Add parallel Print Page Options

Ang Paghuhukom sa Muling Pagbabalik ni Cristo

Mga kapatid, dapat na kami'y laging magpasalamat sa Diyos dahil sa inyo sapagkat patuloy na lumalago ang inyong pananampalataya at lalong nagiging maalab ang inyong pag-ibig sa isa't isa. Kaya naman ipinagmamalaki namin kayo sa mga iglesya ng Diyos dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa gitna ng mga pag-uusig at mga pagtitiis na dinaranas ninyo.

Nagpapatunay ito ng makatwirang hatol ng Diyos, at ginagawa niya kayong karapat-dapat na makibahagi sa kanyang paghahari, na siya namang dahilan ng inyong pagdurusa.

Read full chapter