Acts 6
International Children’s Bible
Seven Men Are Chosen
6 More and more people were becoming followers of Jesus. But during this same time, the Greek-speaking followers had an argument with the other Jewish followers. The Greek-speaking Jews said that their widows were not getting their share of the food that was given out every day. 2 The 12 apostles called the whole group of followers together. They said, “It is not right for us to stop our work of teaching God’s word in order to serve tables. 3 So, brothers, choose seven of your own men. They must be men who are good. They must be full of wisdom and full of the Spirit. We will put them in charge of this work. 4 Then we can use all our time to pray and to teach the word of God.”
5 The whole group liked the idea. So they chose these seven men: Stephen (a man with great faith and full of the Holy Spirit), Philip,[a] Procorus, Nicanor, Timon, Parmenas, and Nicolas (a man from Antioch who had become a Jew). 6 Then they put these men before the apostles. The apostles prayed and laid their hands on[b] the men.
7 The word of God was reaching more and more people. The group of followers in Jerusalem became larger and larger. A great number of the Jewish priests believed and obeyed.
Stephen Is Arrested
8 Stephen was richly blessed by God. God gave him the power to do great miracles and signs among the people. 9 But some Jews were against him. They belonged to a synagogue of Free Men[c] (as it was called). (This synagogue was also for Jews from Cyrene and from Alexandria.) Jews from Cilicia and Asia were also with them. They all came and argued with Stephen.
10 But the Spirit was helping him to speak with wisdom. His words were so strong that they could not argue with him. 11 So they paid some men to say, “We heard him say things against Moses and against God!”
12 This upset the people, the Jewish elders, and the teachers of the law. They came to Stephen, grabbed him and brought him to a meeting of the Jewish leaders. 13 They brought in some men to tell lies about Stephen. They said, “This man is always saying things against this holy place and the law of Moses. 14 We heard him say that Jesus from Nazareth will destroy this place. He also said that Jesus will change the things that Moses told us to do.” 15 All the people in the meeting were watching Stephen closely. His face looked like the face of an angel.
Mga Gawa 6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagpili sa Pitong Tagapaglingkod
6 Nang mga araw na patuloy ang pagdami ng mga alagad, nagreklamo ang mga Helenista laban sa mga Hebreo. Ito'y sa dahilang napapabayaan ang kanilang mga babaing balo sa pang-araw-araw na pamamahagi ng ikabubuhay. 2 Tinawag ng labindalawa ang buong kapulungan ng mga alagad, at sinabi, “Hindi nararapat na pabayaan namin ang salita ng Diyos upang maglingkod sa mga hapag. 3 Kaya mga kapatid, pumili kayo sa mga kasamahan ninyo ng pitong lalaking kilalang may mabuting pagkatao, puspos ng Espiritu at ng karunungan, at itatalaga namin sila sa tungkuling ito, 4 habang iuukol namin ang aming sarili sa pananalangin at sa paglilingkod para sa salita.” 5 Nasiyahan ang buong kapulungan sa kanilang sinabi at pinili nila si Esteban, lalaking puspos ng pananampalataya at ng Banal na Espiritu, kasama sina Felipe, Procoro, Nicanor, Timon, Parmenas, at si Nicolas na taga-Antioquia na nahikayat sa Judaismo. 6 Pinatayo sila sa harapan ng mga apostol at sila'y ipinanalangin ng mga ito at pinatungan ng kamay. 7 Patuloy na lumaganap ang salita ng Diyos at mabilis na dumami ang bilang ng mga alagad sa Jerusalem, kabilang ang maraming pari sa mga naging tagasunod ng pananampalataya.
Ang Pagdakip kay Esteban
8 Si Esteban, na puspos ng biyaya at ng kapangyarihan, ay gumawa ng mga dakilang kababalaghan at mga himala sa gitna ng mga taong-bayan. 9 Ngunit nakipagtalo sa kanya ang ilan mula sa sinagoga, na tinatawag na Mga Pinalaya at mga Cireneo, at mga Alejandrino, at mga taga-Cilicia, at taga-Asia. 10 Hindi nila kayang salungatin ang karunungan at ang Espiritu na nagkaloob sa kanya ng kanyang sinasabi. 11 Kaya lihim nilang sinulsulan ang ilang lalaki na sabihing, “Narinig namin siyang nagsasalita ng mga kalapastanganan laban kay Moises at laban sa Diyos.” 12 Sinulsulan din nila ang taong-bayan, maging ang mga matatandang namamahala sa bayan, at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Lumapit sila kay Esteban, pagkatapos ay sinunggaban siya at dinala sa Sanhedrin. 13 Nagharap sila ng mga sinungaling na saksi na nagsabi, “Walang tigil ang taong ito sa pagsasalita laban sa banal na lugar na ito at laban sa Kautusan. 14 Sapagkat narinig naming sinabi niya na gigibain nitong si Jesus na taga-Nazareth ang lugar na ito, at babaguhin ang mga kaugaliang ipinamana sa atin ni Moises.” 15 Nakita ng lahat ng nakaupo sa Sanhedrin na nakatitig sa kanya na ang mukha niya ay tulad ng sa isang anghel.
The Holy Bible, International Children’s Bible® Copyright© 1986, 1988, 1999, 2015 by Thomas Nelson. Used by permission.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.

