Apocalipsis 11:2-4
Ang Biblia, 2001
2 Ngunit(A) huwag mong susukatin ang patyo sa labas ng templo; pabayaan mo na iyon, sapagkat ibinigay iyon sa mga bansa at kanilang yuyurakan ang banal na lunsod sa loob ng apatnapu't dalawang buwan.
3 Papahintulutan ko ang aking dalawang saksi na magpahayag ng propesiya sa loob ng 1,260 araw, na nakasuot ng damit-sako.”
4 Ang(B) mga ito'y ang dalawang punong olibo at ang dalawang ilawan na nakatayo sa harapan ng Panginoon ng lupa.
Read full chapter
Pahayag 11:2-4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Ngunit (A) huwag mong sukatin ang patyo sa labas ng templo; hayaan mo na iyon, sapagkat ipinaubaya iyon sa mga bansa. Kanilang tatapak-tapakan ang mga banal na lungsod sa loob ng apatnapu't dalawang taon. 3 Bibigyan ko ng kapangyarihang magpahayag ng propesiya sa loob ng 1,260 araw ang aking dalawang saksi na nakasuot ng damit panluksa.”
4 Ang (B) mga saksing ito'y ang dalawang puno ng olibo at dalawang ilawang nakatayo sa harap ng Panginoon ng lupa.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.