Apocalipsis 15
Ang Biblia, 2001
Ang mga Anghel na may Panghuling Salot
15 At nakita ko ang isa pang tanda sa langit, dakila at kamanghamangha: pitong anghel na may pitong salot, na siyang mga panghuli, sapagkat sa mga ito'y matatapos ang poot ng Diyos.
2 At nakita ko ang tulad sa isang dagat na kristal na may halong apoy, at ang mga dumaig sa halimaw at sa larawan nito, at sa bilang ng pangalan nito na nakatayo sa tabi ng dagat na kristal at may hawak na mga alpa ng Diyos.
3 At(A) inaawit nila ang awit ni Moises na alipin ng Diyos, at ang awit ng Kordero na sinasabi,
“Dakila at kamanghamangha ang iyong mga gawa,
O Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat!
Matuwid at tunay ang iyong mga daan,
ikaw na Hari ng mga bansa.
4 Sinong(B) hindi matatakot
at luluwalhati sa iyong pangalan O Panginoon,
sapagkat ikaw lamang ang banal.
Ang lahat ng mga bansa ay darating
at sasamba sa harapan mo;
sapagkat ang iyong mga matuwid na gawa ay nahayag.”
5 Pagkatapos(C) ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at ang templo ng tolda ng patotoo sa langit ay nabuksan.
6 At mula sa templo ay lumabas ang pitong anghel na may pitong salot, na nakadamit ng dalisay at makintab na lino, at nabibigkisan ng gintong pamigkis ang kanilang mga dibdib.
7 At isa sa apat na nilalang na buháy ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong mangkok na ginto na punô ng poot ng Diyos, na siyang nabubuhay magpakailanman.
8 At(D) napuno ng usok ang templo mula sa kaluwalhatian ng Diyos at mula sa kanyang kapangyarihan; at walang sinumang nakapasok sa templo hanggang sa matapos ang pitong salot ng pitong anghel.
Apocalipsis 15
Ang Biblia (1978)
15 At (A)nakita ko ang ibang tanda sa langit, dakila at kagilagilalas. (B)Pitong anghel na may pitong salot, na siyang mga panghuli, (C)sapagka't sa mga yao'y magaganap ang kagalitan ng Dios.
2 At nakita ko ang gaya ng (D)isang dagat na bubog na may halong apoy, at yaong nangagtagumpay sa hayop, (E)at sa kaniyang larawan, at sa (F)bilang ng kaniyang pangalan, ay nangakatayo sa tabi ng dagat na bubog, (G)na may mga alpa ng Dios.
3 At inaawit nila (H)ang awit ni Moises na alipin ng Dios, at (I)ang awit ng Cordero, na sinasabi,
Mga dakila at kagilagilalas ang iyong mga gawa, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat; (J)matuwid at tunay ang iyong mga daan, ikaw na Hari ng mga bansa.
4 (K)Sinong hindi matatakot, Oh Panginoon, at luluwalhatiin ang iyong pangalan? sapagka't (L)ikaw lamang ang banal; sapagka't ang (M)lahat ng mga bansa ay darating at magsisisamba sa harapan mo; sapagka't ang iyong mga matuwid na gawa ay nangahayag.
5 At pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at (N)ang santuario ng (O)tabernakulo ng patotoo (P)sa langit ay nabuksan.
6 At sa santuario ay nagsilabas ang (Q)pitong anghel na may pitong salot, na (R)nararamtan ng mahalagang bato, tunay at makintab, at nangabibigkisan ng gintong pamigkis ang kanilang mga dibdib.
7 At isa sa apat na (S)nilalang na buhay ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong (T)mangkok na ginto na puno ng kagalitan ng Dios, na siyang nabubuhay magpakailan kailan man.
8 At (U)napuno ng usok ang santuario (V)mula sa kaluwalhatian ng Dios, at sa kaniyang kapangyarihan; (W)at sinoman ay hindi nakapasok sa santuario, hanggang sa matapos ang pitong salot ng pitong anghel.
Apocalisse 15
La Nuova Diodati
15 Poi vidi nel cielo un altro segno grande e meraviglioso: sette angeli che avevano le ultime sette piaghe, perché con esse si compie l'ira di Dio.
2 E vidi come un mare di vetro, misto a fuoco e, in piedi sul mare di vetro, quelli che avevano ottenuto vittoria sulla bestia, sulla sua immagine, sul suo marchio e sul numero del suo nome. Essi avevano le cetre di Dio,
3 e cantavano il cantico di Mosè, servo di Dio, e il cantico dell'Agnello, dicendo: «Grandi e meravigliose sono le tue opere, o Signore, Dio onnipotente; giuste e veraci sono le tue vie, o Re delle nazioni.
4 Chi non ti temerà, o Signore e non glorificherà il tuo nome? Poiché tu solo sei Santo; certo tutte le nazioni verranno e adoreranno davanti a te, perché tuoi giudizi sono stati manifestati».
5 E dopo queste cose, io vidi, ed ecco aprirsi nel cielo il tempio del tabernacolo, della testimonianza.
6 E i sette angeli, che avevano le sette piaghe, uscirono dal tempio, vestiti di lino puro e risplendente e cinti intorno al petto di cinture d'oro.
7 Uno dei quattro esseri viventi diede ai sette angeli sette coppe d'oro, piene dell'ira di Dio, che vive nei secoli dei secoli.
8 E il tempio fu ripieno di fumo, procedente dalla gloria di Dio e dalla sua potenza, e nessuno poteva entrare nel tempio, finché non fossero terminate le sette piaghe dei sette angeli.
Pahayag 15
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang mga Anghel na may Huling Salot
15 Pagkatapos ay nakita ko ang isa pang tanda sa langit, kapansin-pansin at kamangha-mangha: pitong anghel na may pitong salot. Ito ang mga huling salot, sapagkat sa mga ito matatapos ang poot ng Diyos. 2 At nakita ko ang isang tulad ng dagat na kristal na may halong apoy, at ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa larawan nito at sa bilang ng pangalan nito. Sila'y nakatayo sa tabi ng dagat na kristal, at may hawak na mga alpa ng Diyos. 3 Umaawit (A) sila ng awit ni Moises na lingkod ng Diyos, at ng awit ng Kordero:
“Dakila at kamangha-mangha ang iyong mga gawa,
Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat!
O hari ng mga bansa,
ang mga paraan mo'y totoo at makatarungan,
4 (B) Panginoon, sinong hindi matatakot
at magpupuri sa iyong pangalan?
Sapagkat ikaw lamang ang banal.
Darating lahat ang mga bansa
at sila'y sasamba sa iyo,
sapagkat nahayag ang matutuwid mong kahatulan.”
5 Pagkatapos (C) nito'y tumingin ako, at nabuksan sa langit ang templo ng tolda ng patotoo. 6 At lumabas mula sa templo ang pitong anghel na may pitong salot, na nakabihis ng dalisay at makinang na lino, at may mga gintong bigkis sa kanilang dibdib. 7 Isa sa apat na buhay na nilalang ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong gintong mangkok na puno ng poot ng Diyos, siya na nabubuhay magpakailanpaman. 8 Ang (D) templo ay napuno ng usok mula sa kaluwalhatian ng Diyos at mula sa kanyang kapangyarihan, at walang makapasok sa templo hanggang sa matapos ang pitong salot ng pitong anghel.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 1991 by La Buona Novella s.c.r.l.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
