Pahayag 9:14-16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
14 na nagsasabi sa ikaanim na anghel na may hawak ng trumpeta, “Pakawalan mo ang apat na anghel na nakagapos sa malaking ilog ng Eufrates.” 15 Kaya pinakawalan ang apat na anghel, na inihanda para sa takdang oras, araw, buwan, at taon, upang patayin ang ikatlong bahagi ng sangkatauhan. 16 Dalawandaang milyon ang bilang ng mga hukbong nakasakay sa kabayo. Narinig ko ang kanilang bilang.
Read full chapter
Apocalipsis 9:14-16
Ang Biblia, 2001
14 na nagsasabi sa ikaanim na anghel na may trumpeta, “Kalagan mo ang apat na anghel na nakagapos sa malaking ilog ng Eufrates.”
15 Kaya't kinalagan ang apat na anghel, na inihanda para sa oras, araw, buwan at taon upang patayin ang ikatlong bahagi ng mga tao.
16 Ang bilang ng mga hukbong nangangabayo ay makalawang sampung libong tigsasampung libo; aking narinig ang bilang nila.
Read full chapter
Apocalipsis 9:14-16
Ang Biblia (1978)
14 Na nagsasabi sa ikaanim na anghel na may pakakak, Kalagan mo ang apat na anghel na nagagapos (A)sa malaking ilog ng Eufrates.
15 At kinalagan ang apat na anghel, na nangahahanda sa oras at araw at buwan at taon upang patayin ang ikatlong bahagi ng mga tao.
16 At (B)ang bilang ng mga hukbong nangangabayo ay makalawang sangpunglibong tigsasangpung libo: aking narinig ang bilang nila.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
