Add parallel Print Page Options

10 Dahil dito, tinitiis ko ang lahat ng paghihirap alang-alang sa mga pinili ng Dios, para makamtan din nila ang kaligtasang nakay Cristo Jesus at ang buhay na walang hanggan. 11 Totoo ang kasabihang,

    “Kung namatay tayong kasama niya,
    mabubuhay din tayong kasama niya.
12 Kung magtitiis tayo,
    maghahari rin tayong kasama niya.
    Kung itatakwil natin siya,
    itatakwil din niya tayo.

Read full chapter

10 Dahil dito, tinitiis ko ang lahat alang-alang sa mga hinirang, upang makamit nila ang kaligtasan na matatagpuan kay Cristo Jesus na nagdudulot ng kaluwalhatiang walang hanggan. 11 Mapagkakatiwalaan ang salitang ito:

Kung tayo'y namatay na kasama niya, mabubuhay rin tayong kasama niya;
12 kung (A) tayo'y makapagtitiis, maghahari naman tayong kasama niya;
    kapag siya'y ating ikakaila, ikakaila rin niya tayo;

Read full chapter