2 Tesalonica 1:1-3
Magandang Balita Biblia
1 Mula(A) kina Pablo, Silas, at Timoteo—
Para sa iglesya sa Tesalonica, na nasa Diyos na ating Ama at nasa Panginoong Jesu-Cristo.
2 Sumainyo nawa ang kagandahang-loob at ang kapayapaang mula sa [ating][a] Diyos Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
Ang Paghuhukom
3 Mga kapatid, tama lamang na kami'y laging magpasalamat sa Diyos dahil sa inyo, sapagkat patuloy na lumalago ang inyong pananampalataya kay Cristo at lalong nagiging maalab ang inyong pagmamahalan sa isa't isa.
Read full chapterFootnotes
- 2 Tesalonica 1:2 ating: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang salitang ito.
2 Tesalonica 1:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Panimula
1 Mula kina Pablo, Silas at Timoteo,
Para sa iglesya ng mga taga-Tesalonica, mga hinirang ng Diyos Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo: 2 Sumainyo ang kagandahang-loob at kapayapaan mula sa Diyos Ama at Panginoong Jesus-Cristo.
Ang Paghuhukom sa Muling Pagbabalik ni Cristo
3 Mga kapatid, dapat na kami'y laging magpasalamat sa Diyos dahil sa inyo sapagkat patuloy na lumalago ang inyong pananampalataya at lalong nagiging maalab ang inyong pag-ibig sa isa't isa.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.