Add parallel Print Page Options

Halimbawa ang mga ito na alam ng Panginoon kung paano niya ililigtas mula sa mga pagsubok ang mga tapat sa kanya, at kung paano ilalaan ang masasama sa parusa hanggang araw ng paghuhukom, 10 lalung-lalo na ang mga sumusunod sa masasamang pagnanasa ng likas na pagkatao at humahamak sa maykapangyarihan.

Sila'y pangahas, matitigas ang ulo, at hindi natatakot na lapastanganin ang mga maluwalhating nilalang sa kalangitan. 11 Samantalang ang mga anghel na higit na malakas at makapangyarihan ay hindi nanlait sa kanilang paghaharap sa Panginoon ng sakdal laban sa kanila.

Read full chapter