Add parallel Print Page Options

Pangungusap ng magkasuyong babae at lalake.

Ako'y (A)rosa ng Saron, Lila ng mga libis.
Kung paano ang lila sa gitna ng mga tinik,
Gayon ang aking pagsinta sa mga dalaga.
Kung paano ang puno ng mansanas sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat,
Gayon ang aking sinta sa gitna ng mga anak na lalake.
Ako'y nauupo sa ilalim ng kaniyang lilim na may malaking kaluguran.
(B)At ang kaniyang bunga ay naging matamis sa aking lasa.
Dinala niya sa bahay na may pigingan,
At ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta.
Kandilihin ninyo ako ng mga pasas, aliwin ninyo ako ng mga mansanas:
Sapagka't ako'y may sakit na pagsinta.
Ang kaniyang kaliwang kamay (C)ay nasa ilalim ng aking ulo,
At ang kaniyang kanang kamay ay yumayakap sa akin.
Pinagbibilinan ko kayo, (D)Oh mga anak na babae ng Jerusalem,
Alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang,
Na huwag ninyong pukawin, o gisingin man ang aking pagsinta,
Hanggang sa ibigin niya.
Ang tinig ng aking sinta! narito, siya'y dumarating,
Na lumulukso sa mga bundok,
Lumulundag sa mga burol.
Ang aking sinta (E)ay gaya ng usa o ng batang usa: Narito, siya'y tumatayo sa likod ng ating bakod,
Siya'y sumusungaw sa mga dungawan,
Siya'y napakikita sa mga silahia.
10 Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin,
(F)Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.
11 Sapagka't narito, ang tagginaw ay nakaraan;
Ang ulan ay lumagpas at wala na;
12 Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa;
Ang panahon ng pagaawitan ng mga ibon ay dumarating,
At ang tinig ng (G)batobato ay naririnig sa ating lupain;
13 Nahihinog ang sariwang mga bunga ng puno ng higos,
At ang mga puno ng ubas (H)ay namumulaklak,
Kanilang pinahahalimuyak ang kanilang bango.
(I)Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.
14 Oh kalapati ko, na nasa mga bitak ng malalaking bato,
Sa puwang ng matarik na dako,
Ipakita mo sa akin ang iyong mukha,
(J)Iparinig mo sa akin ang iyong tinig;
Sapagka't matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kahalihalina.
15 Hulihin ninyo para sa atin (K)ang mga sora, ang mga munting sora
Na naninira ng mga ubasan;
Sapagka't ang ating mga ubasan ay namumulaklak.
16 Ang sinta ko ay akin, (L)at ako ay kaniya:
(M)Pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.
17 Hanggang sa ang araw ay lumamig, (N)at ang mga lilim ay mawala,
Pumihit ka, sinta ko, at ikaw ay (O)maging gaya ng usa o ng batang usa
Sa mga bundok ng Bether.

'Awit ng mga Awit 2 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ako'y rosas[a] ng Sharon,

    isang liryo ng mga libis.

Lalaki

Kung ano ang liryo sa gitna ng mga tinikan,
    gayon ang aking pag-ibig sa gitna ng mga kadalagahan.

Babae

Kung ano ang puno ng mansanas sa gitna ng mga punungkahoy sa kagubatan,
    gayon ang aking sinta sa gitna ng mga kabinataan.
Ako'y naupo sa ilalim ng kanyang anino na may malaking pagsasaya,
    at ang kanyang bunga ay matamis sa aking panlasa.
Dinala niya ako sa bahay na may handaan,
    at ang watawat niya sa akin ay pagmamahal.
Bigyan ninyo ako ng mga pasas,
    aliwin ninyo ako ng mga mansanas;
    sapagkat ako'y may sakit na pagsinta.
Ang kanyang kaliwang kamay sana ay nasa ilalim ng aking ulo,
    at ang kanyang kanang kamay ay niyayakap ako!
O mga anak na babae ng Jerusalem, kayo'y aking pinagbibilinan,
    alang-alang sa mga usang lalaki at babae sa kaparangan,
na huwag ninyong pukawin, o gisingin man ang pagmamahal,
    hanggang sa kanyang maibigan.

Babae

Ang tinig ng aking giliw!
    Narito, siya'y dumarating,
palukso-lukso sa mga bundok,
    palundag-lundag sa mga burol.
Ang aking sinta ay gaya ng usa
    o ng batang usa.
Tingnan mo, siya'y nakatayo
    sa likod ng aming bakod,
sa mga bintana'y sumisilip,
    sa mga durungawa'y nagmamasid.
10 Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin,
“Bumangon ka, maganda kong sinta,
    at tayo'y umalis;
11 Sapagkat, ang taglamig ay lumipas na;
    ang ulan ay tapos na at wala na.
12 Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa;
    ang panahon ng pag-aawitan ay dumating,
at ang tinig ng batu-bato
    ay naririnig sa ating lupain.
13 Lumalabas na ang mga bunga ng puno ng igos,
    at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak,
    ang kanilang bango'y humahalimuyak.
Bumangon ka, maganda kong sinta,
    at tayo'y umalis.
14 O kalapati ko, na nasa mga bitak ng bato,
    sa puwang ng bangin,
ipakita mo sa akin ang iyong mukha,
    iparinig mo sa akin ang iyong tinig;
sapagkat matamis ang iyong tinig,
    at ang iyong mukha ay kaibig-ibig.
15 Ihuli ninyo kami ng mga asong-gubat,
    ng mga munting asong-gubat,
na sumisira ng mga ubasan,
    sapagkat ang aming mga ubasan ay namumulaklak na.”

Babae

16 Ang sinta ko ay akin, at kanya ako;
    ipinapastol niya ang kanyang kawan sa gitna ng mga liryo.
17 Hanggang sa ang araw ay huminga,
    at ang mga anino'y tumakas,
pumihit ka, sinta ko, at ikaw ay maging gaya ng usa
    o ng batang usa sa mga bundok ng Bether.

Footnotes

  1. Awit ng mga Awit 2:1 Sa Hebreo ay crocus .