Add parallel Print Page Options

Sa araw na iyon, ang masasayang awitan sa templo[a] ay magiging iyakan dahil kakalat ang patay kahit saan. At wala nang maririnig na ingay.[b] Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.”

Ang Kasalanan ng mga Mayayamang Israelita

Makinig kayo, kayong mga nanggigipit sa mga mahihirap at nagtatangkang lipulin sila. Inip na inip kayong matapos ang Pista ng Pagsisimula ng Buwan[c] o Araw ng Pamamahinga para makapagbenta na kayo ng mga inaning butil at makapandaya sa mga mamimili sa pamamagitan ng inyong madayang timbangan at pantakal ng trigo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:3 templo: o, palasyo.
  2. 8:3 At wala nang … ingay: sa literal, Tahimik.
  3. 8:5 Pista ng Pagsisimula ng Buwan: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.