2 Peter 2
New King James Version
Destructive Doctrines
2 But there were also false prophets among the people, even as there will be (A)false teachers among you, who will secretly bring in destructive heresies, even denying the Lord who bought them, and bring on themselves swift destruction. 2 And many will follow their destructive ways, because of whom the way of truth will be blasphemed. 3 By covetousness they will exploit you with deceptive words; for a long time their judgment has not been idle, and their destruction [a]does not slumber.
Doom of False Teachers
4 For if God did not spare the angels who sinned, but cast them down to [b]hell and delivered them into chains of darkness, to be reserved for judgment; 5 and did not spare the ancient world, but saved Noah, one of eight people, a preacher of righteousness, bringing in the flood on the world of the ungodly; 6 and turning the cities of (B)Sodom and Gomorrah into ashes, condemned them to destruction, making them an example to those who afterward would live ungodly; 7 and (C)delivered righteous Lot, who was oppressed by the filthy conduct of the wicked 8 (for that righteous man, dwelling among them, (D)tormented his righteous soul from day to day by seeing and hearing their lawless deeds)— 9 then (E)the Lord knows how to deliver the godly out of temptations and to reserve the unjust under punishment for the day of judgment, 10 and especially (F)those who walk according to the flesh in the lust of uncleanness and despise authority. (G)They are presumptuous, self-willed. They are not afraid to speak evil of [c]dignitaries, 11 whereas (H)angels, who are greater in power and might, do not bring a reviling accusation against them before the Lord.
Depravity of False Teachers
12 But these, (I)like natural brute beasts made to be caught and destroyed, speak evil of the things they do not understand, and will utterly perish in their own corruption, 13 (J)and will receive the wages of unrighteousness, as those who count it pleasure (K)to [d]carouse in the daytime. (L)They are spots and blemishes, [e]carousing in their own deceptions while (M)they feast with you, 14 having eyes full of [f]adultery and that cannot cease from sin, enticing unstable souls. (N)They have a heart trained in covetous practices, and are accursed children. 15 They have forsaken the right way and gone astray, following the way of (O)Balaam the son of Beor, who loved the wages of unrighteousness; 16 but he was rebuked for his iniquity: a dumb donkey speaking with a man’s voice restrained the madness of the prophet.
17 (P)These are wells without water, [g]clouds carried by a tempest, for whom is reserved the blackness of darkness [h]forever.
Deceptions of False Teachers
18 For when they speak great swelling words of emptiness, they allure through the lusts of the flesh, through lewdness, the ones who [i]have actually escaped from those who live in error. 19 While they promise them liberty, they themselves are slaves of [j]corruption; (Q)for by whom a person is overcome, by him also he is brought into [k]bondage. 20 For if, after they (R)have escaped the pollutions of the world through the knowledge of the Lord and Savior Jesus Christ, they are (S)again entangled in them and overcome, the latter end is worse for them than the beginning. 21 For (T)it would have been better for them not to have known the way of righteousness, than having known it, to turn from the holy commandment delivered to them. 22 But it has happened to them according to the true proverb: (U)“A dog returns to his own vomit,” and, “a sow, having washed, to her wallowing in the mire.”
Footnotes
- 2 Peter 2:3 M will not
- 2 Peter 2:4 Lit. Tartarus
- 2 Peter 2:10 glorious ones, lit. glories
- 2 Peter 2:13 revel
- 2 Peter 2:13 reveling
- 2 Peter 2:14 Lit. an adulteress
- 2 Peter 2:17 NU and mists
- 2 Peter 2:17 NU omits forever
- 2 Peter 2:18 NU are barely escaping
- 2 Peter 2:19 depravity
- 2 Peter 2:19 slavery
2 Pedro 2
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Huwad na Propeta
2 Ngunit noo'y may lumitaw ring mga huwad na propeta sa gitna ng sambayanan, kung paanong sa gitna ninyo'y lilitaw din ang mga bulaang guro. Palihim silang magpapasok ng mga maling aral na makapipinsala sa inyong pananampalataya. Itatakwil nila pati na ang Panginoong tumubos sa kanila, kaya't ito ang magdadala sa kanila ng mabilis na pagkapuksa. 2 At marami ang susunod sa kanilang mga gawang mahahalay, at dahil sa mga ito ay hahamakin ang daan ng katotohanan. 3 Sa kanilang kasakiman, pagsasamantalahan nila kayo sa pamamagitan ng mga pakunwaring salita. Matagal nang nakahanda ang hatol sa kanila at hindi natutulog ang kapahamakang darating sa kanila.
4 Maging ang mga anghel na nagkasala ay hindi pinaligtas ng Diyos; itinapon niya sila sa impiyerno,[a] kung saan sila'y iginapos sa kadiliman at doon paghihintayin hanggang paghuhukom. 5 Maging (A) ang masasamang tao noong unang panahon ay hindi niya pinaligtas. Ginunaw niya ang unang daigdig sa pamamagitan ng baha at wala siyang iniligtas maliban kay Noe na tagapangaral ng katuwiran, at ang pito niyang kasama. 6 Pinarusahan (B) din ng Diyos at tinupok ang mga lungsod ng Sodoma at Gomorra at ginawang halimbawa ng kasasapitan ng mga masama. 7 Ngunit (C) iniligtas ng Diyos ang matuwid na si Lot, isang taong lubhang nabagabag dahil sa mahahalay na pamumuhay ng masasama noon. 8 Naghirap ang kalooban ng taong ito dahil sa kasamaang araw-araw niyang nasaksihan at napakinggan habang siya'y nakatira doon. 9 Halimbawa ang mga ito na alam ng Panginoon kung paano niya ililigtas mula sa mga pagsubok ang mga tapat sa kanya, at kung paano ilalaan ang masasama sa parusa hanggang araw ng paghuhukom, 10 lalung-lalo na ang mga sumusunod sa masasamang pagnanasa ng likas na pagkatao at humahamak sa maykapangyarihan.
Sila'y pangahas, matitigas ang ulo, at hindi natatakot na lapastanganin ang mga maluwalhating nilalang sa kalangitan. 11 Samantalang ang mga anghel na higit na malakas at makapangyarihan ay hindi nanlait sa kanilang paghaharap sa Panginoon ng sakdal laban sa kanila. 12 Subalit ang mga taong ito'y lumalait sa mga bagay na hindi naman nila nauunawaan. Para silang mga hayop na walang bait at nagpapadala lamang sa kanilang mabangis na simbuyo. Kaya kung paanong isinilang upang hulihin at patayin ang mga ganitong hayop, ang mga taong ito'y papatayin din. 13 Pagbabayaran nila ang ginawa nilang kasamaan sa iba. Hindi na sila nahihiyang magpakasawa sa kamunduhan araw-araw. Nakikisalo sila sa inyong mga handaan, ngunit puro kasiraan at kahihiyan ang kanilang ginagawa. Ikinatutuwa pa nila ang kanilang panlilinlang. 14 Ang mga mata nila'y punung-puno ng pangangalunya at walang kabusugan sa pagkakasala. Inaakit pa nila na magkasala ang mga mahihina. Sanay na sanay ang kanilang puso sa kasakiman. Mga anak na isinumpa! 15 Iniwan (D) nila ang daang matuwid at sila'y naligaw. Sinundan nila ang daan ng anak ni Beor[b] na si Balaam na umibig sa bayad ng masama. 16 Ngunit siya'y sinaway ng isang asno sa kanyang kamalian, isang hayop na hindi makapagsalita, ngunit nagsalita na parang tao upang siya'y pigilan sa kanyang kahibangan.
17 Ang katulad ng mga taong ito'y mga bukal na walang tubig at mga ulap na itinataboy ng malalakas na hangin. Matinding kadiliman ang naghihintay sa kanila. 18 Mga kayabangang walang kabuluhan ang lumalabas sa kanilang bibig, at pinupukaw nila ang masasamang pagnanasa upang akitin pabalik sa kahalayan ang mga taong bahagya pa lang lumalayo sa mga taong namumuhay sa pandaraya. 19 Nangangako sila ng kalayaan sa mga hinihikayat nila gayong sila mismo'y mga alipin ng kabulukan, sapagkat alipin ang sinuman ng anumang nananaig sa kanya. 20 Kung ang mga nakatakas na sa karumihan ng sanlibutan dahil sa kanilang pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo ay muling maakit at nagpadaig sa kasamaan, mas masahol pa sa dati ang magiging kalagayan nila. 21 Mas mabuti pang hindi nila nalaman ang daan ng katuwiran, kaysa matapos nila itong makilala ay talikdan nila ang banal na utos na ibinigay sa kanila. 22 Angkop (E) na angkop sa kanila ang kawikaang, “Bumabalik ang aso sa kanyang sariling suka,” at, “Mas nais ng baboy ang maglublob sa putik kahit nahugasan na.”
Footnotes
- 2 Pedro 2:4 Sa Griyego, Tartaro.
- 2 Pedro 2:15 Sa Griyego, Buzor.
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.