Add parallel Print Page Options

Siya ang nagligtas at tumawag sa atin tungo sa banal na pamumuhay. Ginawa niya ito, hindi dahil sa anumang nagawa natin kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang-loob na ibinigay niya sa atin kay Cristo Jesus bago pa nagsimula ang panahon. 10 Nahayag na ito ngayon nang dumating si Cristo Jesus na ating Tagapagligtas. Ginapi niya ang kamatayan at ang liwanag ng buhay na walang kamatayan sa pamamagitan ng ebanghelyo. 11 Dahil (A) sa ebanghelyong ito, ako'y itinalagang tagapangaral, apostol at guro.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Timoteo 1:11 Sa ibang mga kasulatan ay may karugtong na ng mga Hentil.