Bilang 33
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang mga Lugar na Dinaanan ng mga Israelita mula Egipto Papuntang Moab
33 Ito ang mga lugar na dinaanan ng mga Israelita nang umalis sila sa Egipto na nakagrupo ang bawat lahi sa ilalim ng pangunguna nina Moises at Aaron. 2 Ayon sa utos ng Panginoon, inilista ni Moises ang kanilang dinaanan na mga lugar mula sa kanilang pinanggalingan. 3 Umalis sila sa Rameses nang ika-15 araw ng unang buwan pagkatapos ng Pista ng Paglampas ng Anghel. Umalis silang may lakas ng loob, habang nakatingin ang mga Egipcio 4 na naglilibing ng lahat ng panganay nilang lalaki na pinatay ng Panginoon dahil hinatulan sila ng Panginoon sa kanilang pagsamba sa mga dios-diosan nila.
5 Mula sa Rameses, nagkampo sila sa Sucot.
6 Mula sa Sucot, nagkampo sila sa Etam, na tabi ng disyerto.
7 Mula sa Etam, nagbalik sila papunta sa Pi Harirot na nasa silangan ng Baal Zefon, at nagkampo malapit sa Migdol.
8 Mula sa Pi Harirot, tumawid sila sa dagat at pumunta sa disyerto. Naglakbay sila sa loob ng tatlong araw sa disyerto ng Etam at nagkampo sila sa Mara. 9 Mula sa Mara, nagkampo sila sa Elim, kung saan may 12 bukal at 70 puno ng palma.
10 Mula sa Elim nagkampo sila sa tabi ng Dagat na Pula. 11 Mula sa Dagat na Pula nagkampo sila sa ilang ng Sin.
12 Mula sa ilang ng Sin, nagkampo sila sa Dofka.
13 Mula sa Dofka, nagkampo sila sa Alus.
14 Mula sa Alus, nagkampo sila sa Refidim, kung saan walang tubig na naiinom ang mga tao.
15 Mula sa Refidim, nagkampo sila sa disyerto ng Sinai.
16-36 Ito pa ang mga lugar na kanilang pinagkampuhan nang naglalakbay sila mula sa disyerto ng Sinai papunta sa Kadesh, sa ilang ng Zin: Kibrot Hataava, Hazerot, Ritma, Rimon Perez, Libna, Risa, Kehelata, Bundok ng Shefer, Harada, Makelot, Tahat, Tera, Mitca, Hasmona, Moserot, Bene Jaakan, Hor Hagidgad, Jotbata, Abrona, Ezion Geber at hanggang sa makarating sila sa Kadesh sa ilang ng Zin.
37 Mula sa Kadesh, nagkampo sila sa Bundok ng Hor, sa hangganan ng lupain ng Edom. 38-39 Sa utos ng Panginoon, umakyat si Aaron sa Bundok ng Hor at doon siya namatay sa edad na 123 taon. Nangyari ito noong unang araw ng ikalimang buwan, nang ika-40 taon mula nang umalis ang mga Israelita sa Egipto.
40 Ngayon, ang hari ng Canaan na si Arad na naninirahan sa Negev ay nakabalita na paparating ang mga mamamayan ng Israel.
41-48 Mula naman sa Bundok ng Hor, nagpatuloy ang mga Israelita sa kanilang paglalakbay. Ito ang mga lugar na kanilang pinagkampuhan: Zalmona, Punon, Obot, Iye Abarim, na nasa hangganan ng Moab, Dibon Gad, Almon Diblataim, sa mga bundok ng Abarim na malapit sa Nebo, at hanggang sa nakarating sila sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico. 49 Nagkampo sila roon sa tabi ng Jordan mula sa Bet Jeshimot hanggang sa Abel Shitim na sakop pa rin ng kapatagan ng Moab. 50 At habang nagkakampo sila roon sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico, sinabi ng Panginoon kay Moises, 51 “Sabihin mo sa mga Israelita na kung tatawid sila sa Ilog ng Jordan papunta sa Canaan, 52 palayasin nila ang lahat ng naninirahan doon at gibain ang lahat ng dios-diosan nila na gawa sa mga bato at metal, at ang lahat ng kanilang sambahan sa matataas na lugar.[a] 53 Sasakupin ninyo ang mga lupaing iyon at doon kayo titira dahil ibinibigay ko ito sa inyo. 54 Partihin ninyo ang lupa sa pamamagitan ng palabunutan ayon sa dami ng bawat lahi. Ang lahi na may maraming bilang ay partihan ninyo ng malaki, at ang lahi na may kakaunting bilang ay partihan ninyo ng maliit. Kung ano ang mabunot nila, iyon na ang kanilang parte. Sa pamamagitan nito, mahahati ang lupa sa bawat lahi.
55 “Pero kung hindi ninyo palalayasin ang mga naninirahan doon, ang mga matitira sa kanilaʼy magiging parang puwing sa inyong mga mata at tinik sa inyong mga tagiliran. Magbibigay sila ng kaguluhan sa inyong paninirahan doon. 56 At gagawin ko sa inyo ang parusa na dapat para sa kanila.”
Footnotes
- 33:52 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
Mga Bilang 33
Ang Biblia, 2001
Ang Talaan ng Paglalakbay ng Israel
33 Ito ang mga paglalakbay[a] ng mga anak ni Israel, nang sila'y lumabas sa lupain ng Ehipto, ayon sa kanilang mga hukbo sa ilalim ng pamumuno nina Moises at Aaron.
2 Isinulat ni Moises kung saan sila nagsimula, yugtu-yugto, alinsunod sa utos ng Panginoon, at ito ang kanilang mga paglalakbay ayon sa kanilang mga lugar na pinagsimulan.
3 Sila'y naglakbay mula sa Rameses nang ikalabinlimang araw ng unang buwan. Kinabukasan, pagkatapos ng paskuwa ay buong tapang na umalis ang mga anak ni Israel sa paningin ng lahat ng mga Ehipcio,
4 samantalang inililibing ng mga Ehipcio ang lahat ng kanilang panganay na nilipol ng Panginoon sa gitna nila, pati ang kanilang mga diyos ay hinatulan ng Panginoon.
5 Ang mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa Rameses at nagkampo sa Sucot.
6 Sila'y naglakbay mula sa Sucot at nagkampo sa Etam na nasa gilid ng ilang.
7 Sila'y naglakbay mula sa Etam, at lumiko sa Pihahirot, na nasa silangan ng Baal-zefon at nagkampo sa tapat ng Migdol.
8 Sila'y naglakbay mula sa Pihahirot, at nagdaan sa gitna ng dagat hanggang sa ilang; sila'y naglakbay ng tatlong araw sa ilang ng Etam at nagkampo sa Mara.
9 Sila'y naglakbay mula sa Mara, at dumating sa Elim at sa Elim ay may labindalawang bukal ng tubig at pitumpung puno ng palma; at sila'y nagkampo roon.
10 Sila'y naglakbay mula sa Elim at nagkampo sa tabi ng Dagat na Pula.[b]
11 Sila'y naglakbay mula sa Dagat na Pula at nagkampo sa ilang ng Zin.
12 Sila'y naglakbay mula sa ilang ng Zin at nagkampo sa Dofca.
13 Sila'y naglakbay mula sa Dofca at nagkampo sa Alus.
14 Sila'y naglakbay mula sa Alus at nagkampo sa Refidim na doon ay walang tubig na mainom ang mga taong-bayan.
15 Sila'y naglakbay mula sa Refidim at nagkampo sa ilang ng Sinai.
16 Sila'y naglakbay mula sa ilang ng Sinai at nagkampo sa Kibrot-hataava.
17 Sila'y naglakbay mula sa Kibrot-hataava at nagkampo sa Haserot.
18 Sila'y naglakbay mula sa Haserot at nagkampo sa Ritma.
19 Sila'y naglakbay mula sa Ritma at nagkampo sa Rimon-peres.
20 Sila'y naglakbay mula sa Rimon-peres at nagkampo sa Libna.
21 Sila'y naglakbay mula sa Libna at nagkampo sa Risa.
22 Sila'y naglakbay mula sa Risa at nagkampo sa Ceelata.
23 Sila'y naglakbay mula sa Ceelata at nagkampo sa bundok ng Sefer.
24 Sila'y naglakbay mula sa bundok ng Sefer at nagkampo sa Harada.
25 Sila'y naglakbay mula sa Harada at nagkampo sa Macelot.
26 Sila'y naglakbay mula sa Macelot at nagkampo sa Tahat.
27 Sila'y naglakbay mula sa Tahat at nagkampo sa Terah.
28 Sila'y naglakbay mula sa Terah at nagkampo sa Mitca.
29 Sila'y naglakbay mula sa Mitca at nagkampo sa Hasmona.
30 Sila'y naglakbay mula sa Hasmona at nagkampo sa Moserot.
31 Sila'y naglakbay mula sa Moserot at nagkampo sa Ben-yaakan.
32 Sila'y naglakbay mula sa Ben-yaakan at nagkampo sa Horhagidgad.
33 Sila'y naglakbay mula sa Horhagidgad at nagkampo sa Jotbata.
34 Sila'y naglakbay mula sa Jotbata at nagkampo sa Abrona.
35 Sila'y naglakbay mula sa Abrona at nagkampo sa Ezion-geber.
36 Sila'y naglakbay mula sa Ezion-geber at nagkampo sa ilang ng Zin (na siya ring Kadesh).
37 At sila'y naglakbay mula sa Kadesh at nagkampo sa bundok ng Hor, sa gilid ng lupain ng Edom.
Ang Pagkamatay ni Aaron
38 Ang(A) paring si Aaron ay umakyat sa bundok ng Hor sa utos ng Panginoon, at namatay roon nang unang araw ng ikalimang buwan, sa ikaapatnapung taon, pagkaalis ng mga anak ni Israel sa lupain ng Ehipto.
39 Si Aaron ay isandaan at dalawampu't tatlong taon nang siya'y mamatay sa bundok ng Hor.
40 Nabalitaan(B) ng Cananeo na hari sa Arad, na naninirahan sa Negeb sa lupain ng Canaan, ang pagdating ng mga anak ni Israel.
41 Sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor at nagkampo sa Salmona.
42 Sila'y naglakbay mula sa Salmona at nagkampo sa Funon.
43 Sila'y naglakbay mula sa Funon at nagkampo sa Obot.
44 Sila'y naglakbay mula sa Obot at nagkampo sa Ije-abarim, sa hangganan ng Moab.
45 Sila'y naglakbay mula sa Ije-abarim at nagkampo sa Dibon-gad.
46 Sila'y naglakbay mula sa Dibon-gad at nagkampo sa Almon-diblataim.
47 Sila'y naglakbay mula sa Almon-diblataim at nagkampo sa mga bundok ng Abarim, sa harap ng Nebo.
48 Sila'y naglakbay mula sa mga bundok ng Abarim at nagkampo sa mga kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa Jerico.
49 Sila'y nagkampo sa tabi ng Jordan, mula sa Bet-jesimot hanggang sa Abel-sitim, sa mga kapatagan ng Moab.
50 At nagsalita ang Panginoon kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan, sa Jerico, na sinasabi,
51 “Sabihin mo sa mga anak ni Israel, ‘Pagtawid ninyo sa Jordan sa lupain ng Canaan,
52 inyong palalayasin ang lahat ng naninirahan sa lupain sa harap ninyo, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga batong hinugisan, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga larawang hinulma, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang matataas na dako.
53 Angkinin ninyo ang lupain at manirahan kayo roon, sapagkat sa inyo ko ibinigay ang lupain upang angkinin.
54 Inyong(C) mamanahin ang lupain sa pamamagitan ng palabunutan ayon sa inyong mga angkan; sa malaki ay magbibigay kayo ng malaking mana, at sa maliit ay magbibigay kayo ng maliit na mana. Kung kanino matapat ang palabunutan sa bawat tao, ay iyon ang magiging kanya; ayon sa mga lipi ng inyong mga ninuno ay inyong mamanahin.
55 Ngunit kung hindi ninyo palalayasin ang mga naninirahan sa lupain sa harap ninyo ay magiging parang mga puwing sa inyong mga mata, at parang mga tinik sa inyong mga tagiliran ang mga ititira ninyo sa kanila, at kanilang guguluhin kayo sa lupaing pinaninirahan ninyo.
56 At mangyayari na gagawin ko sa inyo ang inisip kong gawin sa kanila.’”
Footnotes
- Mga Bilang 33:1 o yugto .
- Mga Bilang 33:10 o Dagat ng mga Tambo .
Mga Bilang 33
Ang Biblia (1978)
Ang Tala ng paglalakbay ng Israel.
33 Ito ang mga paglalakbay[a] ng mga anak ni Israel, nang sila'y magsilabas sa lupain ng Egipto, ayon sa kanilang mga hukbo sa ilalim ng kapangyarihan ni Moises at ni Aaron.
2 At isinulat ni Moises ang kanilang mga pagyao ayon sa kanilang mga paglalakbay alinsunod sa utos ng Panginoon: at ito ang kanilang mga paglalakbay ayon sa kanilang mga pagyao.
3 (A)At sila'y nagsipaglakbay mula sa Rameses nang (B)unang buwan, nang ikalabing limang araw ng unang buwan; nang kinabukasan pagkatapos ng paskua ay nagsialis ang mga anak ni Israel na (C)may kamay na nakataas sa paningin ng lahat ng mga taga Egipto,
4 Samantalang inililibing ng mga taga Egipto ang lahat ng kanilang panganay, (D)na nilipol ng Panginoon sa gitna nila: na pati ng kanilang mga dios ay hinatulan ng Panginoon.
5 (E)At ang mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa Rameses at humantong sa Succoth.
6 At (F)sila'y naglakbay mula sa Succoth at humantong sa Etham na nasa gilid ng ilang.
7 (G)At sila'y naglakbay mula sa Etham, at lumiko sa Pi-hahiroth, na nasa tapat ng Baal-sephon: at humantong sa tapat ng Migdol.
8 At sila'y naglakbay mula sa tapat ng Hahiroth, at (H)nagsipagdaan sa gitna ng dagat hanggang sa ilang: at sila'y naglakbay na tatlong araw sa ilang ng Etham at humantong sa Mara.
9 At sila'y naglakbay mula sa Mara, at dumating sa (I)Elim: at sa Elim ay may labing dalawang bukal ng tubig at pitong pung puno ng palma; at sila'y humantong doon.
10 At sila'y naglakbay mula sa Elim, at humantong sa tabi ng Dagat na Mapula.
11 At sila'y naglakbay mula sa Dagat na Mapula, at humantong sa (J)ilang ng Zin.
12 At sila'y naglakbay mula sa ilang ng Zin, at humantong sa Dophca.
13 At sila'y naglakbay mula sa Dophca, at humantong sa Alus.
14 At sila'y naglakbay mula sa Alus, at humantong sa (K)Rephidim, na doon, nga walang tubig na mainom ang bayan.
15 At sila'y naglakbay mula sa Rephidim, at humantong sa (L)ilang ng Sinai.
16 At sila'y naglakbay mula sa ilang ng Sinai, at humantong sa (M)Kibroth-hataava.
17 At sila'y naglakbay mula sa Kibroth-hataava, at humantong sa (N)Haseroth.
18 At sila'y naglakbay mula sa Haseroth, at humantong sa (O)Ritma.
19 At sila'y naglakbay mula sa Ritma, at humantong sa Rimmonperes.
20 At sila'y naglakbay mula sa Rimmon-peres, at humantong sa Libna.
21 At sila'y naglakbay mula sa Libna, at humantong sa Rissa.
22 At sila'y naglakbay mula sa Rissa, at humantong sa Ceelatha.
23 At sila'y naglakbay mula sa Ceelatha at humantong sa bundok ng Sepher.
24 At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Sepher, at humantong sa Harada.
25 At sila'y naglakbay mula sa Harada, at humantong sa Maceloth.
26 At sila'y naglakbay mula sa Maceloth, at humantong sa Tahath.
27 At sila'y naglakbay mula sa Tahath at humantong sa Tara.
28 At sila'y naglakbay mula sa Tara, at humantong sa Mithca.
29 At sila'y naglakbay mula sa Mithca, at humantong sa Hasmona.
30 At sila'y naglakbay mula sa Hasmona, at humantong sa (P)Moseroth.
31 At sila'y naglakbay mula sa Moseroth, at humantong sa Benejaacan.
32 At sila'y naglakbay mula sa Bene-jaacan, at humantong (Q)sa Horhagidgad.
33 At sila'y naglakbay mula sa Horhagidgad at humantong sa Jotbatha.
34 At sila'y naglakbay mula sa Jotbatha, at humantong sa Abrona.
35 At sila'y naglakbay mula sa Abrona, at humantong sa (R)Esion-geber.
36 At sila'y naglakbay mula sa Esion-geber, at humantong sa (S)ilang ng Zin (na siya ring Cades).
37 At sila'y naglakbay mula sa (T)Cades, at humantong sa bundok ng Hor, sa gilid ng lupain ng Edom.
Pagkamatay ni Aaron.
38 At si Aaron na saserdote ay (U)sumampa sa bundok ng Hor sa utos ng Panginoon, at namatay roon, sa ikaapat na pung taon, pagkaalis ng mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto, sa ikalimang buwan, nang unang araw ng buwan.
39 At si Aaron ay may (V)isang daan at dalawang pu't tatlong taon nang siya'y mamatay sa bundok ng Hor.
40 (W)At ang Cananeo na hari sa Arad, na tumatahan sa Timugan, sa lupain ng Canaan, ay nakarinig ng pagdating ng mga anak ni Israel.
41 At sila'y naglakbay mula sa bundok ng (X)Hor, at humantong sa Salmona.
42 At sila'y naglakbay mula sa Salmona, at humantong sa Phunon.
43 At sila'y (Y)naglakbay mula sa Phunon, at humantong sa (Z)Oboth.
44 At sila'y naglakbay mula sa Oboth, at humantong sa Igeabarim, sa hangganan ng Moab.
45 At sila'y naglakbay mula sa Igeabarim, at humantong sa (AA)Dibon-gad.
46 At sila'y naglakbay mula sa Dibongad, at humantong sa Almondiblathaim.
47 At sila'y naglakbay mula sa Almon-diblathaim, at (AB)humantong sa mga bundok ng Abarim, sa harap ng Nebo.
48 At sila'y naglakbay mula sa mga bundok ng Abarim, at (AC)humantong sa mga kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico.
49 At sila'y humantong sa tabi ng Jordan, mula sa Beth-jesimoth hanggang sa Abel-sitim, (AD)sa mga kapatagan ng Moab.
50 At sinalita ng Panginoon kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico, na sinasabi,
51 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, (AE)Pagtawid ninyo sa Jordan sa lupain ng Canaan,
52 Ay inyo ngang (AF)palalayasin ang (AG)lahat ng nananahan sa lupain sa harap ninyo, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga batong tinapyasan, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga larawang binubo, at inyong gigibain ang lahat ng kanilang mga mataas na dako:
53 At inyong ariin ang lupain, at tatahan kayo roon: sapagka't sa inyo ibinigay ko ang lupain upang ariin.
54 (AH)At inyong aariin ang lupain sa sapalaran ayon sa inyong mga angkan; sa marami ay magbibigay kayo ng maraming mana, at sa kaunti ay magbibigay kayo ng kaunting mana: kung kanino mahulog ang palad sa bawa't isa, ay yaon ang magiging kaniya; ayon sa mga lipi ng inyong mga magulang ay inyong mamanahin.
55 Nguni't kung hindi ninyo palalayasin ang mga nananahanan sa lupain sa harap ninyo; ay magiging parang mga (AI)tibo nga sa inyong mga mata, at parang mga tinik sa inyong mga tagiliran ang mga ititira ninyo sa kanila, at kanilang babagabagin kayo sa lupain na inyong tinatahanan.
56 At mangyayari, na kung ano ang iniisip kong gawin sa kanila, ay gayon ang gagawin ko sa inyo.
Footnotes
- Mga Bilang 33:1 Pagyaon.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
