Add parallel Print Page Options

Babae

Ang sinisinta ko'y bumaba sa kanyang halamanan,
    sa mga pitak ng mga pabango,
upang ipastol ang kanyang kawan sa mga halamanan,
    at upang mamitas ng mga liryo.
Ako'y sa aking mahal, at ang mahal ko ay akin;
    ipinapastol niya ang kanyang kawan sa gitna ng mga liryo.

Lalaki

Ikaw ay kasingganda ng Tirza, aking mahal,
    kahali-halina na gaya ng Jerusalem,
    kakilakilabot na gaya ng hukbo na may mga watawat.

Read full chapter
'Awit ng mga Awit 6:2-4' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang sinisinta ko'y bumaba (A)sa kaniyang halamanan,
(B)Sa mga pitak ng mga especia,
Upang magaliw sa mga halaman, at upang mamitas ng mga (C)lila.
Ako'y sa aking sinisinta, (D)at ang sinisinta ko ay akin:
Pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.
Ikaw ay maganda, sinta ko, na gaya ng (E)Tirsa,
Kahalihalina na gaya ng Jerusalem,
Kakilakilabot na gaya ng hukbo na may mga watawat.

Read full chapter

Ang sinisinta ko'y bumaba sa kaniyang halamanan, sa mga pitak ng mga especia, upang magaliw sa mga halaman, at upang mamitas ng mga lila.

Ako'y sa aking sinisinta, at ang sinisinta ko ay akin: pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.

Ikaw ay maganda, sinta ko, na gaya ng Tirsa, kahalihalina na gaya ng Jerusalem, kakilakilabot na gaya ng hukbo na may mga watawat.

Read full chapter