Add parallel Print Page Options

Palihim nang kumikilos ang kapangyarihan ng kasamaan, at magpapatuloy ang ganyan hangga't hindi naaalis ang humahadlang sa kanya. At kung maalis na ang hadlang, lilitaw na ang suwail. Ngunit lubusan siyang pupuksain ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng hininga ng kanyang bibig sa panahon ng kanyang maluwalhating pagdating. Ngunit sa kanyang paglitaw, ang suwail ay magtataglay ng kapangyarihan ni Satanas. Makikita ang lahat ng uri ng huwad na himala, mga tanda, at mga kababalaghan.

Read full chapter