Awit ni Solomon 2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Isa lamang akong rosas na sa Saron ay naligaw
sa libis nitong bundok, isang ligaw na halaman.
Mangingibig:
2 Katulad mo'y isang liryo sa gitna ng kasukalan,
namumukod ka sa lahat, bukod-tangi, aking hirang.
Babae:
3 Sa gitna ng kagubatan katulad niya ay mansanas,
sa lahat ng mga tao, siya'y walang makatulad;
ako'y laging nananabik sa lilim niya'y manatili,
ang tamis ng bunga niya kung kanin ko'y anong sarap.
4 Nang ako ay kanyang dalhin sa sagana niyang hapag,
sa piling niya'y nadama ko ang pag-ibig niyang tapat.
5 Ako'y kanyang pinakain ng sariwang mga ubas,
at magiliw na binusog ng matamis na mansanas;
dahil aking puso'y uhaw sa pagsinta mong wagas.
6 Ang kaliwa niyang bisig ang siya kong inuunan,
habang ako'y hinahaplos ng kanan niyang kamay.
7 Ipangako n'yo sa akin, mga dalaga sa Jerusalem,
sa ngalan ng mga usa't mga hayop na matutulin,
ang aming paglalambingan ay di n'yo gagambalain.
Ang Ikalawang Awit
Babae:
8 Ang tinig ng aking mahal ay akin nang naririnig,
mga gulod, tinatahak upang ako'y makaniig.
9 Itong aking mangingibig ay tulad ng isang usa,
mabilis kung kumilos, ang katawan ay masigla.
Sa tabi ng aming pader, naroroon lagi siya,
sumisilip sa bintana upang ako ay makita.
10 Ang mahal ko ay nangusap at ganito ang sinabi:
Mangingibig:
Sa akin ay sumama ka, halika na, aking mahal.
11 Lumipas na ang taglamig sa buong lupain
at ang tag-ulan ay natapos na rin.
12 Bulaklak sa kaparangan tingna't namumukadkad,
ito na nga ang panahon upang tayo ay magsaya,
sa bukid, ang mga ibo'y masayang umaawit.
13 Ang mga puno ng igos, hinog na ang bunga,
at ang mga punong ubas, sa bulaklak ay hitik na.
Tayo na nga aking mahal, sa akin ay sumama ka.
14 Ika'y parang kalapati, nagkukubli sa batuhan,
halika at ang ganda mo ay nais kong mapagmasdan,
at nang akin ding marinig ang tinig mong ginintuan.
15 Asong-gubat ay hulihin, maninira ng ubasan,
baka pumasok sa ating namumulaklak na ubasan.
Babae:
16 Mangingibig ko ay akin at ako nama'y kanya,
sa gitna ng mga liryo, kumakain ang kawan niya.
17 Hanggang dilim ay maparam, ganito ang ginagawa,
sa pag-ihip ng amihang umaga ang siyang badya.
Magbalik ka, aking sinta magmadali ka, aking mahal
tulad ng pagtakbo ng usa sa kaburulan.[a]
Footnotes
- 17 kaburulan: o kaya'y Bundok ng Bether .
Awit ng mga Awit 2
Ang Biblia, 2001
2 Ako'y rosas[a] ng Sharon,
isang liryo ng mga libis.
Lalaki
2 Kung ano ang liryo sa gitna ng mga tinikan,
gayon ang aking pag-ibig sa gitna ng mga kadalagahan.
Babae
3 Kung ano ang puno ng mansanas sa gitna ng mga punungkahoy sa kagubatan,
gayon ang aking sinta sa gitna ng mga kabinataan.
Ako'y naupo sa ilalim ng kanyang anino na may malaking pagsasaya,
at ang kanyang bunga ay matamis sa aking panlasa.
4 Dinala niya ako sa bahay na may handaan,
at ang watawat niya sa akin ay pagmamahal.
5 Bigyan ninyo ako ng mga pasas,
aliwin ninyo ako ng mga mansanas;
sapagkat ako'y may sakit na pagsinta.
6 Ang kanyang kaliwang kamay sana ay nasa ilalim ng aking ulo,
at ang kanyang kanang kamay ay niyayakap ako!
7 O mga anak na babae ng Jerusalem, kayo'y aking pinagbibilinan,
alang-alang sa mga usang lalaki at babae sa kaparangan,
na huwag ninyong pukawin, o gisingin man ang pagmamahal,
hanggang sa kanyang maibigan.
Babae
8 Ang tinig ng aking giliw!
Narito, siya'y dumarating,
palukso-lukso sa mga bundok,
palundag-lundag sa mga burol.
9 Ang aking sinta ay gaya ng usa
o ng batang usa.
Tingnan mo, siya'y nakatayo
sa likod ng aming bakod,
sa mga bintana'y sumisilip,
sa mga durungawa'y nagmamasid.
10 Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin,
“Bumangon ka, maganda kong sinta,
at tayo'y umalis;
11 Sapagkat, ang taglamig ay lumipas na;
ang ulan ay tapos na at wala na.
12 Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa;
ang panahon ng pag-aawitan ay dumating,
at ang tinig ng batu-bato
ay naririnig sa ating lupain.
13 Lumalabas na ang mga bunga ng puno ng igos,
at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak,
ang kanilang bango'y humahalimuyak.
Bumangon ka, maganda kong sinta,
at tayo'y umalis.
14 O kalapati ko, na nasa mga bitak ng bato,
sa puwang ng bangin,
ipakita mo sa akin ang iyong mukha,
iparinig mo sa akin ang iyong tinig;
sapagkat matamis ang iyong tinig,
at ang iyong mukha ay kaibig-ibig.
15 Ihuli ninyo kami ng mga asong-gubat,
ng mga munting asong-gubat,
na sumisira ng mga ubasan,
sapagkat ang aming mga ubasan ay namumulaklak na.”
Babae
16 Ang sinta ko ay akin, at kanya ako;
ipinapastol niya ang kanyang kawan sa gitna ng mga liryo.
17 Hanggang sa ang araw ay huminga,
at ang mga anino'y tumakas,
pumihit ka, sinta ko, at ikaw ay maging gaya ng usa
o ng batang usa sa mga bundok ng Bether.
Footnotes
- Awit ng mga Awit 2:1 Sa Hebreo ay crocus .
Awit ng mga Awit 2
Ang Dating Biblia (1905)
2 Ako'y rosa ng Saron, lila ng mga libis.
2 Kung paano ang lila sa gitna ng mga tinik, gayon ang aking pagsinta sa mga dalaga.
3 Kung paano ang puno ng mansanas sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat, gayon ang aking sinta sa gitna ng mga anak na lalake. Ako'y nauupo sa ilalim ng kaniyang lilim na may malaking kaluguran. At ang kaniyang bunga ay naging matamis sa aking lasa.
4 Dinala niya sa bahay na may pigingan, at ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta.
5 Kandilihin ninyo ako ng mga pasas, aliwin ninyo ako ng mga mansanas: sapagka't ako'y may sakit na pagsinta.
6 Ang kaniyang kaliwang kamay ay nasa ilalim ng aking ulo, at ang kaniyang kanang kamay ay yumayakap sa akin.
7 Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang, na huwag ninyong pukawin, o gisingin man ang aking pagsinta, hanggang sa ibigin niya.
8 Ang tinig ng aking sinta! narito, siya'y dumarating, na lumulukso sa mga bundok, lumulundag sa mga burol.
9 Ang aking sinta ay gaya ng usa o ng batang usa: narito, siya'y tumatayo sa likod ng ating bakod, siya'y sumusungaw sa mga dungawan, siya'y napakikita sa mga silahia.
10 Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin, Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.
11 Sapagka't narito, ang tagginaw ay nakaraan; ang ulan ay lumagpas at wala na;
12 Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa; ang panahon ng pagaawitan ng mga ibon ay dumarating, at ang tinig ng batobato ay naririnig sa ating lupain;
13 Nahihinog ang sariwang mga bunga ng puno ng higos, at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak, kanilang pinahahalimuyak ang kanilang bango. Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.
14 Oh kalapati ko, na nasa mga bitak ng malalaking bato, sa puwang ng matarik na dako, ipakita mo sa akin ang iyong mukha, iparinig mo sa akin ang iyong tinig; Sapagka't matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kahalihalina.
15 Hulihin ninyo para sa atin ang mga sora, ang mga munting sora na naninira ng mga ubasan; sapagka't ang ating mga ubasan ay namumulaklak.
16 Ang sinta ko ay akin, at ako ay kaniya: pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.
17 Hanggang sa ang araw ay lumamig, at ang mga lilim ay mawala, pumihit ka, sinta ko, at ikaw ay maging gaya ng usa o ng batang usa sa mga bundok ng Bether.
Song of Songs 2
New International Version
She[a]
He
2 Like a lily among thorns
is my darling among the young women.
She
3 Like an apple[c] tree among the trees of the forest
is my beloved(D) among the young men.
I delight(E) to sit in his shade,
and his fruit is sweet to my taste.(F)
4 Let him lead me to the banquet hall,(G)
and let his banner(H) over me be love.
5 Strengthen me with raisins,
refresh me with apples,(I)
for I am faint with love.(J)
6 His left arm is under my head,
and his right arm embraces me.(K)
7 Daughters of Jerusalem, I charge you(L)
by the gazelles and by the does of the field:
Do not arouse or awaken love
until it so desires.(M)
8 Listen! My beloved!
Look! Here he comes,
leaping across the mountains,
bounding over the hills.(N)
9 My beloved is like a gazelle(O) or a young stag.(P)
Look! There he stands behind our wall,
gazing through the windows,
peering through the lattice.
10 My beloved spoke and said to me,
“Arise, my darling,
my beautiful one, come with me.
11 See! The winter is past;
the rains are over and gone.
12 Flowers appear on the earth;
the season of singing has come,
the cooing of doves
is heard in our land.
13 The fig tree forms its early fruit;(Q)
the blossoming(R) vines spread their fragrance.
Arise, come, my darling;
my beautiful one, come with me.”
He
14 My dove(S) in the clefts of the rock,
in the hiding places on the mountainside,
show me your face,
let me hear your voice;
for your voice is sweet,
and your face is lovely.(T)
15 Catch for us the foxes,(U)
the little foxes
that ruin the vineyards,(V)
our vineyards that are in bloom.(W)
She
Footnotes
- Song of Songs 2:1 Or He
- Song of Songs 2:1 Probably a member of the crocus family
- Song of Songs 2:3 Or possibly apricot; here and elsewhere in Song of Songs
- Song of Songs 2:17 Or the hills of Bether
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.