2 Tesalonica 3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ipanalangin Ninyo Kami
3 At ngayon, mga kapatid, ipanalangin nʼyo kami para lumaganap nang mabilis ang salita ng Panginoon at malugod na tanggapin sa iba pang mga lugar, katulad ng pagtanggap ninyo. 2 Ipanalangin nʼyo rin na maligtas kami sa mga masasama at makasalanang tao; dahil hindi lahat ng taoʼy naniniwala sa itinuturo namin. 3 Pero tapat ang Panginoon; bibigyan niya kayo ng lakas at iingatan laban sa diyablo. 4 Dahil sa Panginoon, nagtitiwala kaming ginagawa nʼyo at patuloy na gagawin ang mga ibinilin namin. 5 Gabayan nawa kayo ng Panginoon para makita sa inyo ang pag-ibig ng Dios at katatagan ni Cristo.
Tungkol sa Katamaran
6 Mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, iniuutos namin sa inyo na layuan nʼyo ang sinumang kapatid na tamad at hindi sumusunod sa mga ipinangaral namin sa inyo. 7 Sapagkat alam naman ninyo na dapat nʼyo kaming tularan dahil hindi kami naging tamad noong nariyan pa kami. 8 Hindi kami tumanggap ng pagkain mula sa inyo nang hindi namin binayaran. Sa halip, nagtrabaho kami araw at gabi para hindi kami maging pabigat kaninuman sa inyo. 9 Ginawa namin ito, hindi dahil wala kaming karapatang tumanggap ng tulong galing sa inyo, kundi para bigyan kayo ng halimbawa para sundin ninyo. 10 Nang kasama nʼyo pa kami, sinabi namin sa inyo na huwag pakainin ang sinumang ayaw magtrabaho.
11 Binabanggit namin ito dahil nabalitaan namin na ang ilan sa inyo ay tamad, ayaw magtrabaho, at walang ginagawa kundi makialam sa buhay ng iba. 12 Kaya sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo, mahigpit naming inuutusan ang mga taong ito na maghanapbuhay at huwag makialam sa buhay ng iba.
13 At sa inyo naman, mga kapatid, huwag kayong magsawa sa paggawa ng mabuti. 14 Kung mayroon mang ayaw sumunod sa mga sinabi namin sa sulat na ito, tandaan nʼyo kung sino siya at iwasan para mapahiya siya. 15 Ngunit huwag nʼyo siyang ituring na kaaway, kundi paalalahanan siya bilang kapatid.
Paalam at Bendisyon
16 Nawaʼy ang Panginoon na pinagmumulan ng kapayapaan ang siya ring magbigay sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng pagkakataon, maging anuman ang kalagayan ninyo. At patnubayan nawa kayong lahat ng Panginoon.
17 Akong si Pablo ang mismong sumusulat ng pagbating ito: Binabati ko kayong lahat. Ganito ang ginagamit kong paraan sa lahat ng sulat ko para malaman nʼyo na ako nga ang sumulat. 18 Pagpalain nawa kayong lahat ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
2 Tesalonica 3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Kahilingang Panalangin
3 Bilang pangwakas, mga kapatid, ipanalangin ninyo kami upang ang salita ng Panginoon ay mabilis na lumaganap at pahalagahan ng lahat, tulad ng nangyari sa inyo. 2 Idalangin din ninyong mailigtas kami mula sa mga taong masasama at makasalanan. Hindi naman lahat ay sumasampalataya. 3 Ngunit tapat ang Panginoon; siya ang magpapalakas sa inyo at magbabantay sa inyo laban sa Masama. 4 Nagtitiwala kami sa Panginoon na ginagawa ninyo at patuloy na sinusunod ang mga iniutos namin. 5 Gabayan nawa ng Panginoon ang inyong kalooban tungo sa pag-ibig ng Diyos at pagpupunyagi ni Cristo.
Babala Laban sa Katamaran
6 Mga kapatid, inuutusan namin kayo sa ngalan ng Panginoong Jesu-Cristo na umiwas sa sinumang kapatid na tamad at hindi namumuhay ayon sa itinuro namin sa inyo. 7 Alam naman ninyong dapat ninyo kaming tularan. Hindi kami naging tamad nang kami'y kasama ninyo. 8 Hindi kami kumain ng tinapay ng sinuman nang hindi nagbabayad. Nagtrabaho kami gabi't araw upang hindi kami makabigat kaninuman sa inyo. 9 Ginawa namin ito hindi dahil sa wala kaming karapatan sa inyong tulong, kundi upang bigyan kayo ng halimbawang dapat ninyong sundan. 10 Noon pa mang kasama ninyo kami'y ganito na ang iniutos namin sa inyo: Huwag ninyong pakainin ang sinumang ayaw magtrabaho. 11 Binanggit namin ito dahil nabalitaan namin na ang ilan sa inyo'y tamad at ayaw magtrabaho. Wala silang inaatupag kundi ang makialam sa buhay ng may buhay. 12 Alang-alang sa Panginoon, inuutusan namin ang mga ganoong tao na magtrabaho nang maayos para sa sarili nilang ikabubuhay. 13 Para sa inyo, mga kapatid, huwag kayong mapapagod sa paggawa ng mabuti. 14 Tandaan ninyo ang sinuman na ayaw sumunod sa tagubilin namin sa sulat na ito. Iwasan ninyo siya upang siya'y mapahiya. 15 Ngunit huwag naman ninyo siyang ituring na kaaway; sa halip ay paalalahanan ninyo siya bilang kapatid.
Pagpapala
16 Ang Panginoon na bukal ng kapayapaan ang siya nawang magkaloob sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng paraan at pagkakataon. Sumainyong lahat ang Panginoon.
17 Ako mismong si Pablo ang sumulat ng pagbating ito. Ito ang tanda sa lahat ng aking mga liham. Ganito akong sumulat. 18 Ang kagandahang-loob ng Panginoong Jesu-Cristo ang sumainyong lahat.
2 Thessalonians 3
New King James Version
Pray for Us
3 Finally, brethren, (A)pray for us, that the word of the Lord may run swiftly and be glorified, just as it is with you, 2 and (B)that we may be delivered from unreasonable and wicked men; (C)for not all have faith.
3 But (D)the Lord is faithful, who will establish you and (E)guard you from the evil one. 4 And (F)we have confidence in the Lord concerning you, both that you do and will do the things we command you.
5 Now may (G)the Lord direct your hearts into the love of God and into the patience of Christ.
Warning Against Idleness
6 But we command you, brethren, in the name of our Lord Jesus Christ, (H)that you withdraw (I)from every brother who walks (J)disorderly and not according to the tradition which [a]he received from us. 7 For you yourselves know how you ought to follow us, for we were not disorderly among you; 8 nor did we eat anyone’s bread [b]free of charge, but worked with (K)labor and toil night and day, that we might not be a burden to any of you, 9 not because we do not have (L)authority, but to make ourselves an example of how you should follow us.
10 For even when we were with you, we commanded you this: If anyone will not work, neither shall he eat. 11 For we hear that there are some who walk among you in a disorderly manner, not working at all, but are (M)busybodies. 12 Now those who are such we command and [c]exhort through our Lord Jesus Christ (N)that they work in quietness and eat their own bread.
13 But as for you, brethren, (O)do not grow weary in doing good. 14 And if anyone does not obey our word in this [d]epistle, note that person and (P)do not keep company with him, that he may be ashamed. 15 (Q)Yet do not count him as an enemy, (R)but [e]admonish him as a brother.
Benediction
16 Now may (S)the Lord of peace Himself give you peace always in every way. The Lord be with you all.
17 (T)The salutation of Paul with my own hand, which is a sign in every [f]epistle; so I write.
18 (U)The grace of our Lord Jesus Christ be with you all. Amen.
Footnotes
- 2 Thessalonians 3:6 NU, M they
- 2 Thessalonians 3:8 Lit. for nothing
- 2 Thessalonians 3:12 encourage
- 2 Thessalonians 3:14 letter
- 2 Thessalonians 3:15 warn
- 2 Thessalonians 3:17 letter
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.