Add parallel Print Page Options

Mapalad (A)ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka't (B)ang panaho'y malapit na.

Si Juan sa (C)pitong iglesia na nasa Asia: (D)Biyaya ang sumainyo nawa, at kapayapaang mula (E)doon sa kaniya na ngayon, at nang nakaraan at darating; at mula sa (F)pitong Espiritu na nasa harapan ng kaniyang luklukan;

At mula kay Jesucristo na siyang (G)saksing tapat, (H)na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa. (I)Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag (J)sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo;

Read full chapter

Pinagpala ang bumabasa ng mga salita ng propesiyang ito sa mga tao, at ang mga nakikinig at tumutupad ng mga bagay na nakasulat dito, sapagkat malapit na ang takdang panahon.

Mula (A) kay Juan: Sa pitong iglesya sa Asia:

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan mula sa kanya na siyang kasalukuyan, nakaraan at siyang darating, at mula sa pitong espiritu na nasa harapan ng kanyang trono, at (B) mula kay Jesu-Cristo, ang tapat na saksi, ang pangunahin sa mga binuhay mula sa kamatayan, at pinuno ng mga hari sa lupa.

Doon sa umiibig at nagpalaya[a] sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dugo,

Read full chapter

Footnotes

  1. Pahayag 1:5 Sa ibang manuskrito naghugas.