Print Page Options

Ang Pangitain tungkol sa Isang Basket ng Prutas

Ipinakita naman sa akin ng Panginoong Yahweh ang isang basket ng prutas. Sinabi niya, “Amos, ano ang nakikita mo?” “Isa pong basket ng prutas,” sagot ko. At sinabi sa akin ni Yahweh,

“Dumating na ang wakas[a] ng Israel.
    Ang pagpaparusa sa kanila'y di ko na maipagpapaliban pa.
At sa araw na iyon, malulungkot na awitin ang maririnig sa palasyo.[b]
May mga bangkay na naghambalang sa labas
    at maghahari ang katahimikan.”

Ang Kapahamakan ng Israel

Pakinggan ninyo ito, kayong sumisikil sa mga nangangailangan,
    at kayong umaapi sa mga dukha.
Ang sabi ninyo sa inyong sarili,
“Inip na inip na kaming matapos ang mga araw ng pagdiriwang.
    Hindi tuloy namin maipagbili ang aming mga inani.
Kailan ba matatapos ang Sabbath,
    para maipagbili namin ang mga trigo?
Tataasan namin ang halaga, gagamit kami ng madayang takalan,
    at dadayain namin sa timbang ang mga mamimili.
Bibilhin namin upang maging alipin ang mga mahihirap sa halagang isang pilak,
    at ang mga nangangailangan ay sa halagang katumbas ng isang pares na sandalyas.
    At ipagbibili namin ang ipa ng trigo.”
Sumumpa si Yahweh, ang Diyos ng Israel,
“Hindi ko na mapapatawad ang masasama nilang gawa.
Magkakaroon ng lindol sa lupa at mananangis ang bawat isa.
    Mayayanig ang buong bayan; tataas-bababâ ito na tulad ng Ilog Nilo.”

Sa araw na iyon, sabi ng Panginoong Yahweh,
    “Lulubog ang araw sa katanghaliang-tapat,
    at magdidilim sa buong maghapon.
10 Ang iyong kapistahan ay gagawin kong araw ng kapighatian;
    at ang masasayang awitin ninyo'y magiging panaghoy.
Pipilitin ko kayong magsuot ng panluksa,
    at mapipilitan kayong mag-ahit ng ulo.
Matutulad kayo sa magulang na nagdadalamhati, dahil sa pagkamatay ng kaisa-isang anak.
    Ang araw na iyon ay magiging mapait hanggang sa wakas.”

11 Sinabi ng Panginoong Yahweh,
“Darating din ang araw na papairalin ko sa lupain ang taggutom.
Magugutom sila ngunit hindi sa pagkain; mauuhaw sila ngunit hindi sa tubig,
    kundi sa pakikinig ng aking mga salita.
12 Mula sa hilaga papuntang timog,
    mula sa silangan hanggang sa kanluran,
hahanapin nila ang salita ni Yahweh,
    subalit iyon ay hindi nila matatagpuan.
13 Dahil sa matinding pagkauhaw na ito,
    mawawalan ng malay-tao ang magagandang dalaga at ang malalakas na binata.
14 Ang mga sumusumpa sa pangalan ng mga diyus-diyosan sa Samaria,
    ang mga nagsasabing, ‘Sa ngalan ng diyos ng Dan,’
at ‘Sa ngalan ng diyos ng Beer-seba,’
    sila'y mabubuwal at hindi na makakabangon pa.”

Footnotes

  1. 2 WAKAS: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “prutas” at “wakas” ay magkasintunog.
  2. 3 palasyo: o kaya'y Templo .

Ang Pangitaing Kaing ng Prutas

Ganito ang ipinakita ng Panginoong Diyos sa akin: isang kaing ng bungang-kahoy sa tag-init.

At kanyang sinabi, “Amos, anong nakikita mo?” At aking sinabi, “Isang kaing ng mga bungang-kahoy sa tag-init.” Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin,

“Ang wakas ay dumating sa aking bayang Israel;
    hindi na ako muling daraan sa kanila.
At ang mga awit sa templo ay magiging mga panaghoy sa araw na iyon,” sabi ng Panginoong Diyos;
“darami ang mga bangkay
    na itinatapon sa bawat dako. Tumahimik kayo!”

Ang Kapahamakan ng Israel

Pakinggan ninyo ito, O kayong tumatapak sa nangangailangan,
    upang inyong puksain ang mapagpakumbaba sa lupain,
na sinasabi, “Kailan matatapos ang bagong buwan,
    upang tayo'y makapagbili ng butil?
at ang Sabbath,
    upang ating mabuksan ang bilihan ng trigo,
upang ating mapaliit ang efa, at mapalaki ang siklo,
    at gumawa ng pandaraya sa pamamagitan ng maling timbangan;
upang ating mabili ng pilak ang dukha,
    at ng isang pares na sandalyas ang nangangailangan,
    at maipagbili ang ipa ng trigo?”

Ang Panginoon ay sumumpa sa pamamagitan ng kapalaluan ng Jacob:
“Tunay na hindi ko kalilimutan kailanman
ang alinman sa kanilang mga gawa.
Hindi ba manginginig ang lupain dahil dito,
    at mananaghoy ang bawat tumatahan doon?
Oo, lahat ng ito ay tataas na gaya ng Nilo,
    at tatangayin ng alon at lulubog uli, gaya ng Nilo ng Ehipto?”
“At sa araw na iyon,” sabi ng Panginoong Diyos,
    “Aking palulubugin ang araw sa katanghaliang-tapat,
    at aking padidilimin ang lupa sa maliwanag na sikat ng araw.
10 At aking papalitan ng panangis ang inyong mga kapistahan,
    at lahat ng inyong awit ay magiging panaghoy;
at ako'y maglalagay ng damit-sako sa lahat ng balakang,
    at pagkakalbo sa bawat ulo;
at gagawin ko iyon na gaya ng pagtaghoy sa isang bugtong na anak,
    at ang wakas niyon ay gaya ng mapait na araw.

Ang Taggutom sa Buong Lupa ay Ibinabala

11 “Ang mga araw ay dumarating,” sabi ng Panginoong Diyos,
    “na ako'y magpapasapit ng taggutom sa lupain,
hindi taggutom sa tinapay, o pagkauhaw sa tubig,
    kundi sa pakikinig sa mga salita ng Panginoon.
12 At sila'y lalaboy mula sa dagat hanggang sa dagat,
    at mula sa hilaga hanggang sa silangan;
sila'y tatakbo ng paroo't parito
    upang hanapin ang salita ng Panginoon,
    at hindi nila ito matatagpuan.

13 “Sa araw na iyon ay manlulupaypay sa uhaw
    ang magagandang birhen at ang mga binata.
14 Silang sumumpa sa pamamagitan ng Ashimah ng Samaria,
    at nagsasabi, ‘Habang buháy ang diyos mo, O Dan;’
at, ‘Habang buháy ang daan ng Beer-seba;’
    sila'y mabubuwal, at kailanma'y hindi na makakabangon.”

Ang nalalapit na katapusan ng Israel ay hinulaan.

(A)Ganito nagpakita ang Panginoong Dios sa akin: at, narito, ang isang bakol ng bunga ng taginit.

At kaniyang sinabi, Amos, anong iyong nakikita? At aking sinabi, Isang bakol ng bunga ng taginit. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang wakas ay dumating sa aking bayang Israel; (B)hindi na ako daraan pa uli sa kanila.

At ang mga awit sa templo ay magiging mga pananambitan sa araw na yaon, sabi ng Panginoong Dios: ang mga bangkay ay magiging marami; sa bawa't dako ay tahimik silang itatapon.

Pakinggan ninyo ito, Oh kayong nananakmal ng mapagkailangan, at inyong pinagkukulang ang dukha sa lupain,

Na sinasabi, Kailan daraan ang bagong buwan, upang tayo'y makapagbili ng gugulayin at ang sabbath, upang ating mailabas ang trigo? na (C)gawing munti ang efa, at malaki ang siklo, at gumawa ng karayaan (D)sa magdarayang timbangan;

Upang ating mabili (E)ng pilak ang dukha, at ng dalawang paang panyapak ang mapagkailangan, at maipagbili ang pinagbithayan sa trigo.

Ang Panginoon ay sumumpa alangalang (F)sa karilagan ng Jacob, Tunay na (G)hindi ko kalilimutan kailan man ang alin man sa kanilang mga gawa.

Hindi baga manginginig ang lupain dahil dito, at mananaghoy ang bawa't tumatahan doon? oo, sasampang buo na gaya ng Ilog; at mababagabag at lulubog uli, gaya ng Ilog ng Egipto.

At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoong Dios, (H)na aking palulubugin ang araw sa katanghaliang tapat, at aking padidilimin ang lupa sa maliwanag na araw.

10 At aking papalitan ng panaghoy ang inyong mga kapistahan, at taghoy ang lahat ninyong awit; at ako'y maglalagay ng kayong magaspang sa lahat na balakang, at (I)kakalbuhan sa bawa't ulo; at aking gagawing (J)gaya ng pagtaghoy sa isang bugtong na anak, at ang wakas niyaon ay gaya ng mapanglaw na araw.

Ang pagkakagutom sa buong lupa ay ibinabala.

11 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi (K)sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon.

12 At sila'y magsisilaboy sa dagat at dagat, at mula sa hilagaan hanggang sa silanganan; sila'y magsisitakbo ng paroo't parito upang hanapin ang salita ng Panginoon, at hindi masusumpungan.

13 Sa araw na yaon ay manglulupaypay sa uhaw ang mga magandang dalaga at ang mga binata.

14 Silang nagsisisumpa sa pamamagitan ng (L)kasalanan ng Samaria, at nagsasabi, Buhay ang Dios mo, Oh (M)Dan; at, Buhay ang daan ng (N)Beer-seba; sila'y mangabubuwal, at kailan may hindi na mangakababangon.

審判之日將臨

主耶和華讓我看見了異象,我看到一籃夏天的果子。 耶和華問我:「阿摩司,你看見什麼?」我說:「我看見一籃夏天的果子。」祂說:「我以色列子民的結局[a]到了,我不會再饒恕他們。 到那日,殿裡的歌聲要變成哀號;屍橫遍地,一片死寂。這是主耶和華說的。」

踐踏貧民、滅絕窮人的人啊,
你們要聽!
你們盼望朔日[b]和安息日快點過去,
你們好售賣穀物。
你們用小升斗賣糧,
用加重的法碼收銀子,
用假秤騙人。
你們用銀子買貧民,
以一雙鞋買窮人為奴,
售賣摻了糠秕的麥子。

耶和華憑以色列的榮耀起誓:
「我決不會忘記你們的所作所為。
這片土地要因此而震動,
那裡的人都要悲哀。
大地要像尼羅河一樣漲起,如埃及的河流翻騰退落。」
主耶和華說:
「到那日,我要使太陽中午落下,
使白晝變為黑暗。
10 我要使你們的節期變為喪禮,
叫你們的歡歌變為哀歌。
我要使你們都腰束麻布,剃光頭髮;
我要使你們傷心欲絕,如喪獨生子;
我要使那日成為痛苦的日子。」
11 主耶和華說:
「日子將到,我要使饑荒降在地上。
人饑餓非因無餅,乾渴非因無水,
而是因為聽不到耶和華的話。
12 人們從南到北,從東到西[c]
在境內四處流蕩,
要尋找耶和華的話卻找不到。

13 「到那日,

「美麗少女和青春少男都要因乾渴而昏倒;
14 那些憑撒瑪利亞、但和別示巴的神明起誓的,
都要跌倒,永不再起來。」

Footnotes

  1. 8·2 結局」希伯來文中與「夏天的果子」發音相近。
  2. 8·5 朔日」即每月初一。
  3. 8·12 從南到北,從東到西」希伯來文是「從這海到那海,從北到東」。海指西面的地中海和南面的死海。
'Amos 8 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.