Apocalipsis 17:1-3
Ang Biblia, 2001
Ang Reyna ng Kahalayan
17 At(A) dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok at nagsalita sa akin na nagsasabi, “Halika. Ipapakita ko sa iyo ang hatol sa tanyag na mahalay na babae[a] na nakaupo sa ibabaw ng maraming tubig;
2 na(B) sa kanya'y nakiapid ang mga hari sa lupa, at ang mga naninirahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kanyang pakikiapid.
3 At(C) ako'y kanyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang halimaw na pula, na punô ng mga pangalan ng kalapastanganan na may pitong ulo at sampung sungay.
Read full chapterFootnotes
- Apocalipsis 17:1 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .
Pahayag 17:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Babae at ang Halimaw
17 Pagkatapos, (A) isa sa pitong anghel na may pitong mangkok ay dumating at nagsabi sa akin, “Halika, ipakikita ko sa iyo ang hatol sa napakahalay na babaing nakaupo sa ibabaw ng maraming tubig. 2 Nakiapid (B) sa kanya ang mga hari sa daigdig, at nalasing sa alak ng kanyang pakikiapid ang mga naninirahan sa lupa.” 3 At (C) habang nasa Espiritu, dinala niya ako sa ilang, at nakita ko ang isang babae na nakaupo sa pulang halimaw na puno ng mga pangalang mapaglapastangan at ito ay may pitong ulo at sampung sungay.
Read full chapter
Revelation 17:1-3
New International Version
Babylon, the Prostitute on the Beast
17 One of the seven angels(A) who had the seven bowls(B) came and said to me, “Come, I will show you the punishment(C) of the great prostitute,(D) who sits by many waters.(E) 2 With her the kings of the earth committed adultery, and the inhabitants of the earth were intoxicated with the wine of her adulteries.”(F)
3 Then the angel carried me away in the Spirit(G) into a wilderness.(H) There I saw a woman sitting on a scarlet(I) beast that was covered with blasphemous names(J) and had seven heads and ten horns.(K)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

