Amos 3:5-7
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
5 Mahuhuli ba ang ibon kung walang pain na inilagay sa bitag? At iigkas ba ang bitag kung walang nahuli? 6 Hindi baʼt nanginginig sa takot ang mga tao sa tuwing patutunugin ang trumpeta na nagpapahiwatig na may paparating na kaaway? Mangyayari ba ang kapahamakan sa isang lungsod kung hindi ito pinahintulutan ng Panginoon?
7 Sa katunayan, hindi gumagawa ng anuman ang Panginoong Dios na hindi muna niya ipinababatid sa kanyang mga lingkod na propeta.
Read full chapter
Amos 3:5-7
Ang Biblia (1978)
5 Malalaglag baga ang ibon sa silo sa ibabaw ng lupa, ng walang silo sa kaniya? lulukso baga ang panghuli mula sa lupa, at walang nahuling anoman?
6 Tutunog baga ang pakakak sa bayan, at ang bayan ay hindi manginginig? (A)sasapit baga ang kasamaan sa bayan, at hindi ginawa ng Panginoon?
7 Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin, (B)kundi kaniyang ihahayag ang kaniyang lihim sa kaniyang mga lingkod na mga propeta.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
