2 Tesalonica 1:10-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
10 Mangyayari ito sa araw ng kanyang pagdating upang tanggapin ang mga papuri mula sa kanyang mga banal at tanggapin ang mga parangal ng lahat ng mga nananalig sa kanya. Kabilang kayo roon sapagkat pinaniwalaan ninyo ang aming patotoo. 11 Dahil dito, lagi namin kayong ipinapanalangin sa Diyos, na tulungan niya kayo upang kayo'y maging karapat-dapat sa kanyang pagkatawag sa inyo. Dumadalangin din kaming igawad niya sa inyo ang kanyang kapangyarihan upang magawa ninyo ang lahat ng mabuting hangarin ninyo at mga gawang bunga ng pananampalataya. 12 Sa gayon, mabibigyan ninyo ng parangal ang ating Panginoong Jesus, at kayo nama'y pararangalan din niya, ayon sa kagandahang-loob ng ating Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.