Add parallel Print Page Options

Sa harap ng Diyos at ni Cristo Jesus, na siyang hahatol sa mga buháy at sa mga patay sa kanyang pagdating bilang hari, itinatagubilin ko ito sa iyo: ipangaral mo ang salita; pagsikapan mo iyan umaayon man ang panahon o hindi. Ituwid mo ang mga tao, sawayin sila, palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng iyong matiyagang pagtuturo. Sapagkat darating ang panahon na hindi makikinig ang mga tao sa wastong aral. Sa halip, upang masunod ang kanilang kagustuhan, maghahanap sila ng mga gurong magtuturo sa kanila ng mga gusto nilang marinig. Tatalikod sila sa pakikinig sa katotohanan at babaling sa pakikinig ng mga alamat. Kaya magpakahinahon ka, tiisin mo ang mga kahirapan, gampanan mo ang gawain ng isang ebanghelista, at pagbutihin mo ang iyong paglilingkod.

Dumating na ang panahon ng aking pagpanaw. Ibinuhos na ang aking buhay tulad ng isang inuming-handog. Nakipaglaban ako nang mabuti, natapos ko na ang aking takbuhin, nanatili ako sa pananampalataya. Ngayon ay nakalaan na sa akin ang koronang inilaan sa mga matuwid, na sa araw na iyon ay igagawad sa akin ng Panginoon, ang makatarungang hukom. Ngunit ito'y hindi lamang sa akin, kundi sa lahat ng nananabik sa kanyang muling pagdating.

Mga Personal na Tagubilin

Sikapin mong makapunta rito sa akin sa lalong madaling panahon. 10 Iniwan (A) na ako ni Demas, dahil sa kanyang pag-ibig sa kasalukuyang buhay. Pumunta siya sa Tesalonica. Si Crescente nama'y nagtungo sa Galacia, at si Tito ay sa Dalmacia. 11 Si (B) Lucas na lamang ang kasama ko. Himukin mong sumama sa iyo si Marcos papunta rito, sapagkat malaking tulong siya sa aking gawain. 12 Pinapunta (C) ko si Tiquico sa Efeso. 13 Dalhin (D) mo rito ang aking balabal na iniwan ko kay Carpo sa Troas. Dalhin mo rin ang aking mga aklat, lalo na iyong mga yari sa balat. 14 Napakasama (E) ng ginawa sa akin ng panday-tansong si Alejandro. Ang Panginoon na ang bahalang gumanti sa kanyang ginawa. 15 Mahigpit ang pagtutol niya sa ating ipinapangaral, kaya mag-ingat ka sa kanya. 16 Sa unang paglilitis ay walang sumama sa akin; pinabayaan ako ng lahat. Huwag nawa itong ibilang ng Panginoon laban sa kanila. 17 Ngunit hindi ako pinabayaan ng Panginoon! Sinamahan niya ako at binigyan ng lakas upang maipahayag ang mensahe at mapakinggan ito ng lahat ng mga Hentil. At gaya ng pagkaligtas mula sa bibig ng leon, ako'y naligtas mula sa tiyak na kamatayan. 18 Ang Panginoon ang magliligtas sa akin sa bawat masamang gawa at siya rin ang maghahatid sa akin sa kanyang kaharian sa langit. Sa kanya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen.

Huling Pagbati at Basbas

19 Ikumusta (F) mo ako kina Priscila at Aquila at sa sambahayan ni Onesiforo. 20 Nanatili (G) si Erasto sa Corinto, si Trofimo naman ay iniwan kong maysakit sa Mileto. 21 Pilitin mong makapunta dito bago magtaglamig. Kinukumusta ka nina Eubulo, Pudente, Lino, Claudia, at ng lahat ng mga kapatid. 22 Sumaiyo nawa ang Panginoon.[a] Sumainyo ang lahat ng biyaya ng Diyos.[b]

Footnotes

  1. 2 Timoteo 4:22 Sa Griyego, sumaiyong Espiritu.
  2. 2 Timoteo 4:22 Sa ibang mga kasulatan ay mayroong Amen.

(A)Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios, at ni Cristo Jesus, na siyang huhukom sa mga buhay at sa mga patay, sa pamamagitan ng (B)kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian:

Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, (C)sumaway ka, (D)mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo.

Sapagka't darating ang panahon (E)na hindi nila titiisin ang (F)magaling na aral; (G)kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita;

At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga (H)ibabaling sa katha.

Nguni't ikaw ay (I)magpigil sa lahat ng mga bagay, (J)magtiis ka ng mga kahirapan, gawin mo ang gawa (K)ng evangelista, ganapin mo ang iyong ministerio.

Sapagka't (L)ako'y iniaalay na, at ang panahon ng (M)aking pagpanaw ay dumating na.

(N)Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, (O)natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya:

Buhat ngayon ay natataan (P)sa akin (Q)ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom (R)sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita.

Magsikap kang pumarini na madali sa akin:

10 Sapagka't ako'y pinabayaan ni (S)Demas, palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito, at napasa Tesalonica; si Crescente ay napasa Galacia, at si (T)Tito ay sa Dalmacia.

11 Si Lucas (U)lamang ang kasama ko. (V)Kaunin mo si Marcos, at ipagsama mo; sapagka't siya'y napapakinabangan ko sa ministerio.

12 Datapuwa't si (W)Tiquico ay sinugo ko sa Efeso.

13 Ang balabal na aking iniwan sa Troas kay Carpo ay iyong dalhin pagparini mo, at ang mga aklat, lalong lalo na ang mga pergamino.

14 Si Alejandro na panday-tanso ay ginawan (X)ako ng lubhang masama: gagantihan siya ng Panginoon ayon sa kaniyang mga gawa:

15 Magingat ka rin naman sa kaniya; sapagka't totoong kaniyang sinalangsang ang aming mga salita.

16 Sa aking unang (Y)pagsasanggalang sinoman ay walang kumampi sa akin, bagkus pinabayaan ako ng lahat: huwag nawang ibilang sa kanila ito.

17 Datapuwa't (Z)ang Panginoon ay sumaakin, at ako'y pinalakas; upang sa pamamagitan ko ang mabuting balita ay maitanyag ng ganap, at upang mapakinggan ng lahat ng mga Gentil: at (AA)ako'y iniligtas sa bibig ng leon.

18 Ako'y ililigtas ng Panginoon sa bawa't gawa ng masama, at ako'y kaniyang iingatan sa kaniyang kaharian sa langit: na sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.

19 Batiin mo (AB)si Prisca at si Aquila, at ang sangbahayan (AC)ni Onesiforo.

20 Si (AD)Erasto ay natira sa Corinto; datapuwa't si (AE)Trofimo ay iniwan kong may-sakit sa (AF)Mileto.

21 (AG)Magsikap kang pumarini bago magtaginaw. Binabati ka ni Eubulo, at ni Pudente, at ni Lino, at ni Claudia, at ng lahat ng mga kapatid.

22 Ang Panginoon nawa'y (AH)sumainyong espiritu. Ang biyaya nawa'y sumainyo.

Inuutusan kita sa harap ng Diyos at sa harapan ng Panginoong Jesucristo, na siyang hahatol sa mga buhay at sa mga patay sa kaniyang pagpapakita at paghahari. Ipangaral mo ang salita. Maging handa ka sa mabuting panahon o sa hindi mabuting panahon. Manumbat ka, magsaway ka, manghi­kayat kang may katapatan at pagtuturo. Ito ay sapagkat ang panahon ay darating na ang mga tao ay ayaw nang tumanggap ng mabuting katuruan. Sa halip, ayon sa kanilang mga sariling pagnanasa, mag-iipon sila ng mga guro para sa kanilangmga sarili. Magtuturo sila kung ano ang nais ng kanilang nangangating tainga. Itatalikod nila ang kanilang mga tainga mula sa katotohanan. Babaling sila sa mga alamat. Ngunit ikaw, maging maayos ang iyong pag-iisip sa lahat ng mga bagay. Tiisin mo ang lahat ng kahirapan. Gawin mo ang gawain ng isang mangangaral ng ebanghelyo. Ganapin mong lubusan ang iyong paglilingkod.

Ito ay sapagkat ibinuhos na ako tulad ng isang handog. Sumapit na ang panahon ng aking pag-alis. Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka. Natapos ko na ang takbuhin. Naingatan kong lubusan ang pananampalataya. Kaya nga, ang Diyos ay naglaan para sa akin sa itaas ng isang gantimpalang putong ng katuwiran. Ang Panginoon na siyang matuwid na tagahatol ang magbibigay sa akin nito sa araw na iyon, at hindi lamang sa akin, kundi sa kanila na nagmamahal sa kaniyang pagpapakita.

Mga Sariling Habilin

Sikapin mong makaparito sa akin sa lalong madaling panahon.

10 Ito ay sapagkat pinabayaan ako ni Demas at siya ay pumunta sa Tesalonica dahil inibig niya ang kasalukuyang sanlibutang ito. Si Cresente ay pumunta sa Galacia. Si Tito ay pumunta sa Dalmacia. 11 Si Lucas lamang ang naiwang kasama ko. Si Marcos ay isama mo sa iyong pagparito sapagkat siya ay mahalaga sa akin para sa paglilingkod. 12 Ngunit si Tiquico ay pinapunta ko sa Efeso. 13 Sa pagparito mo, dalhin mo ang balabal na aking iniwan kay Carpo sa Troas at ang mga aklat, lalong lalo na ang mga balat ng hayop na sinusulatan.

14 Ginawan ako ng napakaraming kasamaan ni Alexander na panday. Gantihan nawa siya ng Panginoon ayon sa kaniyang mga gawa. 15 Mag-ingat ka sa kaniya sapagkat mahigpit niyang sinalungat ang aming mga salita.

16 Sa aking unang pagtatanggol, walang sinumang sumama sa akin sa halip ay pinabayaan ako ng lahat. Huwag nawa itong ibilang laban sa kanila. 17 Ngunit ang Panginoon ang kasama ko at nagbigay sa akin ng kakayanan upang makapangaral ako ng lubusan at upang marinig ito ng mga Gentil. Sinagip niya ako mula sa bibig ng leon. 18 At sasagipin ako ng Panginoon mula sa lahat ng masasamang gawa. Ililigtas niya ako para sa kaniyang makalangit na paghahari. Sumakaniya ang kaluwal­hatian magpa­kailan pa man. Siya nawa.

Panghuling Pagbati

19 Batiin mo sina Priscila at Aquila at ang mga tao sa sambahayan ni Onesiforo.

20 Si Erasto ay nanatili sa Corinto. Dahil si Trofimo ay may sakit, iniwan ko siya sa Mileto. 21 Sikapin mong makaparito bago mag-taglamig. Binabati ka nina Eubulo, Pudente, Lino, Claudia at lahat ng mga kapatid.

22 Sumaiyong espiritu nawa ng Panginoong Jesucristo. Sumaiyo ang biyaya. Siya nawa!