2 Tesalonica 1:5-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
5 Nagpapatunay ito ng makatwirang hatol ng Diyos, at ginagawa niya kayong karapat-dapat na makibahagi sa kanyang paghahari, na siya namang dahilan ng inyong pagdurusa. 6 Tunay na makatarungan ang Diyos at parurusahan niya ang mga taong nagpapahirap sa inyo. 7 Siya rin ang magbibigay ng ginhawa sa inyo at sa amin na mga dumaranas ng pagtitiis. Magaganap ito kapag nahayag na ang Panginoong Jesus mula sa langit kasama ang kanyang mga makapangyarihang anghel. 8 Darating siya sa gitna ng naglalagablab na apoy at magpaparusa sa lahat ng hindi kumikilala sa Diyos at hindi sumusunod sa ebanghelyo ng ating Panginoong Jesus. 9 Ang parusang igagawad sa kanila'y walang-hanggang kapahamakan, at ihihiwalay sila sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan. 10 Mangyayari ito sa araw ng kanyang pagdating upang tanggapin ang mga papuri mula sa kanyang mga banal at tanggapin ang mga parangal ng lahat ng mga nananalig sa kanya. Kabilang kayo roon sapagkat pinaniwalaan ninyo ang aming patotoo.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.