Add parallel Print Page Options
'2 Samuel 6:6-8' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

At nang sila'y magsidating sa giikan ni (A)Nachon, (B)iniunat ni Uzza ang kaniyang kamay sa kaban ng Dios, at hinawakan; sapagka't ang mga baka ay nangatisod.

At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban kay Uzza; at sinaktan siya ng (C)Dios doon dahil sa kaniyang kamalian; at doo'y namatay siya sa siping ng kaban ng Dios.

At hindi minagaling ni David, sapagka't nagalit ang Panginoon kay Uzza: at kaniyang tinawag ang dakong yaon na Perez-uzza hanggang sa araw na ito.