Font Size
2 Samuel 12:24-26
Magandang Balita Biblia
2 Samuel 12:24-26
Magandang Balita Biblia
Ipinanganak si Solomon
24 Inaliw ni David si Batsheba at sinipingan muli. Muli itong nagdalang-tao at nanganak ng isang lalaki. Solomon ang ipinangalan ni David sa bata. 25 Palibhasa'y mahal ni Yahweh ang bata, isinugo niya si propeta Natan upang sabihing Jedidia[a] ang itawag sa bata na ang ibig sabihi'y, “Mahal ni Yahweh.”
Ginapi ni David ang Rabba(A)
26 Samantala, ipinagpatuloy ni Joab ang pagsalakay at handa na niyang pasukin ang Rabba, ang pangunahing lunsod ng mga Ammonita.
Read full chapterFootnotes
- 2 Samuel 12:25 JEDIDIA: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng pangalang ito'y “Mahal ni Yahweh”.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.