2 Timoteo 2
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Mabuting Kawal ni Cristo Jesus
2 Kaya nga, anak ko, magpakatatag ka sa pamamagitan ng biyaya na nakay Cristo Jesus. 2 Ang mga bagay na narinig mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay ipagkatiwala mo rin sa mga mapagkakatiwalaan at may kakayahang magturo sa iba. 3 Makihati ka sa mga paghihirap tulad ng isang mabuting kawal ni Cristo Jesus. 4 Hindi pinag-aabalahan ng isang kawal ang mga bagay na walang kinalaman sa pagiging kawal, upang mabigyan niya ng kasiyahan ang kanyang pinuno. 5 Gayundin naman, hindi magwawagi ang isang manlalaro kung hindi siya susunod sa mga alituntunin. 6 Ang masipag na magsasaka ang siyang dapat unang makinabang sa kanyang ani. 7 Isipin mong mabuti ang sinasabi ko sapagkat tutulungan ka ng Panginoon na maunawaan ang lahat.
8 Alalahanin mo si Jesu-Cristo na muling binuhay at nagmula sa angkan ni David, ayon sa ebanghelyong ipinapangaral ko. 9 Ito ang dahilan ng aking pagdurusa at pagkabilanggo, na parang ako'y isang kriminal. Ngunit hindi maaaring ibilanggo ang salita ng Diyos. 10 Dahil dito, tinitiis ko ang lahat alang-alang sa mga hinirang, upang makamit nila ang kaligtasan na matatagpuan kay Cristo Jesus na nagdudulot ng kaluwalhatiang walang hanggan. 11 Mapagkakatiwalaan ang salitang ito:
Kung tayo'y namatay na kasama niya, mabubuhay rin tayong kasama niya;
12 kung (A) tayo'y makapagtitiis, maghahari naman tayong kasama niya;
kapag siya'y ating ikakaila, ikakaila rin niya tayo;
13 kung tayo ma'y hindi nanatiling tapat, siya'y nananatiling tapat;
sapagkat hindi niya magagawang ikaila ang kanyang sarili.
14 Ipaalala mo sa kanila ang mga ito, at sa harap ng Diyos[a] ay pagbilinan mo sila na umiwas sa pagtatalo tungkol sa kahulugan ng mga salita. Wala itong ibinubungang mabuti at sa halip ay nagpapahamak lamang sa mga nakikinig.
Ang Manggagawa ng Diyos
15 Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, isang manggagawang walang anumang dapat ikahiya, at matapat sa pagtuturo ng katotohanan. 16 Iwasan mo ang mga usapang walang kabuluhan, sapagkat lalo lang magtutulak ito sa mga tao sa higit pang kasamaan. 17 Ang mga salita ng mga gumagawa nito'y gaya ng kanser na kumakalat sa katawan. Kasama sa mga ito sina Himeneo at Fileto. 18 Lumihis sila sa katotohanan at sinasabing ang muling pagkabuhay ay naganap na. Sinisira nila ang pananampalataya ng iba. 19 Ngunit (B) matibay ang saligang itinatag ng Diyos, at doo'y nakatatak: “Kilala ng Panginoon kung sino ang sa kanya,” at, “Lumayo sa kasamaan ang bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon.” 20 Sa isang malaking bahay ay may mga sisidlang yari sa ginto at pilak, ngunit mayroon din namang yari sa kahoy at putik. Ang iba'y para sa marangyang paggagamitan, at ang iba'y para sa karaniwan. 21 Sinumang naglilinis ng kanyang sarili mula sa kasamaan ay tulad ng mga sisidlang natatangi, malinis, at karapat-dapat gamitin ng may-ari para sa lahat ng mabuting gawain. 22 Layuan mo ang masasamang pagnanasa ng kabataan. Pagsikapan mong mabuhay ka sa katuwiran, pananampalataya, pag-ibig, at kapayapaan, kasama ng mga tumatawag sa Panginoon mula sa pusong dalisay. 23 Iwasan mo ang mga hangal at walang kabuluhang pakikipagtalo. Alam mo namang nagbubunga lang ang mga iyan ng pag-aaway. 24 Ang lingkod ng Panginoon ay hindi dapat makipag-away, sa halip, dapat siyang mabait sa lahat, mahusay magturo at matiyaga. 25 Mahinahon niyang pinapangaralan ang mga sumasalungat sa kanya, sa pag-asang pagkakalooban sila ng Diyos ng pagkakataong magsisi tungo sa pagkakilala sa katotohanan. 26 Sa gayon, matatauhan sila at makakawala sa bitag ng diyablo na bumihag sa kanila upang gawin ang kanyang kalooban.[b]
Footnotes
- 2 Timoteo 2:14 Sa ibang matandang kasulatan, Panginoon.
- 2 Timoteo 2:26 upang gawin ang kanyang kalooban o sa pamamagitan niya, upang gawin ang kalooban ng Diyos.
2 Timoteo 2
Ang Dating Biblia (1905)
2 Ikaw nga, anak ko, magpakalakas ka sa biyayang nasa kay Cristo Jesus.
2 At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.
3 Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus.
4 Sinomang kawal na nasa pagkakawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito; upang siya'y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal.
5 At kung ang sinoman ay makikipaglaban naman sa mga laro, ay hindi pinuputungan maliban na kung makipaglabang matuwid.
6 Ang magsasaka na nagpapagal ay siyang kailangang unang makabahagi sa mga bunga.
7 Isipin mo ang sinasabi ko; sapagka't bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay.
8 Alalahanin mo si Jesucristo na muling nabuhay sa mga patay, sa binhi ni David, ayon sa aking evangelio:
9 Na siyang pinagtitiisan ko ng kahirapan sa mga tanikala, na tulad sa tampalasan; nguni't ang salita ng Dios ay hindi natatanikalaan.
10 Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay dahil sa mga hinirang, upang kamtan naman nila ang pagkaligtas na nasa kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan.
11 Tapat ang pasabi: Sapagka't kung tayo'y nangamatay na kalakip niya, ay mangabubuhay naman tayong kasama niya:
12 Kung tayo'y mangagtiis, ay mangaghahari naman tayong kasama niya: kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo:
13 Kung tayo'y hindi mga tapat, siya'y nananatiling tapat; sapagka't hindi makapagkakaila sa kaniyang sarili.
14 Ipaalaala mo sa kanila ang mga bagay na ito, na sila'y pagbilinan sa paningin ng Panginoon, na sila'y huwag makipagtalo tungkol sa mga salitaan na hindi mapapakinabangan, sa ikapapahamak ng mga nakikinig.
15 Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan.
16 Datapuwa't ilagan mo ang mga usapang walang kabuluhan: sapagka't sila'y lalong magpapatuloy sa kasamaan,
17 At ang kanilang salita ay kakalat na gaya ng ganggrena: na sa mga ito ay si Himeneo at si Fileto;
18 Na mga taong tungkol sa katotohanan ay nangasinsay, na sinasabing ang pagkabuhay na maguli ay nakaraan na, at ginugulo ang pananampalataya ng iba.
19 Gayon ma'y ang matibay na pinagsasaligan ng Dios ay nananatili na may tatak nito, Nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya: at, Lumayo sa kalikuan ang bawa't isa na sumasambitla ng pangalan ng Panginoon.
20 Datapuwa't sa isang malaking bahay ay hindi lamang may mga sisidlang ginto at pilak, kundi mayroon din namang kahoy at lupa; at ang iba'y sa ikapupuri, at ang iba'y sa ikasisirang-puri.
21 Kung ang sinoman nga ay malinis sa alin man sa mga ito, ay magiging sisidlang ikapupuri, pinakabanal, marapat gamitin ng mayari, nahahanda sa lahat ng gawang mabuti.
22 Datapuwa't layuan mo ang masasamang pita ng kabinataan, at sundin mo ang kabanalan, ang pananampalataya, ang pagibig, ang kapayapaan, kasama ng mga nagsisitawag sa Panginoon mula sa pusong malinis.
23 Nguni't tanggihan mo ang mga usapang walang kabuluhan at hangal, yamang nalalaman mo na namumunga ng mga pagtatalo.
24 At ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo, kundi maamo sa lahat, sapat na makapagturo, matiisin,
25 Na sawaying may kaamuan ang mga nagsisisalangsang; baka sakaling sila'y pagkalooban ng Dios ng pagsisisi sa ikaaalam ng katotohanan,
26 At sila'y makawala sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban.
2 Timoteo 2
Ang Biblia (1978)
2 Ikaw nga, (A)anak ko, (B)magpakalakas ka sa biyayang nasa kay Cristo Jesus.
2 At (C)ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, (D)ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.
3 (E)Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na (F)gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus.
4 Sinomang kawal na nasa pagkakawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito; upang siya'y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal.
5 At kung ang sinoman ay (G)makikipaglaban naman sa mga laro, ay hindi (H)pinuputungan maliban na kung makipaglabang matuwid.
6 Ang magsasaka na nagpapagal (I)ay siyang kailangang unang makabahagi sa mga bunga.
7 Isipin mo ang sinasabi ko; sapagka't bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay.
8 Alalahanin mo si Jesucristo na (J)muling nabuhay sa mga patay, sa binhi ni David, ayon sa aking evangelio:
9 Na siyang pinagtitiisan ko ng kahirapan (K)sa mga tanikala, na tulad sa tampalasan; (L)nguni't ang salita ng Dios ay hindi natatanikalaan.
10 Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay (M)dahil sa (N)mga hinirang, upang kamtan naman nila ang pagkaligtas na nasa kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan.
11 (O)Tapat ang pasabi: (P)Sapagka't kung tayo'y nangamatay na kalakip niya, ay mangabubuhay naman tayong kasama niya:
12 (Q)Kung tayo'y mangagtiis, ay (R)mangaghahari naman tayong kasama niya: (S)kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo:
13 Kung tayo'y hindi mga tapat, (T)siya'y nananatiling tapat; sapagka't (U)hindi makapagkakaila sa kaniyang sarili.
14 Ipaalaala mo sa kanila ang mga bagay na ito, na sila'y pagbilinan sa paningin ng Panginoon, (V)na sila'y huwag makipagtalo tungkol sa mga salitaan na hindi mapapakinabangan, sa ikapapahamak ng mga nakikinig.
15 Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan.
16 Datapuwa't (W)ilagan mo ang mga usapang walang kabuluhan: sapagka't sila'y lalong magpapatuloy sa kasamaan,
17 At ang kanilang salita ay kakalat na gaya ng ganggrena: na sa mga ito ay si (X)Himeneo at si Fileto;
18 Na mga taong tungkol sa katotohanan ay nangasinsay, na sinasabing ang pagkabuhay na maguli ay nakaraan na, at ginugulo ang pananampalataya ng iba.
19 Gayon ma'y ang matibay na pinagsasaligan ng Dios ay nananatili na may tatak nito, Nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya: at, (Y)Lumayo sa kalikuan ang bawa't isa na sumasambitla ng pangalan ng Panginoon.
20 Datapuwa't sa isang malaking bahay ay (Z)hindi lamang may mga sisidlang ginto at pilak, kundi mayroon din namang kahoy at (AA)lupa; (AB)at ang iba'y sa ikapupuri, at ang iba'y sa ikasisirang-puri.
21 Kung ang sinoman nga ay malinis sa alin man sa mga ito, ay magiging sisidlang ikapupuri, pinakabanal, marapat gamitin ng mayari, nahahanda sa lahat ng gawang mabuti.
22 Datapuwa't layuan mo ang masasamang pita ng kabinataan, at (AC)sundin mo ang kabanalan, ang pananampalataya, ang pagibig, ang kapayapaan, kasama ng mga (AD)nagsisitawag sa Panginoon mula sa pusong malinis.
23 Nguni't tanggihan mo ang mga usapang (AE)walang kabuluhan at hangal, yamang nalalaman mo na namumunga ng mga pagtatalo.
24 At (AF)ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo, kundi maamo sa lahat, (AG)sapat na makapagturo, matiisin,
25 Na sawaying may kaamuan ang mga nagsisisalangsang; baka sakaling sila'y pagkalooban ng Dios ng pagsisisi (AH)sa ikaaalam ng katotohanan,
26 At (AI)sila'y makawala sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban.
2 Timothy 2
New International Version
The Appeal Renewed
2 You then, my son,(A) be strong(B) in the grace that is in Christ Jesus. 2 And the things you have heard me say(C) in the presence of many witnesses(D) entrust to reliable people who will also be qualified to teach others. 3 Join with me in suffering,(E) like a good soldier(F) of Christ Jesus. 4 No one serving as a soldier gets entangled in civilian affairs, but rather tries to please his commanding officer. 5 Similarly, anyone who competes as an athlete does not receive the victor’s crown(G) except by competing according to the rules. 6 The hardworking farmer should be the first to receive a share of the crops.(H) 7 Reflect on what I am saying, for the Lord will give you insight into all this.
8 Remember Jesus Christ, raised from the dead,(I) descended from David.(J) This is my gospel,(K) 9 for which I am suffering(L) even to the point of being chained(M) like a criminal. But God’s word(N) is not chained. 10 Therefore I endure everything(O) for the sake of the elect,(P) that they too may obtain the salvation(Q) that is in Christ Jesus, with eternal glory.(R)
11 Here is a trustworthy saying:(S)
If we died with him,
we will also live with him;(T)
12 if we endure,
we will also reign with him.(U)
If we disown him,
he will also disown us;(V)
13 if we are faithless,
he remains faithful,(W)
for he cannot disown himself.
Dealing With False Teachers
14 Keep reminding God’s people of these things. Warn them before God against quarreling about words;(X) it is of no value, and only ruins those who listen. 15 Do your best to present yourself to God as one approved, a worker who does not need to be ashamed and who correctly handles the word of truth.(Y) 16 Avoid godless chatter,(Z) because those who indulge in it will become more and more ungodly. 17 Their teaching will spread like gangrene. Among them are Hymenaeus(AA) and Philetus, 18 who have departed from the truth. They say that the resurrection has already taken place,(AB) and they destroy the faith of some.(AC) 19 Nevertheless, God’s solid foundation stands firm,(AD) sealed with this inscription: “The Lord knows those who are his,”(AE) and, “Everyone who confesses the name of the Lord(AF) must turn away from wickedness.”
20 In a large house there are articles not only of gold and silver, but also of wood and clay; some are for special purposes and some for common use.(AG) 21 Those who cleanse themselves from the latter will be instruments for special purposes, made holy, useful to the Master and prepared to do any good work.(AH)
22 Flee the evil desires of youth and pursue righteousness, faith, love(AI) and peace, along with those who call on the Lord(AJ) out of a pure heart.(AK) 23 Don’t have anything to do with foolish and stupid arguments, because you know they produce quarrels.(AL) 24 And the Lord’s servant must not be quarrelsome but must be kind to everyone, able to teach, not resentful.(AM) 25 Opponents must be gently instructed, in the hope that God will grant them repentance leading them to a knowledge of the truth,(AN) 26 and that they will come to their senses and escape from the trap of the devil,(AO) who has taken them captive to do his will.
2 Timothy 2
King James Version
2 Thou therefore, my son, be strong in the grace that is in Christ Jesus.
2 And the things that thou hast heard of me among many witnesses, the same commit thou to faithful men, who shall be able to teach others also.
3 Thou therefore endure hardness, as a good soldier of Jesus Christ.
4 No man that warreth entangleth himself with the affairs of this life; that he may please him who hath chosen him to be a soldier.
5 And if a man also strive for masteries, yet is he not crowned, except he strive lawfully.
6 The husbandman that laboureth must be first partaker of the fruits.
7 Consider what I say; and the Lord give thee understanding in all things.
8 Remember that Jesus Christ of the seed of David was raised from the dead according to my gospel:
9 Wherein I suffer trouble, as an evil doer, even unto bonds; but the word of God is not bound.
10 Therefore I endure all things for the elect's sakes, that they may also obtain the salvation which is in Christ Jesus with eternal glory.
11 It is a faithful saying: For if we be dead with him, we shall also live with him:
12 If we suffer, we shall also reign with him: if we deny him, he also will deny us:
13 If we believe not, yet he abideth faithful: he cannot deny himself.
14 Of these things put them in remembrance, charging them before the Lord that they strive not about words to no profit, but to the subverting of the hearers.
15 Study to shew thyself approved unto God, a workman that needeth not to be ashamed, rightly dividing the word of truth.
16 But shun profane and vain babblings: for they will increase unto more ungodliness.
17 And their word will eat as doth a canker: of whom is Hymenaeus and Philetus;
18 Who concerning the truth have erred, saying that the resurrection is past already; and overthrow the faith of some.
19 Nevertheless the foundation of God standeth sure, having this seal, The Lord knoweth them that are his. And, let every one that nameth the name of Christ depart from iniquity.
20 But in a great house there are not only vessels of gold and of silver, but also of wood and of earth; and some to honour, and some to dishonour.
21 If a man therefore purge himself from these, he shall be a vessel unto honour, sanctified, and meet for the master's use, and prepared unto every good work.
22 Flee also youthful lusts: but follow righteousness, faith, charity, peace, with them that call on the Lord out of a pure heart.
23 But foolish and unlearned questions avoid, knowing that they do gender strifes.
24 And the servant of the Lord must not strive; but be gentle unto all men, apt to teach, patient,
25 In meekness instructing those that oppose themselves; if God peradventure will give them repentance to the acknowledging of the truth;
26 And that they may recover themselves out of the snare of the devil, who are taken captive by him at his will.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

