Add parallel Print Page Options

Maging ang mga anghel na nagkasala ay hindi pinaligtas ng Diyos; itinapon niya sila sa impiyerno,[a] kung saan sila'y iginapos sa kadiliman at doon paghihintayin hanggang paghuhukom. Maging (A) ang masasamang tao noong unang panahon ay hindi niya pinaligtas. Ginunaw niya ang unang daigdig sa pamamagitan ng baha at wala siyang iniligtas maliban kay Noe na tagapangaral ng katuwiran, at ang pito niyang kasama. Pinarusahan (B) din ng Diyos at tinupok ang mga lungsod ng Sodoma at Gomorra at ginawang halimbawa ng kasasapitan ng mga masama.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Pedro 2:4 Sa Griyego, Tartaro.