whatever the church suffers can be considered additional sufferings by Christ Himself, and all such suffering was ordained and destined by God; what is left to suffer in God’s plan is what is “lacking of Christ’s afflictions.” Paul, as a member of the church, was destined to suffer through persecution etc., thereby taking his share of the church body’s divinely-ordained suffering.
  10. Colossians 1:26 I.e. that believing Gentiles would be united with believing Jews into one body of believers.