Amos 9:5-7
Ang Biblia (1978)
5 Sapagka't ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo, ay siyang humihipo ng lupain (A)at natutunaw, (B)at lahat na nagsisitahan doon ay magsisitangis; at babangong samasama na gaya ng Ilog, at lulubog uli, na gaya ng Ilog ng Egipto;
6 Siya na gumawa ng kaniyang mga silid sa langit, at kumatha ng kaniyang balantok sa lupa; (C)siya na tumatawag ng tubig sa dagat at ibinubugso sa ibabaw ng lupa; Panginoon ang kaniyang pangalan.
7 (D)Di baga kayo'y parang mga anak ng mga taga Etiopia sa akin, Oh mga anak ni Israel? sabi ng Panginoon. Hindi ko baga pinasampa ang Israel mula sa lupain ng Egipto, at ang mga Filisteo, ay mula sa Caphtor, at ang mga taga Siria ay sa Chir?
Read full chapter
Amos 9:5-7
Ang Biblia, 2001
5 Ang Panginoon, ang Diyos ng mga hukbo,
na siyang humihipo ng lupain at natutunaw,
at lahat ng naninirahan doon ay tatangis;
at lahat niyon ay tumataas na gaya ng Nilo,
at lulubog uli, na gaya ng Nilo ng Ehipto;
6 siya na gumagawa ng kanyang mga silid sa langit,
at inilagay ang kanyang pabilog na bubong sa lupa;
siya na tumatawag ng tubig sa dagat
at ibinubuhos ang mga iyon sa ibabaw ng lupa—
Panginoon ang kanyang pangalan.
7 “Di ba kayo'y parang mga anak ng Etiopia para sa akin,
O mga anak ni Israel?” sabi ng Panginoon.
“Hindi ko ba pinaahon ang Israel mula sa lupain ng Ehipto,
at ang mga Filisteo, mula sa Caftor, at ang mga taga-Siria mula sa Chir?
Amos 9:5-7
Ang Dating Biblia (1905)
5 Sapagka't ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo, ay siyang humihipo ng lupain at natutunaw, at lahat na nagsisitahan doon ay magsisitangis; at babangong samasama na gaya ng Ilog, at lulubog uli, na gaya ng Ilog ng Egipto;
6 Siya na gumawa ng kaniyang mga silid sa langit, at kumatha ng kaniyang balantok sa lupa; siya na tumatawag ng tubig sa dagat at ibinubugso sa ibabaw ng lupa; Panginoon ang kaniyang pangalan.
7 Di baga kayo'y parang mga anak ng mga taga Etiopia sa akin, Oh mga anak ni Israel? sabi ng Panginoon. Hindi ko baga pinasampa ang Israel mula sa lupain ng Egipto, at ang mga Filisteo, ay mula sa Caphtor, at ang mga taga Siria ay sa Chir?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
