Add parallel Print Page Options

Pagpapasalamat at Panalangin

Mga kapatid, nararapat lamang na kami ay laging magpasalamat sa Diyos dahil sa inyo sapagkat ang inyong pananampalataya ay lalong lumalago at ang pag-ibig ng bawat isa sa inyo ay sumasagana at ito rin ay sumasagana sa lahat para sa isa’t isa.

Kaya nga, para sa amin, kayo ay ipinag­mamalaki namin sa mga iglesiya ng Diyos dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa lahat ng mga pag-uusig at mga paghihirap na inyong tinitiis.

Ang mga ito ang katibayan ng makatarungang paghatol ng Diyos na kayo ay ariing karapat-dapat na mapabilang sa kaharian ng Diyos. Alang-alang sa kaharian ng Diyos, kayo ay natitiis.

Read full chapter