Add parallel Print Page Options

At(A) narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa trono na nagsasabi,

“Masdan ninyo, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao.
Siya'y maninirahang kasama nila,
at sila'y magiging bayan niya.
Ang Diyos mismo ay makakasama nila, at siya'y magiging Diyos nila.[a]
At(B) papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata,
at hindi na magkakaroon ng kamatayan;
hindi na rin magkakaroon pa ng pagdadalamhati, o ng pagtangis man, o ng kirot man,
sapagkat ang mga unang bagay ay lumipas na.”

At sinabi ng nakaupo sa trono, “Masdan ninyo, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay.” Sinabi rin niya, “Isulat mo, sapagkat ang mga salitang ito ay tapat at tunay.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Apocalipsis 21:3 Sa ibang mga kasulatan ay walang at siya'y magiging Diyos nila .

At (A) mula sa trono, isang malakas na tinig ang aking narinig,

“Masdan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay kasama na ng mga tao.
Maninirahan siya sa kanila bilang Diyos nila;
sila'y magiging bayan niya,
at ang Diyos mismo ay makakasama nila at magiging Diyos nila;[a]
papahirin (B) niya ang bawat luha sa kanilang mga mata.
Hindi na magkakaroon ng kamatayan;
ni magkakaroon ng pagluluksa at pagtangis, at kahit kirot ay di na rin mararanasan,
sapagkat lumipas na ang mga unang bagay.”

At nagsalita ang nakaupo sa trono, “Ngayon, ginagawa kong bago ang lahat ng bagay.” Sinabi rin niya, “Isulat mo, sapagkat ang mga salitang ito ay tapat at totoo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Pahayag 21:3 Sa ibang manuskrito, walangmagiging Diyos nila.